Sumugod si Keptler ng mabilis para sunggaban at hawakan si Lux nang biglang sumulpot sa itaas ni Keptler ang isang Peter na magkahawak ang kamay para ipangpalo ito kay Keptler. Tinapakan ni Peter ang likod nito kaya nabaon si Kepler sa sahig at hindi na ito umabot sa mommy niya tsaka niya pinangpalo ang dalawang kamay na magkahawak sa ulo ni Keptler. Nagulat si Lux sa pinakita ni Peter at tinignan niya ang isa pang Peter na sinuntok niya kung saan bumaon ang ulo nito sa lupa, nakita niya na nandun pa rin at nakabaon pa rin ang ulo nito sa lupa. Matapos niyang puruhan sa likod at ulo si Keptler ay hindi ito nakagalaw sa ginawa ni Peter kaya tumayo lang siya sa likod nito. “Peter? Paano?” gulat na tanong ni Lux sa ipinakita ng kanyang anak na lalaki. “Ang sakit ng suntok mo sa ulo ko Mommy

