Chapter 3

1211 Words
"Magaling, nag hihintay na sayo ang mama at papa mo sa loob," unang narinig sa bunganga ng kanyang tito simula ng mga pag subok na nangyari sakanya. Isang pag subok lamang 'yon para sa anak ng mga "AXE" upang mahasa ang kagalingan sa pag laban. Inalis ni Zeyah ang kutsilyo sa leeg ng kanyang tito at binigyan ni Zeyah ng panyo. "Sorry, masyadong naidikit sa leeg mo," ani Zeyah. "Oh, sige na sige na, pasok na doon at kakain na. Hinihintay kana do'n, may sasabihin daw sayo ang nanay at tatay mo," sagot ng kanyang tito. Tumalikod si Zeyah at nag simulang mag lakad kasunod ang kanyang tito. "Ano bang ginagawa nila at bakit kailangan pa ako?" Walang galang na tanong ni Zeyah. Humakwak sa doorknob si Zeyah at muling sumakit ang ulo nito, bumalik nanaman ang magulo't malabong pangyayari sakanyang isipan, pero ngayon ay hindi niya na kinaya kaya't nawalan siya ng malay, nasalo naman siya ng kanyang tito sa pag kakahulog. Buti nalang ay isa ring AXE ang kanyang tito kaya mabilis itong nasalo si Zeyah kahit isang pulgada ang layo nila dahil nung bata ay natraining din ito. Binuhat sa kaliwang balikat ng kanyang tito si Zeyah at binuksan ang pinto gamit ang kanang kamay. Pagka pasok sa malaking bahay na tila ba'y isang kuweba sa laki ng dalawang hagdanang papunta agad sa second floor, ang sumalubong sa pag bukas ng pinto ay isang malaking daanan sa gitna papunta sa kusina at sa sala dinala ng tito niya si Zeyah. Sinalubong agad ng pag aalala ang kanyang ina dahil nakita niyang walang malay ang kanyang anak. "Anong nangyari d'yan? Bakit walang malay ang aking anak?" mabilis na tanong ng ina ni Zeyah. "Papasok na kami sa loob ng bahay nang biglang mahimatay siya, sumakit ang ulo niya at biglang bumagsak. Buti nalang nasalo ko agad," paliwanag ng tito ni Zeyah. "Oh siya, siya, halika halika, dalin natin sa kwarto niya, pumunta na kayo sa kusina at mag simula ng mag-ayos ng makakain," mabilis na sabi uli ng kanyang ina. Umakyat sila sa hagdan at idinala si Zeyah sa kwarto, inihiga sa kama at kinumutan at kiniss sa noo ng kanyang ama habang naka tingin lang sa pinto ang kanyang tito sa mag ina. "Tara na bumaba na tayo at nag hahanda na ng pag kain doon, mamaya nalang siguro siya sumabay kapag nagka malay na," ani ina ni Zeyah. Bumaba ang dalawa sa 1st floor at nag punta na sa kusina. Unang bumungad sa kusina ang nasa kabilang dulo na lalaking naka suit at malaki ang katawan, at malaki rin ang braso tsaka seryoso ang mukha nito tulad ng tito ni Zeyah. Sa kanang lamesa ay makikita ang lalaki na puro black ang kasuotan, long sleeve na turtleneck at naka pajama. Mapayat ng kaunti ito, normal na binatang lalaki. Sa kanan nama'y naka mini dress na pink ang batang babaeng masayang kumakain ng pagkain. Umupo na ang ina ni Zeyah, at ang kanyang tito sa kalagitnaan ng pagkain nila na sobrang tahimik, isang salita ng tito niya ang nag paingay sa hapak kainan. "Maaaring bumabalik na ang memorya ni Zeyah kaya sumasakit ang ulo nito," ani tito ni Zeyah. Tumahimik ang lahat sa hapag kainan. Binaba ang mga kutsara at tinidor sa hapag kainan na parang may pinag lalamayan. "'Wag kang mag sasabi ng ganyan sa hapag kainan," galit na sinabi ng ina ni Zeyah. Parang may mga langaw ang maririnig sa sobrang bilis at dami ng sinabi ng kanyang ina na hindi maintindihan. "Tahimik!" sigaw ng ama ni Zeyah kasabay ng paghampas nito sa lamesa. Umangat ang mga plato at nawasak ang kahoy na lamesa sa pwesto ng kanyang ama. Tumahimik ang lahat at tumingin sa baba ang ina at mga kapatid ni Zeyah, habang ang tito nila ay diretsyong nakatingin sa kapatid niya ang ama ni Zeyah. "Sige, ituloy mo aking kapatid," mahinahon na sabi ng kanyang tatay. "Bago siya mahimatay ang sinabi niya ay ang mga katagang ito, "dugo dugo puno ng mga dugo," kahit kailan man ay wala pa naman siyang na papatay dahil pinag babawalan pa natin dahil sa kanyang edad, kaya 'di malabong 'yon ang kanyang iniisip," mahabang paliwanag ng kanyang tito. "Kung ganun ay kailangan siguro nating gawin uli ang nangyari sakanya nuon, ang pang hihypnotize natin sakanya nuon nung bata siya, sa mga totoong magulang niya," sagot ng ama ni Zeyah. 'Noong pangyayaring iyon ay isang nanlilisik na mata nga ang nakita ni Zeyah. Dahil doon ay nawalan siya ng malay at tila ba'y nakatulala. Ang totoong dahilan ng pagka walan ng malay at pagka tulala niya noong mga araw na 'yun ay ang isang ginawa ng kanyang ama na memotize at ibinigay sa tito nya na gumawa ng karumaldumal na pang yayaring iyon ang nanlilisik na mata na iyon, iyon ang memotize.' Tila ba'y nagflashback sakanilang isipan ang mga nangyari noon. "Hindi natin muling pwedeng gawin 'yon, hindi normal na tao si Zeyah para makalimutan agad yun at kahit na magawa natin iyon ay magiging mangmang lang siya uli katulad ng isang bata," ani kanyang tito. "Maaari nating gawin 'yon uli basta ang mga iiwan mong salita sakanya ay "kami ang tunay mong pamilya wala ka ng dapat maalala sa mga panahon ng dati mong buhay, kahit pa sumakit ang ulo mo at bumalik ang mga alaala mo," yun lang at tapos na," sagot niya sa kanyang kapatid. "Mahirap na bitawan ang mga salitang gano'n ngayon pa, na hindi siya tumitingin sa mga mata ng mga nakakaharap niya. Naiilang siya at laging naka tingin sa ibaba at gilid-gilid niya," paliwanag ng tito ni Zeyah. "Kung kailangan ipwersa, ipwersa na natin," maikling sabi niya sa kanyang kapatid. "Hindi ko maaaring gawin 'yon, mag tataka siya kapag nakita niya akong ganun," ani tito ni Zeyah. "'Di niya malalaman na ikaw 'yan dahil 'di mo ipapaalam kaya mamayang gabi nating gagawin ang plano," sagot niya uli sa kanyang kapatid. "Sige anong plano mo?" Tanong ng tito ni Zeyah. Gabi na ng magising si Zeyah, saktong hapunan ng kanyang pamilya. Agad na bumaba si Zeyah sa kusina at nakita niya ang tinuturing niyang nanay na nagluluto, habang ang tinuturing niyang kapatid at ama ay nasa hapag kainang naka-abang sakanya. Umupo siya sa mahabang lamesa, sa kabilang dulo ng upuan, katapat niya ang tatay niya. Bumuhos ang malakas na ulan at ang hangin sa labas, kasabay ng pag lagabog ng pinto at bintana sa labas. Nag presintang si Zeyah na ang mag bukas pero pinigilan ito ng tinuturing niyang ama, na siya nalang ang magbukas. Tumayo ang kaniyang ama at habang papalapit ang kanyang ina na hawak ang hapag kainan ay sabay tanong, "saan ka pupunta!" Inilapag na ng kanyang ina ang pagkain pero hindi sumagot ang ama nito, kaya sinagot nalang ni ito ni Zeyah. "Bubuksan daw yung pinto, may kumatok ng pag kalakas eh," sagot ni Zeyah sa tanong ng kanyang ina sa kanyang ama "Ah, oh siya-siya, kumain na kayo. Kain na, kain na," mabilis na sabi ng tinuturing niyang ina. Isang malakas na kabog ang narinig sa sahig. Nagulat ang mga mag kakapatid at kanyang ina. Napatingin sa likod at nag simulang umagas ang mga dugo kasabay ng pag-halo ng tubig dahil sa ulan sa labas. Nakita ito ni Zeyah at sumakit ang kanyang ulo, sobrang sakit ng kanyang ulo, dahilan ng pag higa niya kaya siya'y napaluhod sa sahig habang pinipilit na imulat ang mata sa mga nangyayari sakanya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD