Chapter 1

1609 Words
Masayang nanunuod ang isang pamilya sa kanilang telebisyon. 'Buong mundo ngayon ay dumaranas sa isang bago, matindi at malubhang sakit, kaya kung maaari ay manatili muna tayo sa—' putol nito Isang magulong tunog ang narinig ng isang pamilya sa kanilng pinapanuod. Inilipat-lipat ng ama ang channel ng TV ngunit walang anumang channel ang nag-bukas upang mag balita, walang sinuman sa buong mundo ang nakakaalam kung alin o ano ang sakit na kumakalat. Nag simulang mag sigawan ang mga tao sa labas. Nag simula ring kabahan ang pamilya dahil para bang may pinapatay sa labas, tinakpan ng nanay ang tenga ng kanyang babae na anak. Nag simulang dumugdog. Kumalabog ang pinto, bintana at bubong nila. "D'yan lang kayo, wag kayong aalis d'yan. Bantayan mo ang anak natin," madaling sabi ng ama. "Dad?" Takot na sabi ng anak. Hinatak ng kanyang nanay ang anak na babae. Pumunta sa pinto ang kanyang ama at tumingin sa silipan nito, wala siyang nakitang kahit anuman do'on. Binuksan ng ama ang pinto ng dahan-dahan pero wala talagang tao sa pinto. Dahan-dahang isinara ang pinto ng kanyang ama ng biglang tumahimik ang paligid. Todo ang kaba ng mag ina habang nakaupo sa sala nang biglang kumalabog ang sahig, na para bang may bumagsak. Dahan-dahang may gumulong papalayo sa pintuan. Isang maliit na puting mata, sumunod ang isa pang mata at panghuli ay ang ulo ng ama. Nag simulang sumigaw at humagulgol ang mag ina sa pag kakaupo nila. Takot na takot ang mag ina pero may narinig silang yapak ng paa, papunta sa ulo ng kanilang ama, pero walang nakita ang kanyang ina. Ang babaeng anak ay takot na takot sa nakita niya. Dumagdag pa ang isang lalaking nakita niya na nakaapak sa ulo ng kanyang ama. "Do you see me, baby girl?" Naka ngiting tanong ng lalake. Narinig ng kanyang ina ang boses na 'yon ngunit hindi niya makita kung sino ito. "Sino ka? Nasaan ka? Mag pakita ka! Anong ginawa mo sa asawa ko?" Takot na takot na sabi ng nanay. Biglang kumalabog uli ang sahig at nakita nilang pisa na ang ulo ng ama. Sumirit ang dugo sa mukha nila habang umaagos ang dugo sa sahig simula pinto hanggang sala. Nagulat ang nanay nang mag-turo ang kanyang anak na babae sa harapan nila. "Nay andoon sya." Tahimik na sabi ng anak. Dahan-dahang nakita ng nanay ang lalaki kasabay ng paglaho ng mala-chameleon na balat ng lalaki. May hawak na dalawang patalim ang lalaking punong-puno ng dugo, marahil ito ang ginamit sa pag pugot ng ulo ng kanyang ama. Patusok at malaki ang mata nito, matalas ang mga ngipin at puno ng dugo. Kulay dilaw at pataas ang buhok dahan-dahan lumapit ang lalaking chameleon na ito at lumuhod sa batang babae. "Sumama ka sa'kin, nag hihintay na ang iyong tunay na magulang," sabi ng lalaki. 'Di nakagalaw ang batang babae sa takot dahil sa itsura ng mukha nito at pati na sa mga pangyayaring tila ba'y parang nawalan siya ng malay habang dilat ang mata. Hindi pumayag ang kanyang ina at nag simulang pumalag ito, pinilit na 'wag kuhain ang kanyang anak na babae. "Anong gagawin mo sakanya? 'wag mong kuhanin ang aking anak, maawa ka ibalik mo sya sakin!" Pagmamakaawa ng nanay. "Alam naman nating 'di mo siya tunay na anak kaya sayo pa ako naaawa, bitawan mo ko baka mag bago pa ang isip ko at mapatay din kita," kalmadong sabi ng lalaki. "Wala akong pake kung mamatay ako o patayin mo pa ako, pakawalan at palayain mo lang mula sa kamay mo ang aking anak. Anak! Gumising ka!" Sigaw ng nanay. Sinipa ng lalaking chameleon ang nanay at tumalsik ito sa bintana, nabasag ang mga salamin ng bintana at tumalsik ito sa labas ng bahay. Lumabas sa pintuan ang lalaking chameleon habang bitbit-bitbit sa kaliwang braso ang batang babae. Umubo at nag-hihingalong nag salita ang ina habang nag susuka na sa kanyang sariling dugo. "Bitawan mo..." Putol na sabi ng nanay. Hinagisan ng kutsilyo sa ulo ng lalaking chameleon ang nanay at nag simulang mag lakad papalayo ang lalaking chameleon at naging invisible ito, pati na ang hawak niyang batang babae at tumalon ito sa mga bubong ng mga kabahayan. Makalipas ang sampung taon. "Zeyah!" Sigaw ng isang estudyante. Lumingon si Zeyah at ngumiti at tuloy lang sa pag lakad labas ng school. Umakbay ang kanyang kaibigang babae na si Lucy. "Sabay na tayo," ani Lucy. "Bakit mo pa sinasabi 'yan, eh lagi naman tayong sabay pumunta dito at umuwi," ani Zeyah. "Kahapon kasi halos 'di mo na ako pansinin, tuloy-tuloy ka lang sa pag lalakad mo, 'di ka man lang lumingon," ani Lucy. "'Yun ba? Pasensya na Lucy, wala akong naririnig kun'di music, naka earphone kasi ako," sabi ni Zeyah sa kaibigan niya at nag-akto pang nagmamakaawa ang mukha para patawarin siya nito. Si Lucy lang ang nakikisabay kay Zeyah simula nung iligtas siya nito sa mga lalakeng nag tatangkang gahasain siya. *Flashback* Papauwi si Zeyah galing ng school ng banggain siya ng mga lalaking estudyante dahilan ng pagka bagsak ng kanyang bag na nakakawit lang sa kanang balikat niya. Pinulot niya ito pati na ang mga gamit niya na nag kalat, hindi man lang nanghingi ng paumanhin o lumingon ang mga lalaking nakabangga sakanya. Sumakay ang mga lalaking iyon sa kanilang kotseng pang mayaman, apat sila, dalawa'y nasa harapan habang ang dalawa pa'y nasa sa likod. Mabilis ito at umalis agad. Isang janitor ng school ang nakakita kay Zeyah nang banggain siya ng mga ito, napatingin din ang janitor sa kotseng iyon. Nang naka-alis na ang kotse ay ibinalik niya ang tingin sa pwesto ni Zeyah ngunit wala siya roon. Maingay na tunog ang narinig ng mga tao sa daan, ngunit ang isang babae na si Lucy ay naka suot ng earphone. Tuloy-tuloy ang kanyang pagtawid pero dahil walang stoplight sa lugar na 'yon ay tuloy-tuloy din ang pag harurot ng kotse. "Bata! May kotse!" Sigaw ng mga tao sa daan. Habang busy sa pag tawid at pakikinig si Lucy sa daan ay lumingon-lingon siya nang biglang nakita ang kotse na mabilis na papalapit sakanya. Nagulat siya nang biglang may kung anong bagay na humagip sakanya. Huminto ang kotse at bumaba ang mga estudyante sa daanan at tinignan kung anong nangyari, kunf bakit parang may nabunggo sila. Pagka mulat ng mata ni Lucy ay nagulat siya nang mapansing nasa tabing daan na siya, naka pwesto pero walang nakakita kung sinong nabangga o bakit may yupi sa harap ng sasakyan. Takot na takot si Lucy sa pangyayaring iyon at naka tulala lang siya. Ang mga estudyante naman ay bumalik sa kanilang sasakyan at muling nag tawanan at nag siyahan. Pagka lipas ng ilang oras ay nawala na ang mga tao sa daan ngunit nakatulala parin si Lucy sa nangyari napatingin siya sa lapag, iniisip kung anong nangyari at muling tumingin sa daan at nakita niyang mayroong estudyante na nakahilata at namimilipit sa daan. "Kung pwede lang tulungan mo akong makapunta sa gilid ng daan nato," namimilipit na sinabi ni Zeyah. Biglang tumayo si Lucy at pinunasan ang kanyang sariling luha at ginabayan papunta sa gilid ng kalsada si Zeyah. Umupo sila sa tabing kalsada at sumandal sa gilid ng isang pamilihan ng wedding gown. "Kuhain mo yung kulay red na lalagyanan sa loob ng bag ko," madaling sabi ni Zeyah. Madaling-madali si Lucy na kuhanin ang bag upang makuha ang pinapakuha ni Zeyah. Nakuha nito ang pinapakuha ng babae at inabot niya ito, ngunit 'di niya tinanggap. "Ihilata mo ako at i-spray mo 'yan sa likod ko," madaling sambit ni Zeyah. "Huh?" Pag tataka ni Lucy. "Spray mo nalang wala ng oras," madaling sabi uli ni Zeyah. Inihilata niya si Zeyah at inisprayan niya ito ng bagay na iyon. Nag simulang mag balik sa ayos ang mga buto ni Zeyah na tila ba ay isang mahika ang nangyari. Nagtaka at nagulat si Lucy sa kanyang nakita ng nabalutan si Zeyah ng isang balat ng chameleon at nag simulang mawala ito sa paningin niya. Unting-unting may lumabas sa harapan niya na bagay. Nawala ang mala-chameleon na balat sakanyang ulo at ngumiti ito kay Lucy. "Salamat at iniligtas mo ako, bayad mo na rin sa'kin 'yon at iniligtas kita. Kuwits na tayo dahil d'yan," masayang sabi ni Zeyah. Tumayo siya at tumalikod kay Lucy. Tumingin-tingin sa paligid si Lucy dahil iniisip nitong baka may nakakita sa nangyari at ginawa niyang pag lalaho. Nag simulang mawala rin ang balat ng chameleon sa kanyang katawan. Gulat na gulat na gulat si Lucy sa kanyang mga nakita. "P-p-pa-paano mo 'y-yo-yon nagawa?? A-a-at ikaw ang nag ligtas sakin s-s-sa-sa humaharurot na k-kotse na 'yon?" Putol-putol na pagtataka ni Lucy. "Ako nga, pero hindi mo na kailangan malaman pa kung paano ko nagawa ang mga bagay na 'yon," ani Zeyah. Humarap si Zeyah kay Lucy at yumuko. "Maging panaginip na lamang sana sayo itong nangyari," sabi ni Zeyah at hinawakan ang kanyang ulo. Biglang nawalan ng malay si Lucy sa gitna ng kalsada at nagulat si Zeyah ng biglang bumagak si Lucy sa pag kakaupo. "Hala! Anong gagawin ko rito? Ano bayan hahabulin ko pa yung mga ungas na yun eh," inis na sabi ni Zeyah. Binuhat niya si Lucy at nag simulang mag balat chameleon si Zeyah mula ulo hanggang paa. Nag simula ring maging invisible silang dalawa habang buhat-buhat ni Zeyah ang babaeng nawalan ng malay. Mabilis na nadala ni Zeyah si Lucy sa ospital at iniwanan nya ito sa harap ng ospital. Nang bitawan niya ito ay nawala ang pag ka invisible ni Lucy. "May nahimatay rito, tulong tulong!" Sigaw ni Zeyah. Narinig ng doktor at nurse sa loob ang sigaw na iyon kaya't nag-simula silang lumabas sa ospital. Nakita nila ang isang nakalupasay na babae, at inilagay sa stretcher tsaka ipinasok sa ospital. Nang nakita na ni Zeyah na ipinasok na sa loob ng oospital si Lucy ay nag umpisa na siyang tumakbo at tumalon-talon sa building para hanapin ang mga estudyante kaninang naka sakay sa mamahaling kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD