Everlie's Pov
Hindi ko maiwasang hindi mapayakap sa unan na yakap yakap ko. Parang ayaw ko ng gumising dahil sa lambot ng kama ko. Pero teka, hindi naman ganito ang texture ng kama ko.
Agad akong bumangon at doon ko na nga napag tanto na nasa ibang kwarto ako. Napakunot yung noo ko ng maalala yung nangyare kagabi.
Sa sobrang kalasingan ko hindi ko na alam kung anong nangyare. Basta ang alam ko umiinom lang ako, then may lalaking lumapit sa table ko.
Napatabon ako ng bibig at agad na kinapa ang dibdib at pempem ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng maramdaman na kompleto pa ito.
Bumangon na ako ng kama at lumabas ng kwarto. Dahan dahan akong nag lakad at pinakiramdaman ang lugar.
Napagtanto ko na nasa isang condominium ako. Nag patuloy ako sa pag iikot hangang sa mapunta ako sa kusina. May naka ready ng breakfast then may nakalagay na note.
"Eat this before you go." Basa ko sa sticky note na nakadikit sa fresh orange juice.
Naupo na ako at nag simula ng kumain. Ni hindi ko manlang sya naabutan. Ni hindi ko manlang nalaman ang pangalan nya, nakakahiya tuloy.
After kong kumain nilinisan ko muna yung pinag kainan ko. Nag Iwan din ako ng note dito.
"Thank you, pasensya na sa abala. -Everlie"
Huminga ako ng malalim at lumabas na ng condo nya. Ito ang unang beses na nakitulog ako sa bahay ng isang stranger. Mabuti nalang at hindi masamang tao ang nakakuha sakin kagabi. Kung hindi baka kung ano na ang nangyare sakin.
- Pag dating ko ng apartment ko.
"Surprise!!!" Malakas na sigaw ng baklitang best friend ko na si Paula at niyakap ako nito ng mahigpit.
"Mukang hindi ka ata masaya na nandito na ulit ako?" Naka crossarms na wika nito habang nakataas ang isang kilay. Nginitian ko ito at niyakap ng mahigpit.
"Bess, wala na kami ni Troi!" Wika ko dito at doon na nag simulang umiyak. Todo hagod naman ito sa likod ko.
"Sabi na nga ba at tama ang kutob ko sa lalaki na yun. Kaya ba wala ka kagabi? San ka natulog?" Sunod sunod na tanong nito.
Natigilan ako sa pag iyak ng maalala yung lalaki sa bar kagabi.
"Ahmm, sa kakilala ko lang." Sagot ko dito at dumiretso ng kusina para uminom ng tubig.
"Lalaki ba or babae?" Muling tanong nito habang nakasunod sakin.
"Bakit ba ang dami mong tanong Puala? Wala ka bang trabaho ngayon?" Inis na tanong ko dito.
"Eh Ikaw wala ka din bang work ngayon?" Balik tanong nito sakin.
"Natangal ako sa work ko kahapon." Mahinang sagot ko dito.
"What! My gosh bakla, so paano mo na babayaran ang utang mo ngayon kay Mr Tan?" Windang na wika nito.
"Yun na nga bakla, hindi ko na alam ang gagawin ko." Naiiyak nanaman na sagot ko dito.
Muli ay lumapit ito sakin at niyakap ako.
"Hayaan mo at tutulungan kitang makapag hanap ng bagong trabaho." Wika nito at inayos ang buhok ko.
"Salamat bakla, mabuti nalang at bumalik kana. Hindi ko na talaga alam kung ano ang mangyayare sakin ngayong walang wala na ako." Wika ko dito at naupo na kami sa kahoy na sofa.
Kinuha nito ang laptop nya at nag simula na ito sa pag pipindot.
"Ang gwapo talaga itong si Fafa Austine, ang sarap sarap nya!" Kinikilig na wika ni Paula habang nakaharap sa laptop nya. Napailing nalang talaga ako dahil sa kalandian nito.
"Sino ba yan, patingin nga?" Akmang titingnan ko na ang laptop nito ng bigla nya itong ini-scroll up.
"Wag na baka agawan mo pa ako ng crush. Mag hahanap tayo ng hiring ngayon sa internet. Ito ang gagawin natin buong mag hapon." Wika nito kaya napangiti ako. Sana ay mag katrabaho agad ako.
**Garrison's Pov**
"Kung gusto mong mapasayo ang company, you need to get married as soon as possible." Wika ni dad na ikinagulat ko.
"Pero dad, anong connection nun sa pagiging CEO ng Clinton's Empire?" Inis na tanong ko.
"Clinton's Empire is about creating a big family, a business and a legacy. Hindi kami papayag ng mommy mo na pamunuan mo ang negosyo natin na hindi mo nararanasan ang tunay na kahulugan nito. You need to have wife and children. Matanda na kami ng mommy mo son, at bago kami mawala sa mundong ito we need to secure na may maiiwan kaming taga pag mana mo." Mahinahong wika ni dad.
"Pero dad, kaya kong pamunuan ang negosyo natin habang wala pa akong pamilya." Sagot ko dito. Agad naman itong umiling.
"Kung hindi ka susunod sa gusto namin ng mommy mo. Ipapaubaya ko sa kuya Lawrence mo pansamantala ang company habang hindi ka pa kasal." Wika nito na syang ikinainis ko.
"Hindi ako papayag dad! Buong buhay ko inalay ko sa company natin. Dugo at pawis para mas lalong maging matagumpay ang mga projects natin, tapos ibibigay mo lang ito kay Kuya. Hindi ako papayag!" Pasigaw na wika ko dito.
"So what are you waiting for? All you need to do is to get married. Kayang kaya mo yan son. Hindi na kami makapag hintay ng mommy mo na mag ka apo sayo." Ngiting ngiti na wika ni dad.
"Fine, gagawin ko na ang gusto nyo." Pag suko ko sa kanila.
Umalis ako ng mansion na masama ang loob. San naman ako mag hahanap ng mapapangasawa sa lalong madaling panahon?
Hindi naman pwedeng manghila nalang ako ng babaeng makita ko. Kailangan ko ng kumilos sa lalong madaling panahon.
Dumiretso ako sa office ko, agad naman akong sinalubong ng secretary ko.
"Post on the internet for job hiring. Female only, age 24 to 30 years old. Good personality, and good looking, and also have good family background." Wika ko dito.
"Copy sir." Wika nito.
Pag dating ko sa table ko ay napa facepalm ako. Hindi ko akalain na aabot ako sa ganito. Parang nag search for Mrs Clinton's Fake wife ako. Ganun na ba talaga ako ka disperado?
"Sir na post ko na po, para saan po ba ito?" Tanong ni Mariel na secretary ko.
"I'm looking for someone to marry me. I mean, a fake marriage, fake wife." Sagot ko dito, tila hindi naman ito makapaniwala.
"K-kailangan nyo po ba talagang gawin to sir? Bakit po hindi nalang kayo makipag date. Isa pa marami naman pong gustong makipag date sa inyo, bakit kailangan nyo pa pong mag hanap para maging fake wife mo?" Pag tatakang tanong nito.
"Ayukong mag karoon ng problema sa huli, mas maganda na yung contract wife. Sa tingin mo, kung mga babaeng gusto akong makadate Ang Isa sa mapili ko sa kanina, papayag pa ba yun na pakawalan ako? Diba hindi? Kaya mas okey kung sa labas tayo kukuha. All I need to do is bayaran ito." Nakangising wika ko.
"Ah eh, sige po sir kung yan ang gusto mo. Pero para saan po ba ito at biglaan naman." Muling tanong nito. Kwenento ko dito ang dahilan.
"Isa lamang itong sekreto Mariel. Tayo lang ang dapat na nakakaalam nito." Muling wika ko dito.
"Don't worry sir, your secret is safe with me." Nakangiting sagot nito. Nakahinga ako ng maluwag, bukas na bukas ay mag sisimula na ang pag hahanap.
** Kinabukasan **
Dumiretso ako sa lugar kung saan gaganapin ang job hiring for my fake wife.
Napalunok ako ng makita kung gaano kahaba ang pila.
"Sir mag sisimula na po ba Tayo?" Tanong ni Mariel.
"Sige" Sagot ko ng makapasok na sa loob.
--After 8 hours--
"Sir wala ka pa rin po bang napipili?" Tanong ni Mariel sakin. Nag simula kami ng 8am at 4pm na ngayon ngunit wala pa rin akong nakikitang babagay na mag papangap na fake wife ko.
"I'm so sorry Mariel, ipag pa bukas nalang natin ulit to." Sagot ko dito.
"Sige sir, marami pa naman po ang nakapila. Papabalikin ko nalang sila bukas." Nakangiting wika nito.
Napasandal ako sa swivel chair ko at napapikit. Hindi pala ito madali tulad ng iniisip ko. Naniniwala na ako na ang pag aasawa ang pinakang mahirap na stage sa buhay ng isang tao.
7pm ng napag disisyonan kong pumunta ulit sa bar ni Val.
"May problema ba dude?" Pag tataka nito ng makita ako. Kwenento ko sa kanya lahat ng nangyare mula sa conversation namin ni dad until sa pag hahanap ko ng magiging fake wife.
"Haha, yan na nga ba ang sinasabi ko sayo bro. Tingnan mo at umabot ka pa sa ganito." Pailing iling na wika nito.
"By the way, kamusta yung babaeng kasama mo kagabi? Naka score ka ba?" Nakangising tanong nito.
"Sira, walang ganun na nangyare bro. Alam mo naman na hindi ako ganun. I have no idea kung nasan sya ngayon or kahit pangalan nya ay hindi ko alam. Iniwan ko sya sa condo, maaga kasi ang schedule ko for meeting kaya hindi ko na ito hinintay pang gumising." Paliwanag ko dito.
"Napaka hina mo talaga, palay na ang lumalapit sayo pero lagi mong tinatangihan. Sayang naman yung pagiging The Most Handsome Billionaire mo kung hindi ka manlang tumitikim ng babae." Pangiti-ngiti na wika nito.
Huminga ako ng malalim at nag simula ng uminom. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi sakin ni dad. I'm so desperate na makuha ang title bilang CEO ng Clinton's Empire.
Habang nag papakalunod ako sa alak, nakita ko nanaman sya. Ganun pa rin ito nung unang beses ko syang makita dito.
Lalapitan ko na sana ito ng biglang may humarang sakin na babae. She's sexy and pretty pero hindi ako interested sa kanya. Nilampasan ko ito at nilapitan na sya. This time, aalamin ko na ang pangalan nya.
"Ikaw nanaman, sinusundan mo ba ako?" Nakangising tanong nito ng makita ako.
Hinayaan ko lang ito sa pag sasalita. Ilang sandali pa umiyak nanaman ito.
"Ikakasal na sya, samantalang kakabreak lang namin nung isang araw. Ang gag*ng yun binigyan pa ako ng invitation letter." Wika nito habang umiiyak.
"Sobrang sakit na talaga!" Reklamo nito sabay hampas sa dibdib nya. Wala akong magawa kundi panuorin ito habang nahihirapan.
"Anong gusto mong gawin?" Tanong ko dito.
"Gusto ko na syang makalimutan, gusto ko ng makalimutan lahat ng problem ko, h-hindi ko na talaga kaya." Wika nito at muli nanamang humagolhol.
"Gusto mo bang tulungan kitang makalimot?" Tanong ko dito. Tumahan ito at tiningnan ako ng seryoso.
"Sino ka ba? Ano bang kaya mong gawin?"
"I'm Garrison, you can call mo Garri. Ikaw ba?"
"Everlie, Everlie Laine Castro." Pakilala nito.
"Gusto mo bang makalimutan lahat ng problema mo?" Nakangiting tanong ko dito.
"Kaya mo bang gawin yun?" Tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko.
"Sumama ka sakin." Wika ko at inabot sa kanya ang kamay ko. Tiningnan nito ang kamay ko, at ilang sandali lang ay pinatong na nito ang kanang kamay nya.
Tumayo na kaming dalawa at sabay na lumabas ng bar. Tahimik lang ito habang naka sunod sa likod ko.
"S-san tayo pupunta?" Nauutal na tanong nito.
"Kung saan mag babago ang buhay mo." Sagot ko dito.
"Teka lang Garri, h-hindi pa ko ready." Wika nito at napayakap pa sya sa sarili nya.
Napakunot naman ang noo ko, ano bang sinasabi nya? Napangiti ako ng mapansin na namumula ito at tila naiilang sakin.
"Harmful ako Everlie, sige na sumakay kana sa kotse." Wika ko dito.
Huminga ito ng malalim at tumingin muna sakin bago sumakay sa sasakyan. Pag pasok ko naman sa loob naabutan ko pa itong nag sa-sign of the cross.
"Hindi mo ba talaga alam kung sino ako?" Tanong ko dito at nag simula ng mag maneho.
"Thank you nga pala nung isang gabi." Wika nito habang nakayuko.
"May utang kana sakin." Pabirong sagot ko dito.
"U-utang? Pwede bang ilista mo nalang muna. May malaking utang pa kasi ako na babayaran." Sagot nito.
Napangiti nalang ako sa sinabi nito. After 20 minutes na byahe namin ay nakarating na kami sa Clinton's Empire. Sarado na ang mga opisina pero may guard naman dito kaya tumuloy pa din kami.
"T-teka lang, ano bang gagawin natin dito?" Nauutal na tanong nito.
"Diba sabi mo gusto mong makalimutan problema mo?" Sagot ko at nag patuloy kami sa pag lalakad.
Pag dating namin sa entrance tila nagulat yung guard sakin.
"G-good eve sir." Bati nito.
Dumiretso lang kami ni Everlie sa loob hangang makasakay kami ng Elevator.
"Dito ka ba nag tatrabaho? Okey lang ba na pumunta ka dito ng ganitong oras?" Nakayukong tanong nito.
"Madalas akong pumunta dito sa tuwing may problema ako." Nakangiting wika ko kasabay ng pag bukas ng elevator.
"T-teka, nasa rooftop ba tayo?" Di makapaniwalang tanong nito. Lumabas na kami ng elevator. Mula dito sa taas ay kitang kita ang buong city.
"A-ang ganda!" Manghang wika nito. Ang Clinton's Empire ang pinakang mataas na gusali dito sa syudad.
"Thank you dahil dinala mo ko dito." Nakangiting wika nito.
Masaya akong nagustuhan nya ang lugar na ito. Ilang minuto din kaming tumambay doon. Naupo kami sa bleacher habang ninanamnam ang magandang tanawin.
Naramdaman ko nalang na sumandal ito sa balikat ko. Napangiti nalang ako ng makita itong natutulog. Mukang malalim na ang pag kakatulog nito kaya binuhat ko na sya.
Ito ang pangalawang beses na binuhat ko sya. Sige lang Everlie, matulog ka ng mahimbing.