GIANT HILL: Isang higanteng bata ang sumisigaw sa sakit dahil pinaparusahan ito ng matangkad at maputing lalaki habang nakaluhod ito. Ilang oras na siyang pinaparusahan habang nasa tabi ang kaniyang ina na may hawak na isang serving plate, puno ng mga prutas ito. Nakaluhod lang at nakatingin sa ibaba ang nanay ng bata, hindi makuhang tumingin dahil ayaw niyang makita ang dinaranas nitong sakit. Tuloy tuloy pa rin ang pag palo ng lalaki kahit pa may mga sugat na ito sa likod at sa hita. Ang latigo na pinapalo ng lalaki ay nababalutan din ng mahika; sa handle ng latigo ay may isang bungo na kung saan pagmamay-ari iyon ng tatay ng pinapalo niyang bata. Isang hari ang tatay niya-- hari ng Giant Hill na walang awang pinatay ito ng lalaki noon kasama ang mga iba pang higante. Sa sobrang l

