CHAPTER 1

2007 Words
I was so happy when my teacher showed me my grade. It is not actually the final grade because we still need to take the exam before graduation. "Thank you," I uttered before going back to my seat. It's contemporary music and art subject, a minor one, but I'm still glad that I have a ninety-eight grade. Hindi pa namin nakikita ang ilang major subject dahil gusto ng mga teacher na surprise iyon. Pagkatapos pa raw ng exam tsaka lang ipapakita. Itong subject lang ni Ms. Alarcon ang palaging nagpapakita ng grade before exam para raw ganahan kami sa pag-take. “Excited akong sabihin kay Dad!” Bulong ko sa katabi ko. He is my classmate and the only one who approaches me in senior high. LG Ian Mercado was famous because he was the captain of the basketball team at our school. Medyo galit nga sa akin ang ilang schoolmate namin dahil ako lang sa mga kaklase ko ang kinakausap ni LG. “Huwag mo munang sabihin. Baka kapag hindi mo na-perfect ang exam ay pagalitan ka na naman,” suhestiyon n’ya na pinag-isipan kong mabuti. Last time I told my father about my grade, he was mad because minor na nga lang ay hindi pa ako naka-100. Nauna ko kasing sabihin sa kan’ya no’n na ninety-seven ang grade ko pero wala pang exam. Umasa s’yang tataas pa ‘yon pero isang puntos lang dahil medyo nalito ako sa mga questions. “Yeah, right. Mas okay nga ‘yon.” Napalitan ng lungkot ang pakiramdam ko. Kahit gaano pa kataas iyon, kung hindi naman one hundred ay balewala pa rin. Baka mamaya ay hindi na naman umayos ang exam ko at isang puntos lang ang naging lamang. “Oscar!” Our teacher called someone again to show their grade. Tapos na si LG dahil by row ang ginawang pagtawag ni Ma’am. Nasa ninety rin ang grade ng kaibigan ko pero hindi n’ya sinabi sa akin ang exact grade. Masipag din naman s’yang makahabol sa lesson kahit madalas s’yang may training sa basketball. “Excuse me po, Miss Alarcon. Pinapatawag po kasi ang captain ng basketball team.” May dumungaw na ka-team ni LG sa pintuan. Iyan na nga ang sinasabi ko. Kahit patapos na kami sa senior high school ay may hinahabol yatang requirement ang basketball team. Gusto yata nilang maging varsity sa sikat na school kapag nag-college na kaya they were planning to beat the rival school. “Una na ‘ko uuwi, ah? Mukhang aabutin na naman kayo ng gabi, eh.” Pahabol ko kay LG bago s’ya makaalis. Hindi ako puwedeng magtagal palagi sa school dahil kailangan ko ring mag-training. It is not like what LG do. Wala s’yang alam sa ginagawa ko dahil hindi ko naman puwedeng sabihin. My father will kill me if I tell it to somebody else. Kahit pa kaibigan ko si LG. “Thank you po, Miss!” Sabay na sambit ng dalawa at tuluyan nang naglakad palayo. Last subject namin si Miss Alarcon at maaga n’ya kaming d-in-ismiss dahil puro review na lang naman ang ginagawa namin. Advance magturo ang mga teacher dito pero naiintindihan pa rin naman namin. Me: Nakauwi na po ako. I texted my father so he would know that I was preparing for my training this afternoon. Actually, tanghaling tapat talaga ang uwian namin pero minsan ay nag-i-stay pa ako ng ilang minuto sa canteen para magpalamig. From: Mr. Villin You are late. I expect you will not lose a fight to Kisto. Napanguso ako dahil three pa naman ng hapon ang training ko. Two in the afternoon pa lang naman kaya medyo marami pa akong oras para bumyahe. Hindi na ako nag-reply pa at naligo na lang. Kumain naman na ako sa school kaya hindi ko na pinaunlakan ang pag-aya ng maid sa akin. Baka lalo lang akong ma-late at mabigat din sa tiyan kung mabubusog ako ng masyado. While fixing my gloves, my phone beeped, indicating that I had received an email. Hindi iyon ang tipikal na natatanggap ko kapag may email ang mga kaklase ko sa akin tungkol sa project namin. It was more important. Hindi ko na kailangang mag-training dahil may s-in-end ang agency na mission. Natuon na ro’n ang atensiyon ko kaya nakalimutan kong sabihan si Daddy na I will finish it before sunset. Hindi puwedeng ipagpabukas ang ganoong mission lalo pa at nanggaling iyon kay Daddy mismo. “Hindi ako puwede ngayon, LG. My daddy will get mad if I leave our house,” that was the lie I always say to my friend. Kinakabahan ako na excited. This is not the first time na pinadala ako sa mga mabibigat na mission. Minsan mag-isa lang ngunit mayroon din namang by team. “Damn, girl! Ilang beses ko nang narinig ‘yan sa ‘yo. Ako na lang ang magpapaalam kay tito Eliam,” aniya naman at hindi papayag na hindi ako makakasama sa gala nila ngayon. Hindi ko naman ka-close ang mga kasama n’ya. “No need, LG. Hindi talaga ako puwedeng lumabas ngayon.” Tinapos ko na ang tawag bago pa s’ya makapagsalita. Mangungulit lang naman s’ya kaya mas mabuti nang huwag na muna kaming mag-usap. Kailangan ko lang takutin si Rachel Alvarez-Lopez, kapatid ng asawa ni Ryku Takahashi. Sa pagkakaalam ko ay hindi agad naka-graduate si Mommy dahil pinagkalat ni Rachel na nabuntis ng ibang lalaki. Which is hindi naman nangyari. Ngayon pa lang bumabawi ang mga magulang ko dahil gusto ni Lolo na manahimik na lang muna noon. Wala rin naman daw mangyayari dahil halos nauungasan ng mga Takahashi ang company namin. Ngayong nakabawi-bawi ay magsisimula na rin kaming kumilos. Nagkamali yata ang mga Takahashi ng binabangga. Hindi porket nangunguna sila dati ay ganoon pa rin ang sitwasyon ngayon. I would love to give them the experience of hell like what they did to my family. Dito pa lang ako magsisimula gaya ng gusto ni Daddy. It was past four in the afternoon when I reached the Lopez residence. Sixteen years old pa lang ako no’n nang mapag-aralan ko ang buong pamilya ng Takahashi at Lopez. Mula sa Chairman nila hanggang sa mga naging asawa at anak. Alam ko na rin kung kailan uuwian ang bahay ng bawat pamilya kaya prente lang ako sa bawat kilos ko. Hindi naman ako ilalagay sa ganitong sitwasyon kung wala akong alam sa kahit ano. Alas sais pa ang uwi ng dalawang anak ni Rachel Lopez. Ang asawa naman nito ay seven pa ng gabi dahil ito pa rin ang namamahala ng kanilang kumpanya. Si Rachel lopez lang ang nasa bahay nila ngayon bukod sa mga kasambahay na abala sa kanilang mga trabaho. Hindi naman magkakalapit ang mga bahay sa village nila kaya hindi rin ako nahirapan makadaan sa likod ng bahay. May pintuan doon na mukhang for future purposes dahil pansin kong hindi naman nila madalas dinadaanan. Kinuha ko ang nag-iisang hairpin sa buhok ko at ginamit iyon para ma-unlock ang pintuan. Tahimik naman kaya mukhang hindi pa napupuntahan ng maid or ng guard. When I slid inside the house, it was dim. Galing pa ako sa labas kaya medyo hindi pa ako nakapag-adjust. “Sabi ng guard, may nahagip daw na pumasok dito sa likod. Pinapa-check ni Madam kasi baka raw magnanakaw.” Papalapit na iyon sa puwesto ko kaya nang makapag-adjust ako ay gumilid ako sa isang pasimano para hindi agad nila ako makita. Binuksan ng isa ang ilaw pero nang hindi naman ako makita ay nagtuloy pa rin sila. “Bakit naman hindi guard ang pinapunta rito? Ano namang magagawa natin kung magnanakaw nga ang pumasok?” Medyo takot na tanong ng isang katulong. Babae silang parehas at kung nagkataong lalaki ako at magnanakaw nga ay baka naumpog ko na sila sa pader. Dahil iiwasan kong makadamay ng iba para hindi masyadong hectic ay wala akong gagawin sa kanila. “Wala naman, eh! Baka multo lang ‘yong nakita ni Herman.” Nagtakbusan sila dahil sa sinabi ng isa. Napailing na lang ako at dahan-dahang sumunod. Walang CCTV rito pero mukhang sa labas ay mayroon. I did my best to sneak out until I reached the garden area. Hindi ko na alam kung saan nagtakbuhan ang mga maid pero nagdiretso na lang ako sa part ng bahay kung saan maaakyat ko hanggang sa second floor. Naroon ang lahat ng rooms nila at sakto namang veranda ng master’s bedroom ang maakyatan ko. Nasa kabilang side pa iyon. Hindi na kita ang garden area pero nasa tapat lang ang pool. Na plano kong gamitin sa huling palabas na gagawin ko ngayon. “Oh, hello there, Mrs. Lopez,” I greeted the lady when I went inside their room. I am wearing my black mask for my safety. Maliwanag pa kaya hindi dapat ako basta-bastang lalakad na lang nang walang kahit ano sa aking mukha. Nagulat ang Ginang sa presensiya ko at mukha kakalabas n’ya lang ng bathroom dahil nakasuot pa s’ya ng roba. Basa rin ang buhok n’ya. “Sino ka?” She almost shouted. Pumiyok s’ya kaya bahagya akong natawa. “Easy lang, Madam. Wala pa nga akong ginagawa, eh.” Before she had the time to talk, I slapped her face hard. ‘Yong tipong pati palad ko ay mananakit dahil sa paglapat sa makapal n’yang mukha. I laughed when she started to cry and asked for help. Nang tingnan ko naman ang pintuan n’ya ay naka-lock iyon kaya mas lalo akong natawa. “Ang tanga mo namang humingi ng tulong!” Sinakal ko s’ya at dinala sa bathroom. May malaking salaming bintana doon na pwede kong daanan mamaya kung madadatnan kami ng bodyguard ng babae. Nawala sa isip ko na may mga CCTV sa dinaanan ko kaya hindi imposibleng papunta na sila ngayon. Nilublob ko s’ya sa inidoro gaya ng ginawa n’ya noon kay Mommy. Hawak ko ang buhok n’ya habang paulit-ulit na nilalampaso sa maputi at makinis nilang lababo. Nakarinig ako ng nagmamadaling yabag sa labas kaya binitawan ko ang babae. “Save by the bell, huh?” Alam kong anumang oras ay makakapasok na ang mga tauhan ng babae kaya hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon. I need to get out of here. Kung hindi ang babaeng nasa harapan ko ang mamamatay ay ako ang ipaglalamay ng aking pamilya. Bago pa ako makatalon sa balcony ng kwarto ay muli akong napalingon kay Mrs. Lopez. “What’s your name?” Nagsimulang lumabo ang paningin ko. Mahigpit ang naging paghawak ko sa railings nang maramdamang matutumba ako. ‘Damn, Ri! Hindi ka nila pwedeng mahuli. Get the hell out of here!’ I was panting when some images started to distract me. God! Hindi pwede ‘to. Nang mapansin ko ang paggalaw ng babae ay dali-dali na akong tumalon. Nahihilo ako sa hindi ko malamang dahilan at grabe rin ang pananakit ng aking sintido. Hindi ko mawari ang dahilan. “Hoy, bata, harapin mo nga kami?! Tinatanong ka namin para maging ka-close ka.” “Ano ba kasing pangalan mo?” “Hindi ka ata nabigyan ng nanay mo bago ka ipamigay dito, eh!” “Hayaan na nga natin ‘yan! Nakaasar na ‘yong itsura, hindi pa makausap ng maayos.” Hindi nawala ang kakaibang pakiramdam ko hanggang sa marating ko ang aking motor. Hindi ko na pinansin ang mga sumunod sa akin. Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon. Hindi tatanggalin ng Villin kapag pumalpak ako. “Hoy, gago ka, huwag ka nang babalik pa rito!” Iyon ang huli kong narinig sa mga bodyguard bago humarurot ng mabilis ang aking motor. Hindi puwedeng malaman ni Daddy ang nangyari sa akin. Wala rin namang mangyayari at baka bungangaan lang nila ako. Hindi naman na bago sa akin ang mga ganoong eksena pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon. I was so confused until I reach the gate of our house. Maraming tauhan ni Daddy kaya mukhang nakauwi na s'ya. "My God, Zaria! Kanina ka pa hinihintay ni Daddy." Zaria Villin, is that really my name?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD