SPRING STREET: Inihiga ni Lux si Peter sa sofa dahil nahimatay ito sa ginawa ng kaniyang kapatid. Matapos ihiga ni Lux ang kaniyang anak pinakiramdaman niya ito kung humihinga pa ba ito gamit ang kaniyang hintuturo at inilapat ito sa butas ng ilong niya. Naramdaman naman ni Lux na humihinga pa ito kaya nakahinga siya nang maluwag. Lumabas si Lux para kausapin si Luxy. "Anong nangyari sa kapatid mo?" ani Lux habang papalapit ito kay Luxy. "Tinulungan ko lang naman siya," sagot ni Luxy. "Nahimatay ‘yung kapatid mo, tulong ba ‘yun?" Tumaas ang tono ni Lux kaya nag umpisang maluha na si Luxy. Naawa naman si Lux kaya gusto niyang hawakan ang kaniyang anak pero nang hawakan niya ito, tumatagos lang siya rito. Nagulat si Lux nang nagawa ito ni Luxy dahil napaka rare ng ganung

