Chapter 6

4557 Words
Nakita ni Lily sa isipan niya ang ina ni Lucy pagka bukas ng kanyang mga mata. Naging dahilan ito ng pagka wala ng balanse niya habang buhat buhat nila ang ama ni Lucy, ngunit nakatayo siya agad, kaya inilagay na nila ang ama ni Lucy sa kama nito tsaka inayos ang pag higa. Pagka tapos na maayos nila sa pag higa si Mr. Rex ay lumabas na sila at sinarado ang pintuan.   "Anong nangyari sa ‘yo muntik na tayo matumaba kanina," ani Lucy.   "Ah, may nakatalisod kasi sa akin dun malapit sa pinto," pagpapalusot na lamang ni Lily.   "Ah, siguro gamit ni papa yun," sagot ni Lucy na para bang naniwala na lang sa sinabi ng kanyang kaibigan.   Muli silang umupo sa sofa at nag kwentuhan sa mangyayari bukas o kung ano na ang plano nila.   "Ano nga pala yung plano natin bukas?" tanong ni Lucy.   "Ah, ‘yun ba? Gusto ko unahing pumunta sa autumn street. Tingin ko mahahanap ko yung isa dun, since ang binigay sa akin na clue ng banal na mata ay isang autumn leaf," paliwanag ni Lily.   "At sa paanong paraan mo naman siya mahahanap?" tanong ni Lucy.   "Hindi ko alam. Siguro mag libot libot na lang tayo dahil ang alam ng papa mo ay mamamasyal din tayo," sagot nito.   "Sige sige, sa ngayon siguro matulog na tayo dahil inabot na tayo ng ala una na ng umaga, sa kaka nood natin ng movie ni papa. Aalis pa tayo ng maaga bukas," pag aaya ni Lucy.   "Tara.”   Sabay silang tumayo at inayos ang mga kalat sa lamesa at itinapon sa basurahan. Sabay rin silang pumasok sa kwarto, pero nauna ng humiga si Lily sa kama dahil inaantok na siya. Habang si Lucy naman ay nag ayos pa ng mukha niya sa banyo.   "Nakatulog na siya agad. Antok na antok na siguro siya, tsk inunahan pa ako," bulong ni Lucy sa kanyang sarili. Nag ayos si Lucy ng kanyang mukha, naghilamos tsaka nag sipilyo ng kanyang ngipin. Pagka tapos ay dumiretso na sa kama at nahiga, nag kumot at ipinikit ang mata upang magsimulang matulog.   Ilang oras ang lumipas ay umakyat na muli ang araw, na siyang nagbigay liwanag sa buong silid na kanilang tinulugan. Pumasok ang matinding sikat at init na dala ng araw.   "Hoy... hoy! Hoy Lucy!!!" sigaw ni Lily kasabay ng pagyugyog niya kay Lucy.   Unti unting dumilat ang mata ni Lucy at nakita nya si Lily na naka bihis na. "Anong oras na ba?" mahina ang kanyang pagkaka tanong dahil bagong gising pa lang siya.   "Malapit na tayong malate sa bus," ani Lily.   "Huh?" pagtataka ni Lucy.   Hinatak ni Lily sa banyo at binigay ang tuwalya kay Lucy. Pag tapos ay sinara niya ang pinto ng banyo. "Bilisan mo diyan ah!" sigaw ni Lily.   Nag-umpisa na maligo si Lucy sa banyo habang si Lily ay nag antay sa labas. Dahil wala pa naman si Lucy ay nag ayos nalang siya ng dadalhin nila. Ang tatay naman ni Lucy na si Mr. Rex ay nasa sala na rin at naka bihis, dahil alas nuwebe na ng umaga, kaya sinabihan niya si Lucy na bilisan ang kanyang pag ligo. Pagkalipas ng kalahating oras ay natapos si Lucy sa banyo at ipinag ayos na ng mabilisan si Lucy, upang maka habol sa iskedyul ng bus na aalis ng alas diyes ng umaga.   "Hindi pa tayo kumakain!" sigaw ni Lucy.   "Doon na tayo kakain pagka punta natin dun, sinabihan ko na rin si papa mo. Nag aantay na lang siya sa sala kaya bilisan mo na riyan," pag mamadali ni Lily kay Lucy.   Quarter to ten na nang matapos si Lily sa pag aayos ng kolorete sa mukha, at ganun ding oras sila umalis sa bahay. Saktong alas diyes sila pumunta sa istasyon ng bus upang makapunta sa autumn street. Saktong naroon na rin ang bus kaya agad din silang sumakay doon. Halos hindi na nila maabutan ‘to, dahil pag nakita ng bus na walang tao sa bus station, saglit lang iyon hihinto at didiretso na agad paalis. Kaya buti nalang ay nasaktuhan pa nila.   Pagka sakay ng bus ay umupo sila sa likod na hingal na hingal. Nasa gitna ang tatay ni Lucy at parehas naman silang nasa magkabilang dulo. Kalahating oras ang inabot nila bago makapunta sa autumn street. Sa paglipas ng mga minutong iyon ay wala silang ibang ginawa kung hindi ang sumulyap sulyap sa bintana. Naunang bumaba ang dalawang bata at panghuli si Mr. Rex.   Agad na tumakbo sa sobrang tuwa ang dalawa, sa kabilang dako naman ay kalmadong nag lakad lang si Mr. Rex, dahil bawal na siyang tumakbo ng ganun kabilis sa tanda niya. Kaya, pinabayaan na muna ni Mr. Rex na mag saya ang mga bata, kasi maaga pa naman din. Umupo muna siya sa upuang malapit sa binabaan nila.   Ang autumn street ay parang isang parke lamang na punong puno ng puno na naka hilera. Tinayo ito hindi para tirahan ng kung sino, kaya makikita rito ang lawak ng lugar. Ngunit, may kakaunting bahay pa rin na bilang sa kamay, dahil ang mga bahay na ito ay siyang bahay ng namamahala sa street na ito.   Isang batang lalaki ang nakabangga sa kanila. Tumatakbo kasi ito nang mabilis, dahil hinahabol ang bola ng soccer na nakalagpas sa kanila. Nagulat ang dalawa nung nabangga sila ng maliit na lalaki. Umiyak ito sa harap nila dahil nasaktan at bumagsak ito sa lapag. Lumuhod sina Lucy at Lily para patahanin ang bata sa pag iyak. Pero kahit ano ang gawin nila ay ayaw pa rin nito tumigil sa pag iyak.    Makalipas ang ilang minuto ay humarap ito sa kanila na umiiyak, tumutulo ang uhog niya at basang basa ang kanyang mukha ng luha.   Tumawa si Lucy habang si Lily ay alalang alala sa kalagayan nung bata.   "Luh, ano tinatawa tawa mo riyan, umiiyak na nga yung bata?" tanong ni Lily.   "HAHAHA naalala lang kita nung ganyan din kita nakita," biro ni Lucy habang inaalala ang araw na iyon.   Napa hampas na lang si Lily nang mahina sa kanyang mukha. "Hays. Bata, tahan na ililibre ka nalang ni ate ng ice cream, okay ba ‘yun?" pag aaya ni Lily sa bata. Tumahan ang bata nang marinig ang salitang ice cream, kaya nagpunas na ito ng kanyang luha at humawak sa kamay ni Lily.   "Aba kakaiba ‘yang batang ‘yan ah HAHAHA," natatawang ani Lucy.   "Shh. Hayaan mo na," bulong ni Lily sa bata, pumunta muna sila sa papa ni Lucy para magpaalam, "Tito punta lang kami sa nagtitinda ng ice cream ah.”   “Sasama ka ba pa o riyan ka na muna?" pag aaya ni Lucy.   "Syempre sasama ako," maligayang sagot ni Mr. Rex. Tumayo si Mr. Rex at nagsimula na silang mag lakad. "Sino ba ‘yang batang ‘yan?" tanong niya.   "Eh, nabangga kami tapos umiyak na, ayaw tumigil sa pag iyak kaya ililibre ni Lily," paliwanag ni Lucy.   "Hmm, bagay kayong magkapatid Lily," sabi ni Mr. Rex kay Lily habang nakikipag kulitan sa bata.   "HAHAHA 'di naman po. Ewan ko po, sadyang maligaya lang ang pakiramdam ko sa batang ito," sagot ni Lily.   "Baka nawawalang anak mo ‘yan HAHAHA" biro ni Lucy.   "Sira!" naaasar na bulyaw ni Lily at bumalik na ito sa pagkukulit sa bata, habang hawak ang kamay.   Ilang minuto ng paglalakad ay naka punta na sila sa tindahan ng ice cream, kung saan bumili sila ng lima nitong may iba’t ibang flavor. Isa kay Lily, isa kay Lucy, isa kay Mr. Rex at dalawa naman para sa batang nakabunggo sa kanila. Kanina pa ito tahimik at ‘di nagsasalita, pero kita ang kasiyahan niya nang bigyan siya ng ice cream ni Lily.   Pagkatapos kumain ay agad na niyaya ng bata si Lucy sa isang lugar. Hinatak siya nito patungo sa isa sa mga bahay sa autumn street. Nasa gitna ito ng mga bahay na bilang lang sa kamay, nakalagay ang watawat ng autumn street sa bahay na ito.   "Master Lua bakit po kayo nasa labas?" nag-aalalang tanong ng isang tagapag bantay sa pinto ng isang bahay.   "Ate, riyan po ako nakatira," sabi ng bata kay Lily tsaka namuo ang ngiti sa labi nito.   Nagkatinginan ang dalawa. "Hello po, pasensya na po at naabala kayo ni Master Lua," pagpapa umanhin na sabi ng tagapag bantay.   "Ay, hindi po. Okay lang po sa amin, nabangga rin po kasi siya namin kaya ayun, ibinili namin siya ng makakain bilang pagpapatawad," paliwanag ni Lily.   "Pasok po tayo ate," aya ng bata.   Hinatak si Lily sa loob ng bahay nung bata at hindi naman tumanggi ang tagapag bantay, pinapasok na rin niya ang mga bisita sa loob ng bahay. Nakita ni Lucy ang laki ng bahay sa loob at ganda ng mga furniture nito. "Grabe ‘tong batang ‘to, ang yaman pala. Dapat ata siya ang nanglibre sa atin HAHAHA" pagbibiro ni Lucy nang mapagmasdan ang mga mamahaling kagamitan sa bawat sulok ng bahay na iyon.   "Shh, baka marinig ka niya at ng kanyang mga magulang," bulong ni Lily kay Lucy.   Maski ang tatay ni Lucy na si Mr. Rex ay nagandahan sa bahay. "Grabe ang mamahal ng mga ito," namamanghang ani Mr. Rex pagkatapos hawakan ang mga furniture. Magalang naman siyang sinita ng isang maid, dahil baka mabasag niya pa ito.   Ipinunta sila ng bata sa sala at ipinakita niya ang mga laruan nito. "Ate, laro po tayo," hindi makapag hintay na aya ng bata. Hindi naman tumanggi si Lily at nakipag laro sa bata. Umupo sina Lucy at Mr. Rex sa sofa na mamahalin, habang si Lily ay nakikipag laro sa bata sa lapag.   "Grabe ang ganda dito sarap tumi... aray!" gulat na sabi ng tatay ni Lucy nang matusok ang pwet niya ng isang laruan sa sofa, kinuha niya ito at inilapag sa mga laruan ng bata, "hindi pala." Bawing sabi ni Mr. Rex habang hawak hawak ang laruan na nakatusok sa pwetan niya at binaba ito. Malakas na tawa ni Lucy ang bumalot sa bahay nang nakita niya ang ama niya, na natusok ng isang laruan sa pwet.   Habang busy ang bata at si Lily sa paglalaro ay isang maid ang nag-abot sa kanila ng sandwich at maiinom. "Salamat po ate," masayang sabi ni Lucy. umingon si Lily sa maid at nag pasalamat, ganun din si Mr. Rex na kinuha ang inilahad na pag kain para sa kanila, tsaka niya ito inilapag sa mesa ng sala.   "Sino po ba itong batang ito? Dayuhan po kasi kami dito at ‘di namin alam ang mga tungkol dito. Halos lahat po kami first time lang dito,” tanong ng isa sa kanila.   "Mukha nga po dahil ngayon ko rin lang kayo nakita rito," sabi ng isang maid na nasa tabi nila.    Inilapit ng maid ang bunganga niya sa tenga ni Lucy at may sinabi. "Whaaat?!" malakas na sigaw ni Lucy na umabot sa labas ng bahay.   "Huy, ang ingay mo," suway ni Lily habang tumatawa ang maid sa tabi nila. Agad na binulong ni Lucy sa tatay niya itong sinabi ng isang maid sa kaniya. Sa pagkakataon na ‘to ay ‘di sumigaw ang kaniyang ama at nagulat lang sa sinabi, kaya tumayo at ‘di mapakali sa binulong ng kaniyang anak. Nakita ito ni Lily at sinabing, "Tito anong problema niyo?" tanong ni Lily habang gulat na gulat pa rin si Lucy sa ibinulong sa kaniya ng maid.   "Ano ba ‘yun? Bakit ganyan ‘yung mga mukha niyo?" nagtatakang tanong ni Lily.   "Ah wala ‘yun. ‘Yan lamang ang nagmamay ari ng autumn street," sabi ni Lucy pagka turo sa bata.   "Oh, ayun ba? Sinabi niya na sa akin ‘yun kanina, at siya ‘yung hinahanap natin sa vision ko," kalmadong sabi ni Lily.   "Hala, kailan? Eh halos ‘di nga nagsasalita ‘yan kanina.”   “Ah, ‘yun din? Isa sa mga kapangyarihan niya ay ang makapag usap sa isipan, pero hindi sa inyo, kun’di sa amin lang. Kaya halos lahat ng oras nakatingin lang ako sa mga mata niya. Isa pa, kaya nalaman kong siya ang hinahanap natin dahil kulay autumn ang mga mata niya. Pagka kita ko sa kaniya nung humarap siya sa atin na umiiyak ay ‘di rin ako makapaniwala. Nung nag usap kami nun sa isipan," diretsong paliwanag ni Lily.   "’Di mo man lang  makuhang sabihin sa amin?" tanong ni Lucy   "Sinabi niya rin sa akin ‘yun, na gusto niyang gulatin kayo. Matured na talaga siya, dahil tuwing gabi lang lumalabas ‘yung tunay niya na katauhan. Nag isip bata lang siya ngayon dahil gusto niya tayo gulatin, plano niya ‘to lahat. Hindi tayo ang nakahanap sa kanya, siya ang nakahanap sa atin. Una pa lang ay alam niya nang pupunta tayo rito at hahanapin natin siya, kaya gusto niya maiba ang pangyayari kaya ginawa niya ito," mahabang eksplanasyon ni Lily.   "Putek. Grabe naman, walang normal talaga sa bansa natin," gulat na gulat pa rin ang isipan ni Lucy sa kanyang nalaman. Tumawa ang bata at nakisabay rin sa tawa si Lily.   "Ano ba nangyayari ngayon?" tanong ni Mr. Rex.   "Oo nga pala papa. Since nalaman mo naman na ‘to, na ‘di kapani-paniwalang pangyayari, eh sasabihin na namin sa’yo, ang tunay na dahilan kung bakit talaga kami nag-ayang mag pasyal dito," tinapat ni Lucy ang tatay niya.   "So matagal na pala kayong may tinatago sa akin ah," sabi ni Mr. Rex na may halong pagtatampo sa tono ng kanyang boses.   "Sorry po, papa. Pero ito na po sasabihin namin."   Kinalabit ni Lucy si Lily. "Opo tito sorry," paumanhing sabi nito.   “Sabihin niyo na, para ‘di na ako magulat sa mga nangyayari ngayon, dahil mahirap umintindi at makisabat sa inyo ng ganitong wala akong alam mga anak," ani Mr. Rex.   "Opo, sorry po uli pa," paumanhin na sabi naman ni Lucy.   Unang nagsabi ng nalalaman niya si Lucy, sumunod naman ay si Lily na nagsabi kung ano ang plinaplano niya. Nagulat si Mr. Rex sa sinabi ng dalawa pero naintindihan niya naman ang pinupunto ng dalawang ito, kaya nakisabay na lang siya sa mga gustong gawin nung dalawa, at sinabi rin na, "As long as walang mapapahamak sa inyong dalawa, hindi ko kayo pipigilan sa gusto niyo."   Mariing umiling si Lily. "Hindi ko po masasabi o mapa pangako na hindi ako mapapahamak, pero pipilitin ko pong hindi mapahamak ang anak niyo, dahil kaibigan ko siya at kayo rin po dahil tatay kayo ng kaibigan ko," aniya.   Hindi na nagsalita si Mr. Rex dahil hinangaan niya si Lily sa katapangan na ipinakita nito. HIndi nila napansin na gabi na at nag iba na ng kaanyuan ang batang kalaro ni Lily. Hindi na nagulat si Lily sa nakita niya dahil nakita niya na ito sa kanyang isipan, at wala siyang interes na ma in love. Tanging pagplano lang sa pamilyang AXE ang kanyang iniisip, ngunit si Lucy ay napatakip sa bunganga nang nag-iba ang itsura nito. Lumaki pati na ang pag wasak ng damit suot ni Master Lua, kita ang malahubog na katawan nito, batak na mga muscle sa pag wowork out, ang kanyang magandang mukha, makinis na balat at undercut na buhok.   Napatakip ng mata si Lucy at unti-unting ibinuka ang daliri upang sumilip at tumingin sa mukha ni Master Lua. "My gosh," ang sabi ni Lucy sa sarili habang namumula ang mata. Habang si Mr. Rex naman ay napa ubo at lumihis ng tingin kay Master Lua na nakahubo ang pantaas.   Napansin ito ni Master Lua kaya napatakip siya ng sa kanyang katawan. "Sorry, minsan wala talaga sa timing ang pag iibang anyo ko," nahihiyang sabi ni Master Lua.   "Sige na, sige na. Mag bihis ka muna dun," ang sabi ni Mr. Rex.   "Ateee!!!" Sigaw ni Master Lua sa kanilang katulong.   "Master!!!" Pabalik na sigaw ng katulong habang may hawak hawak na tuwalya papunta sa kaniya. Habang papaalis na si Master Lua sa sala ay nakatakip pa rin si Lucy sa kanyang mukha, pero naka sunod ang nakatakip na mukha ni Lucy sa paglalakad ni Master Lua, na para bang nakasilip siya habang papasalubong sa kanila ang katulong.   Humarap kay Lucy ang kanyang ama at binatukan ito. "Tumigil ka nga riyan," ang sabi ng kanyang ama pagka batok kay Lucy.   Hinawakan niya ang parte ng kanyang ulo kung saan siya binatukan ni Mr. Rex. "Pa ano ba?! Ang sakit ah!" sigaw ni Lucy sa ama niya.   "’Wag kang ganyan, napapaghalataan ka," ani Mr. Rex sa anak.    Ngumisi si Lily at sinabing, "Pabaayan mo na Mr. Rex."   "Naku, ikaw rin siguro. Naku kayong mga bata kayo talaga," ang sabi ni Mr.Rex sa dalawa.   "HAHAHA si Lucy lang ah! Nakita ko na po yun sa isipan ko pa lang," sagot ni Lily.   Napa buga si Mr. Rex ng iniinom niya dahil sa gulat niya sa sinabi ni Lily.   "May nasabi ba akong mali?" nagtatakang sabi ni Lily habang tumitingin sa dalawa nang paulit ulit.   "Wala wala," tanggi ni Mr.Rex.   Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ng naka pormal na suot si Master Lua, papunta sa sala kung saan naroon ang tatlo niyang bisita. Pumasok si Master Lua sa sala kasabay ang katulong nila sa likod niya. "Magandang gabi, pasensya na sa nangyari kanina," paumanhin na sabi ni Master Lua.   "Okay lang ‘yun," ang sagot ni Lily.   "Oo, okay na okay nga eh," sabat ni Lucy habang naka ngiti at naka approve kay Master Lua.    Nakatingin naman si Mr. Rex sa anak at pinalo nanaman ito. "Ano nangyayari sa ‘yo?" tanong ni Mr. Rex.   "Wala pa. Palo ka ng palo," sagot ni Lucy.   Natawa si Master Lua sa pinakitang attitude ng mag ama. "Pasensya na uli sa nangyari kanina. Pero katulad ng pinunta niyo rito eh, pwede ba kayong sumunod sa akin para maipaliwanag ko at malinawan kayo?" pag aaya ni Master Lua sa tatlo.   "Tara," madaliang tugon ni Lily.   Sabay sabay na tumayo ang tatlo at kinuha ang gamit na dala dala sa tabi nila.    "Maaari niyo ‘yang iwanan dito kay ate," ang sabi ni Master Lua. Tumango si Lily at iniwan na ito sa upuan. Dinala lang nila ang pera at cellphone na mahahalagang gamit nila. Sumunod sila kay Master Lua sa hagdan pababa, ngunit may nakaharang dito. Nasa unahan si Master Lua at huminto siya sa dulo nito.   Lumabas ang mga ilaw na parang nag scan sa kanila. "Visitor accepted," narinig nila ang mala babaeng boses ng isang computer, nang matapos nito ma-iscan si Master Lua at ‘yungiba pa.   Umandar ang hagdan papaikot sa mala office ni Master Lua at bumaba ito. Unang pumunta si Master Lua sa malaking table na salamin at inilagay ang limang daliri, iniscan nito ang finger print niya at lumabas ang mga larawan ng may mga kakaibang mata na nabiyayaan. Nandun din ang pamilyang AXE na matagal nang inoobserbahan ni Master Lua, pati na ang mga kakaibang nangyari sa bayan nila at sa ibang street. Nandun ang mga katangian at kapangyarihan ng ibat ibang mata, base sa kanilang kulay.   Itinuro ni Master Lua ang kakulay ng mata ng ina ni Lily. Zinoom ito ni Master Lua sa table gamit ang kanyang daliri at ipinaliwanag kung anong meron sa mata nito.   "Ano ang mga ito?" unang tanong ni Lily kay Master Lua.   "Mamaya ipaliliwanag ko isa isa ‘yan sa inyo," ang sagot ni Master Lua, "Lily, ang iyong ama ay biniyayaan ng winter eye. Ang puting mata na hindi kayang magpalamig, maski ang magpa tigas ng isang tao. Kakayahan nitong magpagaling, makakita ng nakaraan at ng hinaharap. Subalit hirap ang mata na ito na makakita ng hinaharap at maging makatotohanan ito, dahil sa mga pangyayari noon. Tanging ang nanay mo lamang ang nakasunod sa gusto ng banal na mata, nag bulag bulagan siya at nag bingibingihan para umabot ka sa ganito. Hindi siya nagsabi ng mga mangyayari upang magkatotoo ang mga pangyayaring inaasahan niya, maski sa ‘yo, hindi niya sinabi gamit ang mata na ito. Kaya isa rin ‘yun sa mga kapangayrihan ng mata na ito, ang makapag pasa ng mensahe gamit ang utak na naka konekta sa mata. Ang mata ay ang pinaka mahalaga sa atin upang makakita, ngunit nabigo ang banal na mata sa mga biniyayaan niya,” huminto siya saglit upang tumikhim, “noong mga araw dahil sa pag abuso sa binigay niyang biyaya, kasi pwede kang humiling o tumingin ng pwedeng paraan upang makita ang mga pangyayari na pwede mong gawin sa totoong buhay. Hanggang dumaloy at sumangayon sa’yo ang banal na mata, pati na panahon para madala mo ito sa tunay na mundo at mangyari ito sa kasalukuyan. Ngunit wala pang nakakagawa nito, maliban sa iyong ina," mahabang paliwanag ni Master Lua kay Lily.   "Paano mo nalaman ang mga ganito?" tanong ni Lily.   "Nandun ako nung humiling ang ina mo sa banal na mata hanggang sa mamatay sila sa kamay ng tito mo," ang sabi ni Master Lua.   "Pero ilang taon na ang nakalipas noon,"  pagtataka ni Lily.   "Hindi ako tumatanda. Hindi rin ako namamatay sa pagka tanda, kaya alam ko ang mga nangyayari sayo sa inyo, pati na sa mga magulang niyong dalawa ni Lucy," ani Master Lua.   Nagulat si Mr. Rex at naalala niya ang kanyang asawa. Bumalik din kay Lucy ang mga alaala niya sa kanyang ina. Inalalayan ni Lucy ang kaniyang ama sa pag upo dahil sa gulat niya sa sinabi nito.   "Tanging nanay mo lang ang nakapag pabalik sa tiwala ng banal na mata, ngunit nahihirapan siya ngayon sa pagkakasunod sa isang nabuong mata, nang dahil sa pag develop ng kakaibang uri ng mata na dumadaloy ngayon sa iyong katauhan," paliwanag ni Master Lua.   "So tama nga ang hula ko?" ang tanong ni Lily.   "Ah yun ba? Siguro nga tama ka, ngunit hindi mo alam na may itinurok sa iyo ang iyong ama amahan pagka bura ng mga alaala mo. Isa ‘yon sa mga experiment ng pamilyang AXE, ang tinatawag nilang NevMed. Natrigger at nadevelop ang uri ng ganiyang mata dahil sa NevMed, sa kadahilanang pinaghalo nila ang kanilang dugo at ang kakaibang gamot na sila lang ang nakakaalam. Ang dugo nila ay iba sa normal na tao, ni hindi sila tumatanda o namamatay sa maliit na na aksidente, o pagpatay. Mala imortal sila kung ituring. Gusto mo bang malaman kung ilang taon na sila?" tanong ni Master Lua.   "Hindi na siguro dahil wala na akong pakialam sa kanila, basta mapa bagsak ko sila," nanggigil na sagot ni Lily, kumuyom ang kanyang kamao at nagngitngit ang kanyang mga ngipin.   "Kung ganun, marami ka pang dapat malaman tungkol sa kanila at sa kapangyarihan na pwede mong magawa. Dahil maski ako ay hindi ko sigurado kung paano o kailan nagiging aktibo ang pula mong mata," ani Master Lua kasabay ng kanyang pagtango.   "Siguro nga dapat ko pa ‘tong pag aralan," tugon ni Lily at bakas sa kanyang mukha na siya’y malalim na nag-iisip ng mga bagay bagay.   "Ngunit," maikling sinabi ni Master Lua.   "Ngunit hindi ka payag?" hula ni Lily.   "Hindi, pero hindi ko magagawang tumulong tuwing maaga dahil sa kaanyuan ko. Sa tagal ko nang nabubuhay sa mundo at namahala sa street na ito, ay ‘di ko pa nagawang ayusin ang problema kong ‘yun," ani Master Lua.   "Kung ganun, edi magtulungan tayo?" alok ni Lily kay Master Lua.   "Hindi tayo pwedeng hindi mag tulungan dahil halos iisa lang ang mga kapanyarihan natin. Kaya ko rin gawin ang ibang mga abilidad ng winter eye, katulad na lang ng makakita ng hinaharap, pero ang makapag pagamot ay ang hindi ko magawa, pati na rin ang kaunting iba pa," paliwanag ni Master Lua.    "Gusto kong malaman ang kapangyarihang taglay mo," curious na sabi ni Lily.   "Isa sa mga kapangyarihan ko ang naoobserbahan niyo ngayon, matalino akong tao dahil sa memoryang taglay ng aking utak, dahil sa nakikita ng aking mata. Isa ‘yun sa taglay kong kapangyarihan, kaya kong magkabisado ng isang milyong pahina ng isang libro o higit pa. Kaya ako umabot sa ganito ay dahil sa ibinigay sakin na sumpa ng nakilala kong babae, na magiging bata ako tuwing umaga at magiging lalaking nasa tamang edad pagka gabi. Mahirap para sa akin ang makulong sa ganung sitwasyon, dahil sa oras na maging bata ako ay wala akong palag lalo na at umaga pa."   Bumilog ang labi ni Lily. "Bakit ka ba sinumpa ng isang babaeng nakilala mo? May ginawa ka bang masama sa kaniya?" usisa ni Lily.   "Siguro? Hindi ko alam, pero sa tingin ko ay bilang kapalit ‘yun ng matang ibinigay sakin. Hindi ang banal na mata ang nagbigay sa akin nito. Isang babaeng nakilala ko lang din dati, noong ako ay isang inutil, pulubi at walang kamalayan pa sa mundo. Ni hindi ko alam kung sino ang nagsilang sa akin, wala siguro,” lumungkot ang kanyang tinig, “pero nung nakilala ko siya, dun ako nagkaroon ng malay sa mundo, dahil pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng inang nakaalalay sa akin. Kaya hindi mo rin magamit ang buong kapangyarihan ng mata mo ay dahil nanay mo ang nagbigay niyan sa’yo, hindi ang banal na mata. Ngunit sa ginawa ng ina mo ay nabilib ang banal na mata at binigyan ka ng pagkakataon na gamitin ang tatlumpu’t porsyento ng kapangyarihan ng winter eye. Sa akin ay apatnapu’t porsyento lamang, kaya medyo wala pa rin akong alam. Naka subaybay lang ako sa inyo, tinitignan ko kung ano ang ikikilos niyo at nagbabakasakaling may mapulot akong kaalaman din sa inyo," paliwanag ni Master Lua.   "Natatandaan mo pa ba ‘yung babaeng ‘yun na nagbigay sa inyo ng autumn eye?" tanong ni Lily.   "Malabong makalimutan ko ang babaeng ‘yun. Nag silbing ina sa akin ‘yun nung nagpalaboy laboy ako at sa daan lang nakatira. Tingin ko ay hindi siya nakatira rito una pa lang. Nang tinignan ko ang dalawa niyang mata noon ay magkaiba ito, sa kanan ay dilaw at sa kaliwa ay brown. Sinabi niyang gusto niyang ibigay ang autumn eye sa akin at mamahala sa autumn street, ngunit ang kapalit ay magiging bata ako upang ‘di pagkamalan na ako na ang may hawak ng autumn eye, kaya tinanggap ko pa rin ito noon dahil bata ako nun. Hindi ko naisip na hanggang paglaki ko sa normal kong katauhan ay magiging bata ako. Matagal na iyon, kaya hanggang ngayon walang nakakaagaw sa autumn eye, dahil akala nila ay wala na rito ang nagmamay ari nung autumn eye. Kada umaga kasi ay hindi nila pinanghihinalaan ang batang nakikita nila na naglalaro lang sa labas. Isa dun ang pamilyang AXE na naghahanap sa autumn eye, pero di rin nila ako pinag hinalaan na nasa akin, dahil isa nga lang akong bata,” kinamot niya ang kanyang pisnging nangangati, “pero mahirap para sa akin na wala akong magawa tuwing umaga, kundi ang maglaro dahil kusang kumikilos lang ang katawan ko sa pag lalaro tulad ng isang bata upang di mapag hinalaan. Para bang nakakulong ang normal kong katauhan sa isang kulungan tuwing umaga, para bang ‘di ako ang taong kilala niyo sa umaga at lumalabas lang ang tunay na ako sa gabi. Ngunit, ‘di ko na ito mabawi at bawal kong bawiin ito dahil mawawasak ang autumn street,” bumuntong hininga siya para kumuha ng sapat na hangin bago nagpatuloy, “kung gagawin ko ‘yun, walang mamahala at magpapatuloy ng magandang nasimulan ng babaeng ‘yun sa autumn street. Pagkatapos nun, naging dilaw at nanghina siya ng tuluyan. Pagka gising ko na lang sa hinihigaan ko na kama na pinatayo niyang bahay dito sa autumn street, ay nawala siya at sila ate nalang ang naging magulang ko. Ilang taon na sila nagsisilbi sa akin kaya laking pasasalamat ko sa kanila na natulungan nila ako," mahabang mahabang paliwang ni Master Lua.   "May naiwan ba siyang gamit na maaari nating tignan? Nadiskubre ko lang na may nakikita akong kung alin kapag nakakahawak ako ng mga bagay na may sentimental value sa iba" ani Lily.   "Ah itong kuwintas na suot ko, tanging ito lang. Dahil ibinigay niya sa akin ito bago niya ibigay sa akin ang autumn eye," sabi ni Master Lua at inilabas ang kuwintas na nakasuot at naka ago sa kanyang damit. Hugis bilog na parang eyeball na kulay brown na nagniningning ang inilabas niya.   Nakita ito ni Mr. Rex at muling nagulat siya sa kanyang nakita. ‘Di siya agad naka imik. "Parang may kaparehas ‘yan? ‘Di ba pa?" ang tanong ni Lucy sa papa niya habang gulat na gulat pa rin si Mr. Rex sa nakita niyang kuwintas ni Master Lua.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD