Chapter 4

4503 Words
Nagsimulang mag balik ang mga alala ni Zeyah kasabay ng pag habol niya sa kanyang hininga, habang nakahiga at namimilipit sa sakit ng ulo niya. Dumilat ng pagka laki ang mga mata niya at nagulat ang kina kapatid at ina-inahan niya sa nakitang pamumula ng mata niya. Agad na tumahimik ang lahat at tumingin sa harap nila, nakita nila ang isang lalaking unti-unting nawawala ang mala-invisible na balat sa kanyang katawan at nakatingin din sa harap niya. Nagka tinginan ang di kilalang lalaki at ang mag kakapatid, pati na ang ina nila. Agad na pumwesto ang lalaki na parang patakbo sa mag pamilya, habang nakahiga na namumula ang mata at naka dilat na para bang walang malay. Inilabas ang patalim ng di kilalang lalaki sa kanyang mga palad at agad na sanang susugod ngunit isang malakas na hangin ang gumulat sa lahat, at ang mag pamilya ay tumingin sa sahig. Nakita nilang wala na si Zeyah sa sahig, habang ang lalaki ay naka pwesto sa kanilang harapan nang paabante ang kanang paa, at biglang may sumapan sa balikat niya. Biglang binali ang ulo nito ng pagka bilis. Mabilis din na umalis sa balikat niya ito. Napalingon sa kaliwa ang mag pamilya dahil doon narinig ang mabilis na hangin. Ibinalik nila ang tingin sa harapan nila at laking gulat nila na wala na ang ulo nito sa katawan. Unti unti itong bumagsak sa sahig, madaming dugo ang umagos, pero dahil nga hindi ordinaryong tao ang mga ito ay nagawa pa niyang mag sulat gamit ang sariling dugo ng isang kataga. Ito ay mababasa bilang, "I'M SORRY LILY.” Pagkaraan nito ay hindi na muling gumalaw ang katawan nito. Isang malakas na pag bagsak sa harapan ang nakita at narinig ng mag papamilya. Ito ay ang ulo ng lalaking nakahilata sa sahig mula sa itaas, kasunod ang pag bagsak ni Zeyah/Lily sa itaas habang umiilaw ang mata nito. Nakatingin siya sa ulong naputol niya sa lapag at nakita niyang unti unting nawala ang balat chameleon sa pugot na ulo. Nakita niya ang mukha ng kanyang tito, napapikit siya ng mabilis at nawala ang pulang ilaw sa kanyang mata. Ito ay naging dahilan sa kanyang pagsimulang humagulgol. Isang malakas na hampas ang naramdaman ni Zeyah/Lily sa likod ng kanyang ulo at nawalan ito ng malay. Isang malaking tao ang nasa likod ni Zeyah/Lily. ‘Yon ang kanyang tatay-tatayan na si Zy AXE. Bakas sa mukha ng bata ang kanyang takot, dahil totoong napatay ni Zeyah/Lily ang kanyang kapatid sa isang iglap. Samantala, si Zy AXE, ang inaakala niyang unang namatay ay buhay pa dahil isang palabas lang ito ng pamilyang AXE para mabura uli ang mga ala-ala ni Zeyah. Sapagkat siya mismo ang sisira sa pamilya nila, pero totoong dugo ng isang tao ang umagos kasabay ng ulan sa loob ng bahay nila, dahil kumuha muna sila ng tao na walang silbi para sa kanila at ‘yun ang nag babantay sa bahay nila. Ito ay si Mr. Martin. Si Mr.Martin ay tinaguriang nag iisang normal na tao sa kanilang bahay, ngunit ‘di alam ni Mr. Martin na hindi sila normal na tao-- dahil hindi naman ito nakakapasok sa bahay-- sa labas lang siya nag babantay, kaya gano’n nalang kung lagutan nila ng buhay ito. Pagkat kasama iyon sa kanilang plano; ang umakting na papatayin ang kanilang tatay sa labas upang magawa uli na burahin ang mga ala-ala ni Zeyah/Lily. Ngunit kabaliktaran ang nangyari, bumalik lang lalo ang alaala nito pero ‘di rin inaasahan ni Zeyah/Lily na tito niya ang napatay niya, dahil sila lang ang magka sundo sa lahat. Lalo na sa pag training dahil ang tito niya ang humahasa sa galing nito araw-araw pagka uwi sa paaralan ni Zeyah. Nag halo ang emosyon ni Zeyah dahil na isip niya rin na ang kanyang titu-titohan ang pumatay sa mga tunay na magulang niya, kaya nawala siya sa pokus at nahampas siya, tsaka ito nawalan ng malay. Sa mga pangyayaring naganap ay gulat ang makikita sa mukha ng mga AXE habang naka higa ang katawan nito, at katabi ang pugot na ulo. Nakayakap si Zeyah/Lily sa katawan ng kanyang titu-titohan habang dumurugo ang likod ng ulo ni Zeyah/Lily. Namomroblema habang nakatayo ang ama ng pamilya dahil napatay ang kanyang kapatid. Gulat na gulat din ang magkapatid na bata sa lakas ng pinakita ng kina kapatid nila. Maski ang ina nila, sa sobrang gulat ay napasigaw na lamang pagka tapos mahimatay ni Zeyah/Lily, dahil sa malakas na pagka palo sa ulo nito ng kanyang asawa. Pagka tapos noon ay binitbit na ni Zy ang bangkay ng kanyang kapatid at iniwan nila si Zeyah/Lily sa kanyang pwesto. Gabi na ng umalis sila sa kanilang bahay at tanging si Zeya/Lily ang naiwan sa mansyon at inabandona na rin nila ang mansyon nila. Kinabukasan ay nagising si Zeyah/Lily sa lapag na punong puno ng tuyong dugo. Sobrang dumi niya pati ang damit niya ay punong puno ng dugo pati na ang kamay nito. Nag simula siyang tumayo at nag lakad papalabas ng mansyon. Tumitingin siya sa paligid at inaalala ang mga pangyayari, nang biglang may naalala siya habang papalabas sa mansyon: ang naka sulat sa lapag pero malabo ito sa kanyang paningin. Agad na bumalik siya sa pinanggalingan niya at tumingin sa lapag tanging "LY" nalang ang naka sulat sa lapag, at naaala niya na ang mga pangyayaring iyon kagabi. Natakot siya at napaluhod habang umiiyak. "Tito... tito... titoooo..." pag mamakaawa ni Zeyah. Isang malaking TV ang lumabas sa sala at bumukas. Nagulat si Zeyah/Lily at napatingin sa malaking TV, nakita niya ang kanyang titu-titohan at sinabi ang mga katagang: "I'm sorry, Zeyah, kung umabot man sa ganito ang mga pangyayari. Ginawa ko itong video na ito bago ganapin ang pinaplano namin ni Zy, ang tatay tatayan mo, dahil alam kong hindi matutuloy ang binabalak nila. Gumawa ako ng video na ito para kung anumang mangyari sa akin ay makapag paalam ako ng maayos. Pasensya ka na sa nagawa ko sa magulang mo. Tanging ang utos lang ng nakakatanda kong kapatid ang sinunod ko dahil minsan niya na akong iniligtas sa kamatayan, at wala akong magawa kung hindi sumunod na lang sa kanya bilang kapalit sa nagawa niyang kabutihan. Inilagaan kita, tinuring kitang anak, pinalakas kita dahil alam kong balang araw ay kaya mong baliin ang mga pangyayaring magaganap sa buhay mo. Kaya tanging ‘yun lang ang magagawa ko para makabawi sayo, dahil napatay ko ang magulang mo. Pasensya na uli, mahal kong Zeyah patawarin mo sana ako sa lahat lahat. Gawin mo ang mga nararapat mong gawin. ‘Wag kang susuko at ang tanging hiling ko lang ay gamitin mo ang totoo mong pangalan para sa’kin, kahit pa ako ang nag pangalan sayo ng Zeyah. Ayun lang naman mahal kong Lily. Paalam," mahabang pagpapaalam ng kanyang tito. Namatay ang TV at humagulgol na muli si Lily habang naka dikit ang kanyang ulo sa lapag at tumutulo ang luha sa sahig. "Pasenya na rin po at hindi ko alam na ikaw ‘yun. Hindi ko na kontrol ang sarili ko... pasensya na po," ani Lily habang umiiyak. “Salamat sa pag papalaki sa akin ng matino tito. Hindi ko na po inaalala ang pagka matay ng mga magulang ko dahil ‘di niyo naman kasalanan talaga ang mga pangyayaring iyon, sumunod lamang kayo sa utos. Pangako po ay mananagot sila," nanunumpang karugtong na sinabi ni Lily. Tinaas ni Lily ang ulo niya at pinunasan ang kanyang luha. "Mauna na po ako tito," paalam ni Lily. Tumayo si Lily sa kinaluluhudan at pinunasan niya muli ang kanyang luha gamit ang damit niyang puno ng dugo. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang mga gamit at damit sa kwarto niya, pati na ang malaking bag na kulay itim na itinago niya sa baba ng sahig ng kwarto niya, sa may higaan banda niya. Sinira niya ang mala kahoy na sahig para makuha lang ito. Umalis siya ng mansyon na marumi ang kanyang damit. Suot niya ay isang sweatshirt, pajamas at nakayapak siya habang bitbit ang isang bag, tsaka isa pang bag ng mga damit niya. Unang unang pinuntahan niya pagka alis niya sa mansyon ay ang bahay ng kanyang kaibigan na si Lucy. Kumatok siya sa gate ng kanyang kaibigan, isang oras na ay wala pa rin lumalabas para tignan kung sino ang kumakatok sa labas ng gate na iyon. Makalipas pa ang isang oras ay dumating si Lucy, hawak hawak ang sandamakmak na plastic at karton na punong puno ng groceries. Habang naka upo at naka sandal sa pader si Lily ay napalingon si Lily sa kaliwa niya at nakita niya na maraming bitbit si Lucy. Mabilis na tumayo si Zeyah at kinuha ang kalahating gamit na bitbit ni Lucy. Nagulat si Lucy nang biglang may kumuha ng kalahati sa bitbit niya, akala niya ay mag nanakaw, pero nakita niya ang mukha ni Zeyah na ang dungis at maraming pulang mantsa sa damit. “Letche ka, akala ko mag nanakaw," natataranta na sabi ni Lucy. "Sorry, tulungan na kita," alok ni Lily. "Anong nangyari sa’yo? Bakit ang dungis mo, dugo ba’yan?" Sunod-sunond na tanong ni Lucy. "Tsaka ko na ipaliwanag kapag nasa loob na tayo. Pero isa lang hihilingin ko, ‘wag ka sanang magugulat at syempre, paligo na rin," ani Lily na may kasamang biglaang pag ngiti. "O’ sige sige, nasa bulsa ko ang susi. Kuhanin mo, ikaw na mag bukas," sagot ni Lucy. Kinuha ni Lily ang susi sa bulsa ni Lucy at binuksan ang gate na kulay itim. Makikita rito ang isang hagdan, sa kaliwa ay makikita ang garden nila na maliit lang naman, at pag mag lalakad ka sa kanan mula sa pag akyat mo sa hagdan ay makikita rin ang isang pinto papasok sa bahay nila. Digital ang password ng bahay nila. Dati nung naka punta rito si Zeyah nung minsang gumawa sila ng school project, pinaka mataas ang markang nakuha nilang dalawa na 50. School project ito sa Science kaya maaasahan si Lily sa mga ganito. Tumunog ang lock ng pinto nila Lucy at pumasok na sila sa loob. Hindi na lumingon lingon pa si Lily dahil ‘di naman na siya baguhan sa mga gamit nito, at minsan na siyang pumunta rito. "Pakibaba nalang diyan sa lamesa at kukuha na kita ng tuwalya tsaka damit na rin. Kasya naman siguro sa’yo ‘yung damit ko," alok ni Lucy sa kanyang kaibigan. "Tuwalya nalang, mayroon na akong damit dito, madami," sagot ni Zeyah pagka baba ng mga pagkain, kasabay ng pag upo niya sa upuan. "Ano ba ang nangyari sa’yo? May damit kang dala, halos lahat na ata yan eh tapos ang dungis mo, naglayas ka ba?" pag tataka ni Lucy. "Mamaya ko na ipaliwanag pag naka ligo na ako," ani Zeyah. "O’ sige na, sige na. Kukuha na ako ng tuwalya.” Kumuha ng tuwalya si Lucy sa kwarto niya at bumalik kay Zeyah. "O’ sige na, maligo ka na. Pindutin mo na lang yung button dun na pula kung gusto mo ng hot water para sa pag ligo mo. Dumikit na ‘yung mga dugo sa balat mo. Mag aayos lang ako rito ng mga pinamili ko," mahabang sabi ni Lucy. Hindi na nag salita si Zeyah at kinuha na sa kamay ni Lucy ang tuwalyang inabot nito, habang may hawak na siyang damit sa kaliwa niyang kamay at pumunta na sa banyo. Kasabay niya ay si Lucy na nag aayos na ng mga pinamili niya. Inilagay niya ang mga dapat ilagay sa ref, pati na ang mga dapat ilagay sa storage food room, mga delata at iba pa. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Lily sa banyo habang naka talukbong sa ulo niya ang tuwalya, naka sando at shorts na hanggang upper knee, at umikli ang buhok nitong hanggang leeg na lang. Gulat si Lucy sa nakita niya dahil ni minsan ay hindi nag pagupit ng buhok ‘to ng sarili niya. "Anong ginawa mo sa buhok mo?" tanong ni Lucy. "Binawasan ko lang ng kaunti," sagot ni Lily sabay hawak at tingin sa buhok niya. "Kaunti ka d’yan. Pero sabagay, bagay sa’yo. Bakit ngayon mo lang naisip ‘yan?" tanong uli ni Lucy. "Wala, ang dami lang nangyari na hindi ko inaasahan at nahihirapan akong ihandle ang mga ‘to, kung pati sa sarili ko ay stressed. Kaya naisip ko ‘to, ang mag paikli at syempre ako pa ang nag gupit nito para umikli. Oo nga pala, sorry ginamit ko ‘yung gunting dun sa banyo niyo," paliwanag ni Lily. "Anong gunting ‘yung maliit? HAHAHA ginagamit ko yun sa ano eh..." natatawang putol na sabi ni Lucy. "Sa ano?” "HAHAHA alam mo na ‘yun. Hindi kasi kami nag gugupit sa banyo ng sarili naming buhok, pang sa ano lang yun... basta sa ano HAHAHA!" tawang tawang bigkas ni Lucy. “Ahh... hindi na mahalaga pa yun, sa buhok ko naman din ginupit," ani Lily. "Sabagay. Pero natatawa pa rin ako sa’yo. Ano ba kasi nangyari sayo?" usisa ni Lucy. Inabot niya kay Lucy ang isang bag. "Ano yan?" tanong ng kaibigan niya. "Buksan mo," sagot ni Lily. Nakita ni Lucy ang sandamakmak na pera sa isang bag. Punong puno ng naka gomang pera. Nagulat si Lucy at inisip niyang nagnakaw ito at nakapatay ng tao. "Nagnakaw ka ba sa banko at ganyan karami ang pera na nasa bag na ‘yan? Nakita pa kita kanina, puno ka ng dugo. Pinatay mo ba yung guard doon sa banko kasi babarilin ka rin tulad ng mga nakikita ko sa teleserye?" mabilis na sinabi ni Lucy ang nakikita niya sa kanyang imahinasyon. "Ha? Pinag sasabi mo? Pera ko ‘yan, ipon ko ‘yan sa pamilya ko, dati pa ‘yan kaya ganyan karami since kumakain naman ako sa tama at binibigyan pa ako ng pera. Bonus na ‘yun wala naman na rin akong gusto, kasi nabibigay na ng tito ko," mahabang paliwanag ni Zeyah. "Ah, eh ano ‘yung mga dugo sa damit mo kanina?" tanong ni Lucy. "Nand’yan ba papa mo?" sinagot ni Lily ng isa pang tanong si Lucy upang makaiwas sa usapan. "Ah, si papa ba? Wala, nasa trabaho niya pa. Mamaya pa ‘yun dadating, bakit?" tanong uli ni Lucy. "Ah, mahirap paniwalaan itong mga susunod na sasabihin ko, kaya sana mas maintindihan mo bilang kaibigan ko. Kapag papa mo kasi ang maka rinig nito, baka magulo ang isip niya at ‘di ako pagbigyan sa gusto kong mangyari ngayon," paliwanag ni Zeyah. "Ano ba ‘yun?" pagtataka ni Lucy. "Ganito kasi ‘yun. Bumalik na mga alaala ko," maikling sabi ni Lily. "Oh tapos? Anong hindi maiintindihan ni papa dun?" "Ang mga alaalang ‘yun kasi ay sa totoong pamilya ko," sagot ni Zeyah. Halos kamutin na ni Lucy ang buong ulo niya. "Huh? Hindi ko maintindihan. Ituloy mo," pag tataka nito. "Naalala mo pa ba ‘yung mga oras na namimilipit ako sa sakit sa school? ‘Yung ‘di ako makalakad, nagpa iwan na lang ako sa room, at di naka kain sa canteen? ‘Yung mga oras na bumagsak ako sa hallway ng classroom sa sakit ng ulo ko?" mabilisan at sunod sunod na tanong ni Zeyah. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. “Mga pangyayaring ‘yun, dun palang bumalik ‘yung tunay na alaala ko. Pero sobrang labo dahil ‘di ko pa alam ang mga pangyayaring ‘yun, kagabi bumalik ang mga alaala ko sa hindi inaasahang pangyayari. Napatay ko ang tito ko at hindi ko alam. Nag halo ang mga emosyon sa utak ko dahil hindi ko alam na tito ko pala ‘yun, ‘di ko nakita ang kanyang mukha. Kusang bumilis ang katawan ko, namula ang paningin ko at napatay ko ang tito ko. Huli na ng nalaman kong tito ko ‘yun dahil naka takip ang mukha niya, at ang itsura ng takip sa mukha niya ‘yun ay ang pumatay sa mga totoong magulang ko base sa lumabas sa paningin ko at sa mga ala al..." putol na sabi nito. "What?!" gulat na tanong ni Lucy. "Ang pamilyang kinalalagyan ko ngayon Lucy ay ang pamilyang AXE. Hindi talaga ako isang AXE, isa akong Frost. Isang dayuhan ang mga AXE dito sa lugar ng 4 season. Nagpunta sila rito upang hanapin ang pinagpalang mata na mayroon ako ngayon," paliwanag ni Zeyah. "Ah, yung nag iiba kulay ng mata mo? ‘Yung biglang namumula ‘yung mga mata mo pag nagagalit ka?" tanong ni Lucy. "Huh? Paano mo alam?" pag tataka ni Zeyah. "Matagal ko nang alam, simula pa nung araw na iligtas mo ako. Naalala mo nung nakahilata ka dun sa daan, nung nailigtas mo ko sa rumaragasang mga estudyanteng nag dradrive? Pagka kita ko sa’yo nun, tumingin ka sa kanan mo sa daan tapos sinabi mong tulungan kita. Dun palang umilaw na ‘yung mga mata mo pero ‘di ko na lang pinansin. Umuwi ako ng bahay nun na gulat sa mga pangyayari. Pati na ‘yung pagiging invisible mo, naipakita mo sa’kin,” huminto siya saglit upang huminga ng malalim bago magpatuloy, “pero yung umiilaw na mata mo lang ang hindi ko sinabi sayo dahil natatakot ako. Isa pa, ‘yung lagi kang nababangga ng mga estudyanteng mayayabang sa school natin, tapos lagi pang nalalaglag mga gamit mo at pinupulot natin, nagiging iba mata mo nun; nagiging pula. Ako umaalalay sayo dahil alam ko na ang kakalabasan eh, may mapapatay ka. Buti nalang pag inaalalayan kita sa ganung sitwasyon eh kumakalma ka, takot ako nun na pakalmahin ka, kasi baka ako ‘yung mapatay mo. Pero salamat dahil hindi ganun ang nangyari," mahabang sabi ni Lucy. "Siguro dahil isa kang mabuting tao," sagot ni Lily. "Ah, kaya ba napatay mo ng hindi mo alam ang tito mo, dahil ang itsurang lumabas sa isipan mo ay ‘yung pumatay sa totoo mong mga magulang?" "Oo mukhang ganun na nga. Ang sabi rin kasi ng nanay ko, na lumalabas sa isip ko habang naka upo siya sa dati naming bahay sa kwarto niya habang namumuti ang mata, ay gamitin ko raw sa tama itong pinagpalang mata kong ito. Pero hindi ko alam kung bakit nakakapatay ako at bakit si tito pa? Kung alam ko lang talaga," ani Lily. Puno ng pagsisisi ang kanyang isipan, kaya nag-umpisa nanamang lumuha ang kanyang mga mata. "Ano pa ang naaalala mo?" tanong ni Lucy. "Lily ang pangalan ko, Lily Frost.” "Kung ganun edi Lily na ang itatawag ko sa’yo?" "Ikaw ang bahala. Hindi naman ako nagsisi sa Zeyah dahil tito ko ang nag pangalan sakin nun. Pero sa AXE na apelyido ako’y nagsisisi, dahil ang tinuring kong ama ang nagpa patay sa totoong magulang ko, pati na si Mr. Martin ay pinatay niya," kibit-balikat na ani Lily. "Ano? Si Mr. Martin? Kawawa naman siya, buti nalang eh ni minsan ‘di ako nagpunta sa bahay niyo. Hanggang gate lang ako kasi ayaw mo rin ako pumasok sa bahay niyo," takot ang lumabas sa ekspresyon ni Lucy sa pagkasabi niya nun. "Mabuti nga, dahil ayaw ko, na pati ikaw ay madamay sa kagagawan ng tatay-tatayan ko." "So anong plano mo ngayon?" tanong ni Lucy. "Uhm… ‘yun ba? Kung pwede sana sabihin mo kay tito at pati na rin sayo, na nagpa paalam ako kung pwede bang dito muna ako tumira pansamantala?" pagmamakaawa ay bakas sa tinig ni Lily. "Kaya ba may dala kang pera at mga damit?" "Oo dahil pagka tapos ng mga pangyayaring ‘yon, umiyak ako tsaka bigla nalang ako nahimatay at bumagsak sa isang malaking pag kakahampas. Pakiramdam ko tatay-tatayan ko ang gumawa nun sa’kin, dahil ramdam ko ang pagka hinga niya bago ko nahimatay. Dahil nakita ko pa ang mga pangyayari sa pagkaka hilo ko sa lapag. Dinala rin nila ang bangkay ni tito kaya pagka gising ko, wala na sila at ‘di ko rin alam kung saan sila nag tungo. Basta ako, una kong inisip ay pumunta sa inyo at tignan ko na lang kung anong mangyayari sa’kin pagka tapos nun," mahabang tugon ni Lily. "Kung ganun pala, hintayin muna natin si papa. Papalapit na rin naman ang gabi, dito ka na muna matulog. Wala ka naman na rin titirhan pa," ani Lucy. "’Wag kayong mag alala dahil baka ako na mag bayad ng tubig at kuryente niyo, pati na groceries niyo sapat naman na siguro ‘tong pera ko para mag tagal kahit papaano." "Naku, ‘wag mong intindihin ‘yun dahil si papa ang mag dedesisyon nun. Isa pa, kilala ka naman ni papa, may tiwala sayo ‘yun. Alam niyang mabait kang bata, kaya for sure baka patirahin ka nun dito habang buhay HAHAHA," biro ni Lucy. "Hindi kakayanin ng konsensya ko ‘yun kahit kalahati man lang ay mabayaran ko bilang sukli sa pagpa patuloy niyo sa’kin," pag papakumbabang sabi ni Lily. Naglakad lakad ang magkaibigan sa hallway ng mansyon ni Lucy nang mangawit sa kinakatayuan. "Mamaya hintayin natin si papa at sa kanya mo ‘yan sabihin, pero sa ngayon, kumain ka na ba?" tanong ni Lucy. Pinakiramdaman ni Lily ang tyan niya. "Sa totoo lang, hindi pa. Dahil dalawang oras ako nag hintay sa gate niyo, tapos tanghali na ako nagising dahihl sa pag kaka palo sa ulo ko ng aking tatay tatayan," paliwanag ni Lily. "Oh, ayun naman pala. Saglit lang at mag luluto na ako. Pwede mo rin akong tulungan dito kung gusto mo, pero kumuha ka muna ng sandwich d’yan sa storage food room, baka mahimatay ka na sa gutom," alok ni Lucy. "Ah sige, tara kahit ‘di ako marunong mag luto dahil ni minsan, hindi naman ako nag luto sa bahay namin HAHA," masayang sinabi ni Lily. Nag tulong sa pag luto ang dalawa upang mag handa na ng hapunan para sa kanilang tatlo. Makalipas ang ilang oras ay tumunog ang pinto ng bahay at tila may pumasok sa bahay nila, habang kumakain na sila sa lamesa. Dumating na ang tatay ni Lucy; matangkad, medyo wala ng buhok sa itaas ng ulo at nakapang trabaho ang suot. Nakita sila nitong kumakain na sa hapag kainan. "Pa, nauna na kami kasi ‘di pa kumakain si Zeyah eh. Ay, Lily pala HAHA sabay na kayo pa?" biro ni Lucy. Umupo ang papa ni Lucy at sabay sabing, "napadaan ka dito Zeyah?" Nagka tinginan ang dalawa babae at nginuya muna nila ang pag kain, binaba ang mga hawak sa lamesa at nilunok ang mga nasa bunganga nito. "Oh, bakit ganyan itsura niyo? Parang may namatayan," pagbibiro ng ama ni Lucy. "Ah, papa may sasabihin kasi sa inyo si Lily," ani Lucy. "Lily? Bago na ba ang pangalan niya?" nagtatakang tanong ni Mr. Rex. "Ah pa foster parent niya kasi ang nag pangalan sa kanya ng Zeyah, sa ngayon nakakalungkot dahil nga sa mga pangayayari. Iniwan na siya ng foster parent niya at pumunta sa ibang lugar. Pero ‘di niya alam kung saan ‘yun, dahil pag gising niya eh wala na yung foster parent niya dun sa bahay kaya kung papayagan niyo raw pa..." putol na sabi ni Lucy. "Titira siya rito? Ay hindi naman pwede ‘yun Lucy," seryosong sabi ni Mr. Rex. Nalungkot ang dalawa pati na si Lily nang biglang ngumiti si Mr. Rex at tumawa. "HAHAHA joke lang ‘yun mga anak. Ano ba kayo? Anak na rin ang turing ko kay Zeyah o mapa Lily ka pa man, kaya pwede ka rito hanggang kailan mo gusto," tawang tawang sabi ni Mr. Rex. "’Di nga pa?" tanong ni Lucy at naka hinga ng malalim, ganun din si Lily. "Oo. ‘Wag mag alala dahil gusto ko rin naman may makasamang ibang tao sa bahay natin, dahil lagi nalang tayong dalawa lang ang nandito sa bahay. Walang bago pero ‘wag pa rin kakalimutan na umuwi sa tamang oras. Ngayon, dapat ay pag ingatan ko pa kayo dahil dalawa na kayong kargo ko. Kapag may nangyari sa inyo, ako ang mamomroblema, dahil sa’kin kayo nakatira. Tandaan niyo yan ha," paliwanag ni Mr. Rex. "Opo!" masayang nagkasabay ng sagot ang dalawa. "Oh, kumain muna tayo. Mukhang masarap ‘tong luto ah, ikaw ba nag luto nito anak?" tanong ni Mr. Rex "Dalawa po kami, tinulungan ako ni Lily," ani Lucy. Humigop ng sabaw si Mr. Rex at sabay sabing, "mukha nga, ang sarap eh HAHAHA" sabay sabay nag tawanan at nag usap ang tatlo sa hapag kainan. Masaya silang kumain hanggang mag gabi na at oras na ng kanilang pagtulog. Makalipas ang ilang oras ay naubos na ang pagkain at dumiretso na sa kwarto si Mr. Rex at sinabing "mauna na ako sa inyo mga anak.” "Sige po, pa. Pahinga na po kayo," ang sabi ni Lucy sa kanyang tatay na nag aayos na ng mga pinggang pinag kainan nina Lucy at Lily. Si Lily ang taga punas at si Lucy naman ang taga hugas ng mga plato habang nag uusap ng tungkol sa tatay ni Lucy. "Ang saya ni Mr. Rex ngayon no?" tanong ni Lily. "Kaya nga eh, ngayon ko na lang uli nakita si papa na ganun kasaya. Siguro dahil may bagong tao sa bahay kaya ganun. Simula kasi ng nawala si mama nung walong taong gulang ako, ay hindi na siya naging masaya sa hapag kainan. Buti na nga lang ay bumalik na yung sigla niya. Sana lang mag tuloy tuloy na," kwento ni Lucy/ "Sana nga," sagot ni Lily at tumigin sa kwarto ng tatay ni Lucy. "Pagkatapos nito, umakyat na tayo sa kwarto para makatulog na," ani Lucy. Tumango si Lily at tinapos na nila ang hugasin sa lalabo at umakyat na rin sa itaas, upang ayusin ang sarili, higaan at matulog na. Unang pumunta sa banyo sa kwarto niya si Lucy at nag hilamos at sinabing, "yung kwinento mo sa’kin tungkol sa mga mata mata, sayo nakikita ko pula pero nung sinabi mo na sa nanay mo eh puti. Ano kaya ang kahulugan nun, alam mo ba?" pag tataka na binanggit ni Lucy kay Lily. "Sa totoo lang, hindi ko na pag isipan ‘yan. Pero kailangan ko pang hanapin ang foster parents ko para tanungin yan," sagot ni Lily kay Lucy. Natapos ng mag hilamos at mag sipilyo si Lucy. Sumunod na si Lily sa banyo upang mag hilamos at mag sipilyo rin. Pagka lipas ng ilang minuto, sa kalagitnaan ng pag hihilamos niya ng mukha habang naka bukas ang pinto ng banyo ay napatigil siya, tumingin sa salamin at napaisip sa sinabi ni Lucy. Biglang nag salita si Lily sa kanyang napagtanto. "’Di kaya?!" mabilis na sabi ni Lily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD