bc

Codename: Crimson (Book 1)

book_age18+
170
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
revenge
kickass heroine
bxg
campus
lies
secrets
school
engineer
like
intro-logo
Blurb

Zaren Astria ang una kong naging pangalan. Nang mapunta sa ibang pamilya ay muli akong nabigyan ng ibang katauhan bilang espiya at Zaria Villin ang sumunod kong naging pagkakakilanlan. Ngunit wala sa dalawa ang pangalang kilala ng karamihan. Aszren Espina ang pagpapakilala ko sa lalaking ubod ng kasamaan.

Sadyang mapaglaro sa akin ang mundo dahil lumipas ang panahon ay muli akong nagkaroon ng panibagong tatak na hindi na nawala sa mga tao.

Crimson.

» Illustrated book cover by: Christian Capistrano«

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Looking at the man in front of me makes me want to pass out. The street was too dark, but the light coming from my phone was enough to see his features. I don’t exactly know how to react. My mind went blank because of the sudden tension. “Nagkita rin tayo,” walang emosyon ang mukha n’ya pero ramdam ko ang bigat at diin sa kan’yang tono. Para akong nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin. Ang kinaibahan nga lang ay lalaki ito at matikas ang tindig. Kung may makakakita lang sa amin ngayon ay iisipin nilang kambal kami. Iyon din naman ang laman ng aking isip pero hindi ko magawang maniwala ngayon. “Who are you?” I asked, full of confusion. This is the first time I’ve seen him. Ayokong mag-assume na mayroon kaming koneksyon ng lalaki dahil lumaki ako na ang alam lang ay mag-isa sa bahay-ampunan. Walang ni isang kapatid, ni kamag-anak. Hindi naman siguro magsisinungaling ang mga magulang na kinikilala ko ngayon. Pero... Dapat pa nga ba akong maniwala sa mga iyon kung kahit isang beses ay hindi sila naging totoo sa akin? Pagak itong tumawa at humakbang ng isa para mas magkalapit kami. “They did not tell you about me, huh?” He looked so bitter. Hindi ko s’ya maunawaan. “Sino’ng tinutukoy mo?” Pinilit kong magtunog maayos ang boses ko. Sigurado naman akong walang alam ang mga Villin tungkol sa lalaking ito. Kinakabahan na talaga ako sa totoo lang. Pakiramdam ko ay mailuluwa ko na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng t***k no’n. Nakakatakot ang lalaki dahil nakikita kong handa s’yang saktan ako oras na magkamali ako ng sasabihin o aksiyon. “Hindi lang pala ako tinapon ng parang basura,” aniyang punong-puno ng hinanakit. “Kinalimutan pa na parang hindi ako naging parte ng buhay nila,” pagpapatuloy n’ya sa parehong tono. “Hindi ko alam ang sinasabi mo,” umiiling na wika ko. “Of course, hindi mo alam!” Sigaw n’ya at mariing hinawakan ang leeg ko. Napahawak ako sa braso n’ya at sinubukang kumawala ngunit dahil sa laki at tikas ng katawan n’ya ay para lang akong basahan na kayang-kaya n’yang ibalibag. “N-Nasasaktan ako,” napapikit ako nang mas dumiin ang pagkakasakal n’ya. “Hindi naman ikaw ‘yong basta na lang itinapon sa kalsada. Hindi ikaw ‘yong nilamok habang naghihintay na may magmalasakit at tulungan. Hindi… Ikaw… ‘Yon!” May kaunting nginig ang boses n’ya dahil sa malakas na pagsalita. I didn’t understand everything he was saying. Ngayon lang kami nagkita pero pakiramdam ko ay matagal na panahon n’yang kinimkim ang galit n’ya para ganito ako pagsalitaan. “I killed them,” he uttered. Sino? Napadilat ako at pilit inaaninagan ang kan’yang mukha. Nakakapanghina ang pananakal n’ya at nanlalabo na rin ang mga mata ko. Hindi ko na kayang kumawala pa kaya kusa nang bumagsak ang kamay ko. “I f*****g killed your parents because they were not worth their lives!” Sinong magulang ang tinutukoy ng lalaking ito? Buhay pa ang kinilala kong mga magulang. Isang marahan na paghawi sa aking buhok ang gumising sa akin, ngunit hindi roon natuon ang atensiyon ko. Nakapa ko ang aking mukha at naramdaman ang pamamasa. Nang maramdaman ng katabi ko ang paggalaw ko ay dinungaw ako nito at pinagkunutan ng noo nang mapansin ang pag-iyak ko. Hindi naman na ito ang unang beses na mahuhuli n’ya akong umiiyak. Palagi n’yang natitiyempuhan hanggang sa s’ya na ang magpatahan sa akin. “You are crying again,” he comforted me. “I know it’s been a year, but try to rest your mind, Astria,” he kissed my temple. I don’t want to move on. Hindi ko deserve ang maging masaya gaya ng sinabi ng kakambal ko. Hindi ko deserve ang magpahinga dahil wala ako sa sitwasyon n’ya no’ng s’ya ang sobrang nahirapan. “I can’t do that….” I quivered. “Maling gawin ko ‘yon. Hindi matatanggap ni Syn kung magpapahinga ako kahit isang araw o isang minuto.” “But he’s dead, Astria. You can do whatever you want, please,” he begged me. “He died because of me. Palaging ako na lang ang dahilan, eh. Hindi naman ‘yon mangyayari sa kan’ya kung hindi ko sinabi ang totoo. Sana pala hinayaan ko na lang na magtanim s’ya ng galit sa akin.” I heard him sigh. Alam kong pagod na rin s’yang intindihin pa ako dahil ganoon din ako sa sarili ko. Wala na akong magagawa pa sa buhay ko kundi isipin ang mga nangyari noon at punuin ng konsensya ang sarili. “I killed him! ” I grieved. “Kung hindi lang sana ako nabuhay ay hindi siya mamamatay. Kung ginamit ko lang sana ang utak ko ay hindi mamamatay ang kakambal ko. Ako lahat ang may kasalanan no’n.” Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni LG sa bewang ko. Umiiyak akong gumanti ng yakap sa kan’ya at sinubsob ang mukha sa matitipuno n’yang dibdib. Basang-basa na kaagad ang puting damit na suot n’ya dahil sa pagtangis ko. “Hindi mo ‘yon kasalanan. Huwag mong isipin ‘yan dahil alam kong hindi niya magugustuhan kung gan’yan ka mag-isip.” “Simula ng mawala siya sa buhay ko ay wala na akong karapatan na kalimutan ang mga nangyari, LG.” That is the saddest and most painful part of staying alive. Lulunurin ka ng nakaraan at mahihirapan nang umahon pa. Umaabot pa sa puntong gusto ko na silang sundan ngunit hindi ko rin naman deserve ang magpahinga ng pangmatagalan. “Natira ako para huwag makalimot sa mainit at masakit na kaniyang sinapit.” “No… Please, don’t say that hmm? You deserve everything because you are a strong woman. Hindi ito ang sisira sa ‘yo, Astria. Alam niya ‘yan, so, please!” he groaned. Pagod na akong makipagtalo pa kay LG. Tumahimik na lamang ako at hinayaan ang sarili na paulit-ulit isipin ang mga nangyari noon. Simula sa una hanggang sa pagwawakas ng kakambal ko. Inalala ko iyon lahat. Detalyado at wala akong iniwan na kahit ano’ng impormasiyon. “I can’t even look at my friend’s eyes. Nakakahiya dahil ang tagal n’yang hinanap ang kapatid ko at nang magtagumpay na s’ya ay tsaka naman naglahong bigla.” Death anniversary niya pero hindi man lang ako makadalaw sa kaniyang puntod. Sa huling punta ko roon dahil kaarawan ng kakambal ko ay hindi naging maganda ang sumunod na nangyari. Galit sa akin ang kaibigan ko at kahit anino ko ay ayaw na n’yang makita. Kahit sino naman siguro ay hindi ako gugustuhing makita gayong ako ang may dahilan kung bakit hindi na n'ya makakasama pang muli ang lalaking minamahal n'ya. "Sana ako na lang, LG. Hindi deserve ng kaibigan ko ang malugmok."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.0K
bc

Dangerous Spy

read
299.4K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

YOU'RE MINE

read
894.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook