Tahimik na nakatago sila Lux at ang kaniyang mga anak sa ilalim ng puno halos at maski ang paghinga ay hindi na nila magawa nang biglang lumabas ang normal na pusa sa damuhan at tumingin lang sa kanila, kaya tinignan din nila ito. Maya maya pa ay hindi sila pinansin nito at naglakad na papalayo, pero hindi parin sila nakakahinga nang maluwag hanggang sa makaalis na ito ng tuluyan sa kanilang paningin. “Akala ko ayun na.” Habol ng hininga ni Luxy at dahan dahan tinanggal ang kamay sa kanyang kapatid. “Ano ba talaga ang totoong nangyari sa inyo pati na sa tatay niyo?” tanong ni Lux habang nakatingin kay Peter. “Katulad nga po ng sabi ko hindi namin alam, bigla na lang naging sobrang sama ni Papa matapos namin siyang pigilang umalis dahil hindi ka pa nga gising, hanggang sa abutin na kami

