AUTUMN STREET: Bumaba si Chief Lee sa hagdan at nakita niya sila Ate Bettie na hawak hawak ang kamay ng batang Master Lua habang naglalakad. “Gising na po pala kayo Chief Lee.” Bati ni Ate Bettie sa kaniya pagkababa niya sa hagdan. “Magandang umaga po Ate Bettie.” Bati naman ni Chief Lee kay Ate Bettie. “Nag aalmusal na po sila Miss Kate at Lily sa hapag kainan.” Turo ni Ate Bettie sa bandang likuran niya habang nakaharap ito kay Chief Lee at nakatingin kay Master Lua. “Hindi na naman nila ako ginising,” sabi ni Chief Lee sa kanyang sarili. “Po?” paulit ni Ate Bettie dahil hindi niya ito narinig. “Wala po, mauna na po ako Ate Bettie.” Iwas ni Chief Lee at nag tumakbo na papunta kila Lily at Miss Kate. Ngumiti na lang si Ate Bettie at pinindot na ang button papuntang lab habang hawa

