Nakita ni Zy ang kaniyang ama’t ina kung paano ito tumitig sa kaniya nang masama kasama ang mga alaala niyang hindi kaayaaya. Napaupo si Zy sa lupa pagkatapos niyang makita ang masamang titig ng kaniyang anak na parang pinaghalo ang masamang titig dati ng kaniyang magulang. Nagulat din si Peter sa pagbagsak ng kaniyang ama pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad kahit pa naawa ito, dahil nakita niya ang mukha ni Zy pagka bagsak nito sa lupa, takot na takot at nag lalakihan ang kanyang dalawang mata na parang bang wala na ito sa sarili. Bigla naman lumabas si Lux sa bahay at nakita niyang nakaupo ang kaniyang asawa sa lapag kaya lumapit siya rito at lumuhod. “Anong nangyari sa ‘yo bakit ka nakaupo riyan?” Hindi kaagad sumagot si Zy dahil sa hindi niya narinig ito. Bi

