Chapter 7

4125 Words

Nilabas ni Master Lua ang necklace na iniwan ng babaeng nagbigay sa kanya ng autumn eye.   "Ang ganda," papuri ni Lily.   "Pa, ‘di ba parang may katulad ‘yan?" tanong ni Lucy, habang gulat na gulat si Mr. Rex sa necklace na nakita niya sa kamay ni Master Lua, hanggang sa unti unting tumulo ang luha ni Mr. Rex.   "Mr. Rex?” tawag ni Master Lua kay sa ama ni Lucy dahil sa pinakitang reaction nito habang nakatitig sa necklace, “Mr. Rex..?” napalingon naman ang dalawang babae kay Mr. Rex. Nakaramdam sila ng awa rito dahil umiyak na lang bigla ito nang makita ang necklace ni Master Lua.   "Pa, bakit?" tanong ni Lucy, "papa?" tanong uli ni Lucy sa ama at agad na namang nahimasmasan si Mr. Rex at pinunasan ang luha niya.   "Wala ito naalala ko lang ang iyong ina" paliwanag ni Mr. Rex.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD