Chapter 5

4184 Words
"Lucy? Lucy?" inuulit na tawag ni Lily.   Lumabas ng banyo si Lily na takot na takot, dahil walang sumasagot sa kanya at baka may kung anong nangyari rin kay Lucy, pero pagka labas niya sa banyo ay nakita niya si Lucy na tulog habang naka bukas ang bunganga at humihilik pa. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa takot na pati si Lucy ay idamay ng tatay tatayan niya, dahil balang araw alam niya na babalik ito at malakas pa sa inaasahan niya. Sapagkat ‘di niya pa alam ang tunay na taglay niyang lakas kahit pa naaalala niya kung paano nakuha ito ng nanay niya, sa isang banal na diyos.   Pumasok muli si Lily sa banyo at itinuloy ang pag sisipilyo. Isang saglit ay natapos din siya at dumiretso sa kama. Magkatabi sila ni Lucy, sa kanan siya at sa kaliwa naman niya ay si Lucy. Pinatay niya ang ilaw niya sa kanan. Humiga siya ng maayos unti-unti niyang pinikit ang mga mata niya at muling dumilat ito na kulay pula na ang mga mata.   Nasa isang panaginip siya na kagagawan ng banal na diyos.   Isang pulang mata ang kumausap sa kanya at nagsabing, "kamusta anak ng mabuting tao?” nagulat si Lily ng narinig niya ang mga boses na ito.   Habang naka lutang sa panaginip ay nagawa niyang itanong sa pulang mata, "sino ka?"    "Ako ang nabuo sa iyong katawan, isang mabuting dulot sa tao ngunit sa pagiging malapit mo sa masamang mga tao ay nabuo ako, pero nanalig pa rin ang kabutihan sa loob ko sapagkat ikaw, ikaw ang mag dadala ng kapangyarihan ko," sagot ng dalawang pulang mata.   "Tama ang hula ko, dahil dun naging pula ang mata ko imbis na puti, dahil ‘yun ang naipasa sakin ng aking ina," sagot ni Lily.   "Ikaw ang ginintuang loob ng iyong ina kaya ipinasa niya ito sayo, ngunit sa kasamaang loob ay nakakapatay ka, dahil naturuan ka kung paano pumatay at ‘yun ang nabuo sa akin. Isa lang ang maipapayo ko sayo, tandaan mo kung ano o sino ang dapat parusahan bago ka pumatay," payo ng dalawang pulang mata sa babae.   "Alam ko po ‘yun. Hindi ko lang talaga inaasahan ang mga pangyayari kaya napatay ko ang aking tito."    "Alam ko rin, pero sa oras na magising ka ay hindi mo ko makakausap; sa panaginip mo lang ako makakausap tuwing nagpapahinga ka. Kaya susulitin ko na ang oras na ito para sabihing apat kayo,” pagpapaliwanag nito. “Apat kayong may katangian na ibinigay ng banal na diyos. Apat kayong may kakaibang mata, ikaw ay nanggaling sa winter street kaya puti ang naibigay sa iyong ina at ipinasa sa’yo ito. Mayroon pang ibang katulad mo, maaari mo silang hanapin upang matuklasan ang iyong tunay na lakas," dugtong ng pulang mata.   "Akala ko ako lang ang may kakayahan nito, salamat dahil hindi lang ako ang nag iisang ganito," yumuko si Lily bilang respeto ng kanyang pasasalamat.   “Hanapin mo sila sa mag kakaibang street upang makilala mo sila."   Umingay ang paligid sa panaginip niya at ang malaking dalawang mata ay nawala kasabay ng biglaang katahimikan. Gumulat sa paningin niya ang biglang pagdami ng mga pulang mata sa paligid ng kanyang madilim na panaginip, at nakita dun ang mga taong may kakayahan din ng ibinigay sa kanya. Nakita niya ang mukha ng dalawang tao, dalawang lalaki, ngunit ang isa ay wala. Biglang umingay nanaman ang paligid at nawala uli ang mga matang maliliit. Nagising siya bigla at umaga na. Wala na sa kama si Lucy at maaamoy ang masarap na pag kain mula sa kusina, rinig ang mga plato, kutsara at tinidor na inaayos sa lamesa. Lumabas siya sa pinto ng kwarto nila at nakita niya ang mag amang nag hahanda ng makakain sa umaga. Nakabihis na ang tatay ni Lucy, habang si Lucy naman ay nag luluto ng pagkain para sa kanila.    "Gising ka na pala, good morning," bati ni Lucy.   ........     Katahimikan ang bumalot sa buong kusina nang hindi nakapag salita si Lily dahil sa kanyang nakita.   "’Wag kang tumunganga diyan at lumapit ka na rito, kakain na tayo," ang sabi Lucy.   "Ah… ayusin ko lang yung hinigaan ko tsaka ako pupunta riyan," sagot ni Lily kasabay ng kanyang pagtalikod.   "Sige, sige. Ayusin mo na," ani Lucy.   Pumasok si Lily sa kwarto at inayos ang hinigaan nila. Pagka tapos ayusin ni Lily ang kwarto nila ay nakita niya ang litrato ng nanay ni Lucy, isang magandang babae ang nanay nito; maputi at kamukhang kamukha ang mata at matangos na ilong ni Lucy. Hinawakan niya ang imahe na ito at biglang sumakit ang ulo niya.   Isang malabo nanamang pangyayari ang pumasok sa isipan niya. Nasa isang kwarto ng hospital ay hawak hawak ng bata ang kamay ng isang ina, at nakahawak ang malalaking kamay sa balikat ng bata. Agad na nabitawan ni Lily ang litrato ng nanay ni Lucy, pero nasalo niya agad ito at ng mabilis para hindi mabagsak at mabasag. Inilagay niya na uli ito sa kinalalagyan nito tsaka siya lumabas ng kwarto. Nakita niya ang mag amang naka upo na sa harapan ng lamesa.   "Kumain ka na rito uubusan ka na namin," pagbibiro ni Lucy.   "HAHAHA oo nga naman, bilisan mo umupo ka na," masayang sabi ni Mr. Rex.   "Opo, opo." magalang na tugon ni Lily sa ama ni Lucy.   Masayang kumain ang tatlo sa harapan ng mga pagkaing hinain ng mag ama. Makalipas ang ilang minuto ay tapos na ang pagkain nila ng almusal sa hapag kainan.   "Mga anak, mauna na siguro ako kailangan ko pa mag trabaho kayo na bahala rito," paalam ni Mr. Rex.   Tumayo si Mr. Rex at kinuha ang bag sa kanan niya at binitbit ito. "Babawi ako sa inyo pagka uwi ko. Mag uuwi ako ng pasalubong at dahil wala akong pasok bukas, manonood tayo ng movie," pag aaya ni Mr. Rex.   "Sige po, mag ingat po kayo," ani Lucy.   "Mag ingat po!!!" sigaw ni Lucy pag ka labas ng pinto ni Mr.Rex habang nakaway    Inayos na ng mag kaibigan ang hapag kainan at mga plato tsaka dinala na ito sa lababo. Ganun uli ang ginawa nila, si Lucy ang taga hugas at si Lily ang taga punas. Habang nag huhugas sila ay nagsalita si Lily.   "Nga pala, tignan mo ‘to," ani Lily pagka abot ng cellphone.   Nakita ang picture ni Lucy habang naka nganga ang bunganga nito kagabi pagka tulog niya. Tawang tawa si Lily habang seryoso ang mukha ni Lucy at tila hindi magawang mag biro.   "Maghugas na nga lang tayo!" ang sabi ni Lucy.   Unti-unti nawala ang tawa ni Lily nang nakita niya si Lucy na nagagalit. Biglang inilabas ni Lucy ang cellphone niya, itinutok niya ito kay Lily kasabay ng pag ilag ni Lily, ngunit nakuhanan pa rin siya ni Lucy.   "Nakita mo ba ‘yung mukha mo rito?" asar ni Lucy tsaka niya ginaya ang nasa mukha ni Lily sa picture. Nag biruan ang dalawa hanggang mahawakan ni Lily ang kamay ni Lucy, at bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo. Nakita nanaman niya ang isang malabong pangyayari sa isipan niya na hindi maipaliwanag.   "Oh, anong nangyari sa’yo? Sumasakit nanaman ba ulo mo?" pag aalalang tanong ni Lucy.   Hindi naka sagot si Lily dahil iniinda niya pa ang sakit ng kanyang ulo.   "Wait. Hintayin mo ko diyan kukuha akong painkiller,” natatarantang sabi ni Lucy bago siya kumilos.   Kinuha ni Lucy ang kahon sa itaas ng lababo sa may kanan at kinuha dito ang painkiller, sabay kuha ng tubig sa lababo at inabot kay Lily.   "Oh, ito uminom ka muna," nanginginig na inabot ni Lucy kay Lily ang isang baso ng tubig.    Ininom ni Lily ang gamot at sabay silang umupo sa lapag ng kusina. Pagka lipas ng ilang minuto ay huminahon ang pakiramdam ni Lily at sinabing, "Okay na ako, salamat ng marami Lucy."   "Wala ‘yun. Para saan pa ang pagiging mag kaibigan natin kung hindi kita tutulungan," sagot ni Lucy.   Tumayo ang dalawa habang naka alalay si Lucy kay Lily. Nilakad nila ang mahabang hallway bago naka upo sa upuan ng kanilang sala.   "Totoo bang okay kana?" tanong ni Lucy.   "Oo, okay na ako. Salamat sa ibinigay mo," sagot nito.   "Ano nanaman bang pumasok sa isipan mo at bakit sumakit nanaman iyan?" mahabang tanong ng nag-aalalang si Lucy.   "Hindi ko rin alam. ‘Di ko nakita ng maayos, masyado pang nanlalabo sa paningin ko. Basta ay nasa loob ako ng ospital, pero kailanman ay hindi ako pumunta dun. Kahit pa nung idinala kita sa ospital dahil iniwan lang kita sa tapat nun. Tapos si tito naman lagi ang nag gagamot ng mga sugat ko dati pa, kahit malala o maliit," mahabang paliwanag ni Lily.   "Ah sige. Mag usap tayo mamaya. Ako na muna ang mag huhugas, mag pahinga ka diyan balik ako sa’yo pagka tapos ko dito sa hugasin."    Bumalik si Lucy sa lababo at tinapos ang hugasin. Habang nasa sala si Lily ay binuksan niya ang TV. Pagka bukas niya nito ay nakita niya na ang bahay nila ang ipinapalabas sa TV. Makikita roon na binili ng isang mayamang tao iyon. Nakita niya rin dun ang isa sa mga estudyanteng bumangga sa kanya ng mga nakaraang araw. ‘Yun din ang malapit na makabunggo kay Lucy nung minsang iligtas niya ito, ang tatay niyang si Alejandro Chris at ang nag iisa nitong anak na si Keptler Chris.   Biglang may nagsalita sa likod ni Lily, "Oh ‘yan yung sigang schoolmate natin ah. Mayaman pala siya kaya ganun," ani Lucy.   "Tapos ka na pala?" tanong ni Lily dito.   "Oo, isang plato na lang pala ‘yun," sagot ni Lucy.   Umupo si Lucy sa tabi ni Lily at nanood sila ng TV habang nanonood sila ng TV ay nainip si Lily kaya naisipan niyang magsimulang magkwento. "Alam ko na kung bakit ganito ‘yung mata ko at hindi katulad ng nasa nanay ko," panimula niya.   "Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ni Lucy.   "Kagabi napanaginipan ko ‘yung isa sa mga banal na mata, nagpakita siya sa’kin pero sa panaginip lang," paliwanag ni Lily.   "Ano sinabi niya sayo?" tanong uli ni Lucy.   "Hindi raw normal ang nangyari sa akin, ang puting mata na ipinasa sa akin ng ina ko ay purong puti. Isang mabuting simbolo raw ito para sa nakakarami, ngunit sa kadahilanan na kuha ako ng pamilyang AXE, tsaka naturuan ako pumatay ng tao, at kung ano pa. Kaya ‘yun daw ang nagpa pula ng aking mata," napabuntong hiningang pinaliwanag ni Lily.   "Ah, kaya pala ngayon nagkaka sense na kung bakit ganyan ang nagyayari sa mata mo. Nung sinabi mo kasi sa akin kahapon parang ‘di ko mapaniwalaan, dahil walang matinong paliwanag para dun. Pero bakit kaya hindi ko naisip yun?" Napag konekta na ni Lucy ang mga sinabi ng kanyang kaibigan kahapon at ang mga dagdag na impormasyong sinabi nito ngayon.   "Oo, buti nga at nagpakita sa panaginip ko ‘yung banal na matang iyon, para malaman ko kung ano ano pa ang dapat kong malaman," sagot ni Lily.   "Ano pang ibang sinabi niya sa’yo?" usisa nito.   "Ah, sinabi niya rin na hindi lang ako ‘yung taong may ganitong katangian. Apat kami rito sa 4 seasons, tig iisang street ang biniyayaan ng ganitong kakayahan daw," pag-uulit ni Lily sa sinabi sa kanya nung pulang mata.   "Oh, ‘di nga? Sana ako rin HAHAHA," natatawang pagbibiro ni Lucy.   "HAHAHA sana nga para alam mo kung anong nararamdaman ko, para parehas tayong may super powers at turuan kita ng isang karate chop chop" bawing biro ni Lily.   "Loko! So, anong balak mo ngayon?" tanong ni Lucy.   "Ang sabi sa’kin ay hanapin ko raw ang mga taong kagaya ko, para mag ka ideya ako kung anong kakayahan ng matang ito," sagot ni Lily.   Nanlaki ang mga mata ni Lucy. "Aalis ka?" maikling tanong nito.   "Hindi pa. Kailangan ko muna magpahinga. Pwede mo rin ako samahan kasi nasabi ko na lahat sa’yo. Aalis tayo tuwing pagka tapos ng klase. Dahil hapon naman tayo natatapos mag klase, may oras pa bago tayo maabutan ng papa mo kasi nga bawal tayo magpa gabi," pagpapaliwanag ni Lily matapos makapag isip ng plano.   "Pwede rin, sige. Samahan kita bukas, tutal sabado pa lang naman ngayon. Tapos si papa walang trabaho bukas, pwede tayong gumala o isama rin natin si papa, pero hindi natin sasabihin kung anong dahilan natin bakit tayo nagpunta dun," pagsang-ayon ni Lucy.   Tumango si Lily habang nakahawak siya sa kanyang baba. "Sabagay, sige. Ganun na lang ang gawin natin. Hindi naman iba ang papa mo sa akin para ‘di makapag pasyal sa bayan ng 4 seasons eh," sagot niya.   "Pero gusto mo bang sumama sa’kin mamayang hapon? May pupuntahan lang ako. Kailangan ko mabayaran yung kuryente namin, ‘di pa nababayaran eh," pag-aaya ni Lucy.   "Tara kukuha rin ako ng ambag ko sa bag ko mamaya. Sa ngayon manood muna tayo sa TV, wala pa namang hapon," ani Lily.   Umiling si Lucy nang mabilis. “‘Wag na muna siguro, dahil kakatuloy mo lang naman dito kahapon. Samahan mo Iang ako.”   Nanood sina Lily at Lucy sa sala, sa TV na malaki habang naka hawak si Lucy sa braso ni Lily. Lumipas ang ilang oras at wala silang ginawa kun’di manuod lang ng TV hanggang sa mag hapon.   "Anong oras na ba?" tanong ni Lucy.   Tumingin si Lily sa cellphone niya at sinulyapan ang oras doon. "Alas tres na ng hapon," sagot nito.   "Hapon na pala, ‘di ko namalayan ang oras. Ano, handa ka na ba para lumabas?" tanong ni Lucy at tumayo sa kinauupuan.   "Tara," sagot ni Lily kasabay ng pagtayo niya at pag-unat.   Pinatay na ang TV na pinapanooran nila at kinuha ang kailangan sa pag alis, pati na ang pera na pang bayad ng tubig at kuryente nila. Lumabas ng bahay sina Lucy at Lily tsaka nagsimulang maglakad patungo sa bayan, upang doon mag bayad ng kanilang bill. Nang malapit na sila sa bangko kung saan sila magbabayad ng kanilang bill, ay nadaanan nila ang bar ng mag amang Chris.   Nang biglang isang tinig na nagsabing summer ang narinig niya ng pagka bilis, kaya’t sumakit ang ulo niya. Pumasok sa isipan niya ang isa sa mga mukhang ipinakita sa kaniya ng banal na mata.   Kinalabit at tinawag niya si Lucy. "Oh, ‘nyare sa’yo, masakit nanaman?" tanong nito.   "Hindi, bigla lang akong may naalala. May papel ka ba d’yan, pati ballpen o lapis?" mabilis na tanong ni Lily.   "Wait, tignan ko," sagot ni Lucy na agad na kinalikot ang kanyang bag, at nakita niyang mayroon siya nung hinihingi ng kanyang kaibigan. Ibinigay nito kay Lily at hinayaan gawin ang gusto nito. Nakita niyang napaka bilis mag sketch ni Lily sa papel na binigay niya, kahit isang pilas ‘yun ng papel. Sa isang iglap ay natapos ito ni Lily tsaka inabot ito kay Lucy.   Hiningal pa si Lily sa kaka madali mag sketch ng mukha ng isang tao. "Tignan mo ‘to," ang tanging nasabi ni Lily sabay abot kay Lucy nung papel.   “Tingin,” huminto si Lucy nang panandaliang tinitigan ang sketch na nasa papel, “oh si keptler yan ah," sagot nito.   "’Di ba, tama. Si keptler din ang tingin ko diyan. Sila ang may ari ng bar na ito ‘di ba? Sila rin ang bumili ng bahay namin kanina lang sa TV" ani Lily.   "Oo nga, pero bakit mo drinawing?" tanong ni Lucy.   "’Yan ang lumabas sa isipan ko, siya ang isa sa mga may ari ng banal na mata na ipinakita sa’kin sa panaginip ko," paliwanag ni Lily.   "Weh? Parang ang labo naman, eh ang sama niya," pagtataka ni Lucy.   "Oo alam ko. Kaya nga nagtataka rin ako nung una."   "Ano kayang sikreto ng pamilyang ‘to, nakaka curious."   Nagkibit balikat si Lily bago nag-ayang umalis. "Mas mabuting umalis na tayo dito sa kinatatayuan natin, bago pa may makahalata sa atin, pumunta na tayo sa bangko," agad na umalis sila sa tapat ng bar na iyon at dumiretso na sa bangko.   Pagkalipas ng ilang oras ay nakabayad na sila at naka uwi na rin sa bahay. Mag gagabi na nun kaya nagluto na sila, dahil parating na rin ang tatay ni Lucy. Magkatulong silang mag asikaso ng mga kakailanganin nila para sa kanilang lulutuin ngayong hapunan. Binuksan din nila ang TV para sa balita.   Maya maya ay dumating na rin sa bahay nila ang tatay ni Lucy, hinubad ang sapatos nito at dumiretso agad sa lamesa. "Kapagod," reklamo ng kanyang tatay.   "Umupo ka muna diyan pa, kami na ang bahala sa makakain natin," pag mamagandang loob ni Lucy.   Ngumiti siya at hinayaan ang sariling makapag pahinga sa upuan. "Salamat anak, nasaan nga pala si Zeyah? Ay, Lily pala," tanong ni Mr. Rex.   “Nasa banyo po, naligo muna kasi lumabas kami kanina para magbayad ng bill natin, tinulungan niya lang ako saglit, ayun napagod kaya naisipang maligo na muna. Ayun, nasa banyo na," sagot ni Lucy.   "Ah, mabuti naman at nabayaran niyo," ani Mr.Rex.   "Oo pa, alam ko namang wala kayong oras para sa ganun.”   "Nagdala pa ako ng chicken wings, oh. Spicy ‘to tsaka original. Kumuha na lang kayo ng maiinom niyo riyan sa ref, soft drinks lang ah. Ako lang ang mag bebeer," paalala ni Mr. Rex sa anak.   "Wow, talagang manonood tayo? Parang dati hindi mo ginagawa ‘to ah HAHAHA," biro ni Lucy.   "Eh, ganun ba? Gusto ko lang maging mabuti kay Lily. Ayaw kong makita niya kung gaano kalungkot ang bahay natin nung nawala ang ina mo, alam mo naman ‘yun," paliwanag ni Mr. Rex.   Natawa ang kanyang anak. "Oo pa, alam ko ‘yun kahapon pa, nung nandito si Lily."   "Ganun ba ako kahalata?" ‘di makapaniwalang tanong ng kanyang ama.   Hindi nila alam na tapos na maligo si Lily at nakalabas na rin sa banyo, tahimik na nakikinig na lang sa kanilang dalawa. Nakaramdam ng lungkot si Lily nung mga sandaling iyon, sa kadahilanang naramdaman niya ang pakiramdam na mawalan ng isang pinaka mamahal na tao sa buhay. Sinadya niyang patunugin ang pintuan ng banyo para malaman na tapos na siya.   Lumabas si Lily sa pintuan na naka suot ng sando at pajamas.   "Oh, tapos ka na pala," ani Lucy.    "Oo, ang sarap pala maligo sa banyo niyo noh? HAHAHA," biro ni Lily habang pinupunasan pa ng tuwalya ang kanyang basang buhok.   "HAHAHA oo, kaya nga trip ko palaging kumanta diyan HAHA," natatawang biro rin ni Lucy na umakto pang kumakanta.   "Nand’yan ka na pala Mr. Rex, magandang gabi po," bati ni Lily kasabay ng pagyuko niya.   "Sabing ‘wag mo na ako tawaging Mr. Rex eh. Para namang may ari ako ng isang malaking kumpanya niyan. Tito na lang, okay?" ani Mr. Rex.   "Ay, sorry po tito," pagpapa kumbabang sinabi ni Lily.   Tinuro ni Mr. Rex ang kusina. "Maupo ka na riyan at kumain na tayo. Anak, pagka tapos mo riyan, pumunta ka na rin dito at sabay sabay na tayong kumain," pag aaya niya sa dalawa.   "Opo pa. Patapos na po, isang putahe na lang ‘to, pupunta na rin ako riyan," sagot ni Lucy.   Pagka tapos ni Lucy sa pag luluto ay kumuha siya ng tubig sa ref nila at inilapag sa lamesa, para may mainom sila. Masaya silang kumakain nang magsalita si Lucy. "Pa, gusto mo ba sumama bukas? Gagala tayo sa mag kabilang street. Gagala lang naman kasi pinag-usapan namin ni Lily kanina. Wala ka naman din trabaho bukas, kaya naisip namin na isama ka na lang din, kaysa tumambay ka rito," mahabang paliwanag niya.   Nag-isip ang kanyang ama saglit tsaka tumikhim. "Ganun ba? Game ako riyan. Matagal tagal na rin tayo hindi nakakagala uli eh, tuwing linggo kasi nandito lang tayo sa bahay. Minsan naman ay ikaw lang din ang umaalis, ‘di mo ko sinasama," pagpayag nito sa paanyaya ng kanyang anak.    Nagpatuloy silang kumain hanggang mag alas diyes ng gabi.   "Oras na para sa movie marathon," sabi ni Mr. Rex.   "Sige, mag ready na po kayo dun sa sala. Kukuha lang ako ng makakain natin para kapag nagutom tayo uli, ‘di na tatayo pa," sagot ni Lily.   "Sumunod ka ha, pag ‘di ka sumunod lagot ka kay papa HAHAHA, tara na pa," natatawang pagbabanta ni Lucy.   "Hindi Lily, basta bilisan mo lang diyan, dahil baka di mo masimulan. Sayang, nakakaiyak pa naman to," ani Mr. Rex.   Pumunta na sina Lucy at ang kanyang ama sa sala upang mag ready ng kanilang papanoorin, habang si Lily naman ay kumuha ng makakain nila pang movie marathon, kung sakaling sila ay magutom muli.   Kasalukuyang kumukuha si Lily ng pagkain sa storage room. Iniisip niya ang unang pupuntahan niya bukas-- kung saan siya mag sisimula dahil hindi niya pa pwedeng unahin kausapin si Keptler, dahil alam niya ang ugaling dala nito. Inisip niya na, sa spring street muna mag simula dahil malapit naman ito sa tinutuluyan nila.   Ang bayan ng 4 seasons kasi ay itsurang pa bilog, kung titignan sa itaas ay nahahati ito sa apat na street: ‘yun ang winter, spring, summer at autumn. Paikot lang ito.   Matapos kumuha ng pagkain at isipin kung anong una nilang pupuntahan bukas ay pumunta na siya sa mag ama, para sabayan ito manood ng pelikula.   Istorya ito ng isang ama at ina na nahiwalay sa kaniyang anak. Ang kanilang anak ay napunta sa bahay ampunan. Doon ay namuhay ang bata hanggang sa maging sampung taong gulang na siya. Kinupkop ito ng isang madastrang babae, na kasingyabang at kasingkapal ng kilay ang pagiging masamang tao niya. Pinag trabaho ito matapos kupkupin ng babaeng madastra, halos hindi siya kumakain ng tama dahil pinag tratrabaho lang ito. Tinapay lamang sa isang araw ang nakakain niya, na galing sa pag lalako ng tinitinda niyang mga gulay na binibigay ng kanyang madastra niyang ina-inahan.   Matapos ang isang dekada ay lumaki siyang mangmang at tila may nakapansin sa kaniyang babae. Isang maganda-- maganda ang mukha, maganda ugali at maganda ang buhay. Bumili sa kanya ito ng isang gulay lamang, binigyan siya ng sandamakmak na ginto. Tinanggap ito ng bata at tumakbo papalayo, ngunit hindi niya alam kung saan gagastusin ito. Marahil hindi niya alam kung ilan ang presyo nito sapagkat nag sisikintab lang ito, o hindi pa siya nakakahawak ng ganito kalaking salapi sa tanang buhay niya.   Pumunta siya sa bayan at isinabog ang barya sa kalsada. Nagsi dumugan ang mga tao sa nakita nilang ginto na parang nag lalaglagan mula sa langit. Isang pangit na babae ang humawak sa balikat niya at sinabing, "Tignan mo kung gaano kasabik ang mga tao sa salapi," at nawala bigla ito. Napalingon ang batang babae at pumunta sa gitna ng bayan habang nagkaka gulo ang mga tao sa isinabog niyang salapi.    May natira pala siya sa kanyang kamay; isang salaping kumikinang sa ganda. Nasilaw ang mga tao rito at gustong gusto na ng mga tao kunin ito, ngunit inihagis niya ito sa bangin at nagsi sunuran naman ang mga ito. Lahat ng tao na nasilaw sa salapi ay siyang namatay at nahulog sa bangin. Ang mga nauna sumunod ay namatay, ang mga huling sumunod ay nahirapan sa pag akyat sa bangin.   Bago man ihulog niya ito sa bangin ay humiling siya, humiling siya na sana ay hindi huminto ang buhay niya sa dinaranas niya ngayon. Sa madaling salita ay hiniling niya na balang araw na sana ay maging okay ang buhay niya, tulad ng isang normal na tao. At pagkatapos naman niyang ihagis ang salapi sa bangin at mahulog ang mga nasilaw dito, ay may humawak sa kaniya muli, ngunit magandang babae naman ito. Sinabi nitong, "Hindi lahat ng walang alam ay mangmang, minsan ang mga taong may alam ay nasisilaw rin, kaya hindi maganda ang kinalalabasan. May namamatay at may nahihirapang bumalik, kaya ipagpatuloy mo lang 'yang buhay mo. Huwag kang gagaya sa kanila. Sila ang tunay na mangmang."   Naglaho ang kagandahan ng isang babae at napalitan ito ng pangit na mukha ng babae. Kulubot ang balat ng kanyang mga mata, matandang matanda na at imbis na magulat ang bata ay niyakap niya ito.   Maya maya pa'y tinawag niya itong mama. Nag-init ang mata ng bata bago tumulo ang kanyang luha. Pagka tulo ng luha sa sahig ay unti unting nag laho ang matandang babae sa pagkaka yakap ng batang babae. Matapos nun ay pinunasan ng batang babae ang luha niya at nag patuloy sa pag tintinda.   Sa pagpapa tuloy ng buhay niya ay hindi siya sumuko at nag-isip ng matino para sa ika bubuti niya. Mula noon ay hindi siya sumuko at nag patuloy sa buhay, nag patuloy rin ang swerte niya hanggang sa tumanda at mamatay ang umampon sa kaniya. Napunta sa kaniya ang mga ari arian nito, at itinabi niya ito sa bangko. Ipinag patuloy ang pag nenegosyo sa mabuting paraan. Kalaunan ay naging matagumpay na siya sa kaniyang buhay.    Natapos ang palabas nang nag iiyakan ang tatlong tao sa sala.   Suminga si Lucy sa hawak niyang panyo. "Nakaka iyak talaga 'to. Bakit ba kasi 'yan pinanood mo papa?" aniya.   "Ito ang paborito ng ina mo, ano ka ba," sagot ni Mr. Rex.    "Nakaka iyak pa rin, kahit ilang beses ko na pinanood."   "Pinanood ko lang uli baka sakaling magustuhan ni Lily, nagustuhan mo ba Lily?" tanong ni Mr. Rex kasabay ng pag sulyap niya sa babaeng nagtatago sa sofa.     Tahimik si Lucy sa gilid ng sofa, naka takip ang mukha niya ng kanyang suot na sando. Kita ng mag ama na basang basa ang sando ni Lily at tinapik nila ito. Humarap sa kanila ng tumutulo ang sipon at labis ang pag iyak ni Lily. "Op...o sob....rang gand...a naka...ka i...iya...k po ta...laga..." putol putol na sabi nito.   Natawa ang mag ama sa ipinakitang balat sibuyas ni Lily. Hindi nila akalain na ganun ka iyakin si Lily.   Ipinag patuloy pa nila ang panonood ng pelikula hanggang sila ay antukin. Itinigil nila ang panonood, inalalayan nila si Mr. Rex papunta sa kwarto niya at pagka tapak ni Lily sa kanilang kwarto ay biglang sumakit ang ulo nito. Napapikit si Lily pero saglit lamang ito.   Mabilis na pumasok ang mukha ng nakita niya sa picture na hinawakan niya sa kwarto nila ni Lucy. 'Yun ang ina ni Lucy, isang napaka gandang mukha ang nakita niya, sa hindi niya alam na lugar at binanggit ang pangalang "Lucy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD