Nakita ni Master Lua ang taong nasa larawan na tinignan niya kanina. Hindi magawang lumapit ni Lily pero inutusan siyang lumapit ni Master Lua kaya napilitan siyang lumapit dito. Unang napansin ni Master Lua ang usok na nilalabas nito sa bibig na kaparehas na kaparehas ng usok kung bakit nahawa ang mag amang Yi, kaya agad siyang nagtakip ng ilong at pinatakip niya rin ng ilong si Lily. Pagka takip ng ilong ni Lily napansin niya rin na may kaparehas ito at ‘yun na nga ang mga binubuga ng iba pang mga apektadong tao kaya laking gulat din nito nang maalala niya ang pangyayaring ‘yun. Humarap sa kaniya si Master Lua na nakatakip ang ilong at inaya itong dumistansya sa tao. Pumunta sila sa bandang pintuan ng kwarto-- malayo sa kama nito. “Tingin mo rin epekto ‘yan ng virus?” tanong ni Master

