CENTRY TOWN: Nakasilip si Luxy at Peter sa labas ng kubo, hindi na sila nag abala pang pumasok kaya umupo na lang sila sa gilid ng kubo habang may mga taong bayan na sumisilip din sa loob ng kubo para makita si Lux at ang lalaking ginagamot ng matanda na si Zy. Ilang oras din ang nakalipas ay nawala na rin ang mga tao na nakasilip sa kubo dahil may inaasikaso rin sila sa kani-kanilang bahay. Habang magkatabi ang magkapatid lumabas na ang matandang babae at ngumiti sa kanila. “Tingin mo ba gagaling pa si Daddy?” tanong ni Peter kaya napatingin sa kaniya si Luxy. “Hindi ko alam... ang alam ko, dito na tayo titira,” sagot ni Luxy sa tanong ng kapatid. “Sa tingin ko rin eh. Pero pag nagising si Daddy, hindi ko alam kung papayag siya dahil syempre, gusto niyang makuha ang mga banal na mata

