Chapter 2

1171 Words
18 years old na sa kasalukuyan si Zeyah at ngayong taon na ito ay graduating na siya sa pagiging senior high. Sabay na umuwi si Zeyah at si Lucy sa paaralan ng 4 season. Nag lalakad sila habang nakahawak sa kaliwang braso ni Zeyah si Lucy. May biglaang apat na studyanteng sumulpot at sumalubong sakanila, walang pakundangang binunggo ang magkaibigan kaya't bumagsak ang bag ni Zeyah sa sahig at nag dilim ang paningin nito. Nag simulang pulutin ni Zeyah ang mga gamit niya mula sa pag kakalaglag nito. Tumulong din si Lucy sa pag pulot ng mga gamit niya, nakita ni Zeyah na lumingon ang dalawa, yung isang lalake ay ngumisi lang sakanila. Tumayo si Zeyah sa pag kakaluhod at haharap na sana sa mga estudyanteng yun– galit na galit ang mukha at nanlilisik ang mata– pero hinawakan siya agad ni Lucy sa kanyang dalawang braso at inalalayan, dahil alam ni Lucy na baka sugurin niya ang mga ito. Kumalma naman si Zeyah sa pagka galit at sabay silang huminga ng malalim. Narinig nila ang isa't-isa na sabay huminga ng malalim at nag tinginan at nag simulang mag tawanan, kumapit uli si Lucy sa kaliwang braso ni Zeyah at nag-aya nalang umuwi. "Mabuti naman at 'di mo tinuloy 'yang balak mo," ani Lucy. "Wala naman akong balak no," sagot ni Zeyah. "Kita ko sa mga mata mo kaninang nanlilisik tapos parang gusto mo na silang patayin," pagpapaliwanag ni Lucy sa kanyang napagmasdan. "'Di ah," pag-tatanggi ni Zeyah. "Joke lang, alam ko namang hindi mo kayang pumatay," masayang sabi ni Lucy. "Syempre naman haha," natatawang sabi ni Zeyah. "Tara na umuwi na tayo," pag aaya ni Lucy. "Tara!" Masayang sabi ni Zeyah. Nakatira si Lucy sa Spring street habang si Zeyah naman ay sa Winter street, kaya kinakailangan nilang mag hiwalay, dahil magka layo ang bahay nila. Sa isang kanto na hiwalay ang daanan nag paalam na si Lucy. "Bukas nalang, sabay uli tayo," at "lagi naman," ang sagot ni Zeyah. Habang nasa daan patungo sa paroroonan niya ay inisip niya ang mga sinabi ni Lucy na "alam ko namang hindi mo kayang pumatay," paulit ulit na pumapasok sa isip niya ito, at nag simulang mag balat chameleon uli siya kaya't naging invisible siya muli. Tumalon sa kabayanan at nag umpisang hanapin ang apat na estudyanteng nakailang bangga niya na ng ilang beses. Sa isang bar sa Winter street ay huminto ang isang mamahaling kotse na sinasakyan ng apat na estudyante. Bumaba ang apat na estudyante sa mamahaling kotseng iyon habang nasa taas ng isang building si Zeyah. Unti-unting nawala ang balat chameleon sakanyang ulo hanggang leeg, mula roon ay kita niya ang apat na estudyanteng akmang papasok na sa loob at nakahawak na ito sa doorknob ng dalawang malaking pinto, pero bigla itong bumakas isang lalaking malaki at matipuno, may bigote, balbas at walang buhok sa ulo. Napansin ni Zeyah na ngumiti ito, narinig niya sa labi ng malaking lalaki na iyon ang mga katagang "Anak andyan kana pala, tara pumasok na kayo ng mga kaibigan mo," sinabi niya iyon sa lalaking nasa gitna. Nang marinig ni Zeyah 'yon ay agad na pumasok sa isip niya ang isang malabong pangyayari, madugo't malabong pangayayari, isang sapatos na suot ng isang lalaki at puno ito ng dugo mula sa sapatos at sahig ng isang bahay. Dahil sa kagustuhan niyang malaman ay 'di niya ininda ang sakit at itinuloy ang pangyayaring iyon sa isipan niya, ngunit unti-unti siyang nahilo at muntikang malaglag siya sa kinalagyan niya. Agad na ipinang sandal niya sa unahan ang kanang kamay niya sa sahig upang hindi siya mahulog habang ang kaliwang kamay niya naman ay nakahawak sakanyang ulo, pinilit niyang ituloy ang mga pangyayari sa kanyang isipan. Bakas na ang pawis sa kanyang mukha, papataas ang paningin sa kanyang isipan simula sapatos ng lalake, leeg at hanggang mukha. Gulat ang makikita sa mukha ni Zeyah ng nakita niya sa mukha ng lalake ang isang nanlilisik na mata at may kaunting dugo, ngunit malabo parin ang mga pangyayaring iyon. Natulala siya at hindi niya napansin na hindi na sumasakit ang kanyang ulo. Nakapasok na ang apat na estudyante sa bar kaya hindi niya rin ito napansin, dahil nakatutok siya sa kanyang isipan. Nang naging maayos na ang pakiramdam niya ay tumayo na siya at tumalikod sa kanyang pag kakapwesto at nag simulang mag balat chamleon na uli ang kanyang ulo. Tumakbo ng mabilis at unti-unting naging invisible ang kanyang buong katawan at tumaon-talon na ito sa building papunta sa kabahayan. Nang makarating siya sa tapat ng bahay nila, isang malawak na bahay mansyon kung ituring ng iba, may malawak na garden, malaking bahay, malawak na lugar at mahabang pag lalakaran bago makarating sa gate papunta sa malaking bahay. Nasa dulo siya ng daanan na ito mula doon ay huminto siya, nawala ang pagka invisible at pagka balat chameleon ng kanyang buong katawan. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay pantay sa kanyang ulo at nag simulang mag balat chameleon uli ang kanyang buong katawan. Binanat niya ang kanyang mga kamay at pati narin ang dalawa niyang braso, humanda sa pag takbo. Nag simulang tumakbo si Zeyah at lumabas ang maramig machine gun sa ilalim ng lupa at sa gilid nito. Pinag babaril siya pero mabilis niyang iniwasan ang mga ito kahit na ang mga bala ay kasing laki ng rocket. Dalawang bala ang papasalubong sakanya, sa kanan at kaliwa biglang nag slowmo ang paligid, papalapit ang dalawang bala na mala rocket ang laki matatamaan na buong katawan niya pero mabilis siyang nawala, tumalon pala ito at ginawang tapakan ang mala rocket na bala nito upang maka-ikot at makaiwas, sa pag ka bagsak niya'y sumabog ito sa likod niya at tumahimik ng saglit ang paligid, at agad na tumakbo uli siya ng pagka bilis nang simulang mabitak ang mga tinatapakan niya at umilaw ang nasa ilalim nito. Mainit na tunaw na mga bato ang babagsak sakanya kung magkamali man siya ng tapak. Dalawang patalim ang sabay na lumabas sa mag kabilang parte ng daanan at bumagsak ito ngunit may space ito sa gitna, kaya huminto siya rito at sa isang saglit, nag slowmo muli ang paligid, muntikan na siyang mahulog pero hindi, dahil agad siyang tumalon pataas at umikot, pagka bagsak niya ay mabilis na tumakbo siya papunta sa gate pero unti-unti paring nahuhulog ang mga tinatapakan niya, tumalon siya ng pagka haba upang maka-abot sa gate pero, lumabas ang dalawang robot na nanlilisik ang mata at nag simulang sumalubong sakanya, kasabay no'n ay lumabas ang dalawang patalim sa kaliwa at kanang kamay niya, matatamaan na sana siya nang unti-unti siyang naging invisible. Isang lalake ang nakatayo sa loob ng gate para syang butler, naka damit ng maayos, katamtaman ang katawan at maikli ang buhok na para ngang isang butler. Isang pagaspas ng hangin ang narinig at tumahimik ang paligid. Isang sugat sa leeg ang nag simulang mag dugo sa 'di kilalang lalaki na nasa gate. Kasabay no'n ay sumabog ang dalawang robot sa labas ng gate at isang bagay lang ang narinig sa paligid pag katapos ng pangyayaring iyon. "Hanggang kailan ba natin 'to gagawin, tito?" Tanong ni Zeyah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD