Gumalaw ang kamay ni Lily at napansin kaagad ito ni Miss Kate, napansin din nila Chief Lee, Master Lua pati na si Keptler na gumagalaw na mismo ang katawan nito. Unti unting dumilat si Lily at ang unang mukhang nakita niya ay kila Miss Kate. Dahan dahan na siyang itinayo ni Miss Kate at ihinarap kay Master Lua. Nagtaka siya ng nakita niyang nasa likuran nila si Keptler para bang namamalikmata pa siya, pero nung tumingin sa likod si Master Lua at hinawakan sa balikat si Keptler ay agad siya napabangon at inihanda ang kamao. “Anong ginagawa niyan dito?!” galit na tanong ni Lily. “Lily, huminahon ka at kausapin ang banal na mata katulad ng pinapagawa ko sa ‘yo,” mahinahong utos ni Master Lua para kumalma si Lily. “Dahan dahan kang umupo para malaman mo kung anong pinunta niya rito,” tuloy n

