Hapon na nang magising si Chief Lee sa higaan niya, agad niyang pinuntahan si Miss Kate para tignan dahil sa nangyari kahapon. Dali dali siyang pumunta sa kwarto nito at sinilip ito, pero wala na ito rito kaya nagtaka siya at agad na hinanap sa kabilang kwarto; sa kwarto ni Lily, ngunit wala rin ito rito. Kaya bumaba na siya para tignan sa kusina at pag tanungan si Ate Bettie. Pagka baba pa lang ay nakasalubong niya na si Ate Bettie na pupunta sana sa lab dahil maghahatid ng pagkain ng batang si Master Lua. “Nakita niyo po ba sila Kate, Ate Bettie?” madaling tanong ni Chief Lee. “Si Miss Kate nasa labas, sinasamahan si Lily mag training,” sagot ni Ate Bettie. “Sige po, maraming salamat po Ate,” tugon ni Chief Lee kasabay ng kanyang pagyuko na sinundan din ni Ate Bettie. Lumabas agad

