Chapter One

4295 Words
Chapter One CHLOE "CHLOE, hindi ba gusto mong mamasukan bilang katulong? May alam ako," bungad sa akin ni Aling Tasing, na aming kapitbahay, na kasalukuyang naglalaba sa may poso habang ako ay papalapit sa gawi niya at bitbit ko ang dalawang balde na wala pang laman. "Ah opo sana Aling Tasing. Ang kaso po ay ayaw akong payagan ni inang," malungkot na tugon ko. Sa kabila nang kagustuhan kong makipagsapalaran ay ayaw ng aking mga magulang sa kadahilanang natatakot sila para sa aking kaligtasan. Baka kung ano raw ang maaaring mangyari sa akin dahil parang ibang mundo ang aking pupuntahan. "Wala naman silang dapat ipag-alala. Ayon kay Insyang na nagbalita sa akin, naghahanap daw ng katulong ang pamilya Villahermosa," tugon naman ni Aling Tasing. Nagulat ako pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Aling Tasing. Bukod sa mayaman ang pamilyang iyon ay kilala pa sila sa buong syudad dahil sa impluwensiya ng mga ito sa Siyudad Kalinga. Nasa kanila na ang lahat. "Si-sigurado po kayo? Naghahanap po ba talaga sila? Baka nama po biro-biro lang po iyan? Hindi po ba fake news po iyan?" Tanong ko na may halong tuwa. Minsan kasi ay pinangarap ko nang makapagtrabaho sa pamilyang iyon dahil mataas daw silang magbigay ng sahod. Syempre mayaman sila at kaya nilang magbigay ng malaking pera pero naaayon naman sa kung paano ka magtrabaho. Mukhang ito na ang susi sa aming kahirapan. Makakaahon na siguro kami sa hirap kung ako ay mapapabilang sa mga katulong ng mga Villahermoso. Biruin mo iyon, sasahod ka buwan-buwan ng trenta-mil. Napakalaking biyaya iyon sa akin at sa aming pamilya. Pero biro lang ha, hindi ko naman talaga alam kung magkano ang bigayan doon. "Oo nga ineng. Halos magsilayasan na raw ang kanilang mga katulong simula nang mamatay ang asawa ng Don nitong nakaraang buwan," paliwanag ng matanda. "Hah? Bakit daw po sila lumayas?" Takang tanong ko at sinimulan ko na nga ang pagkakarga ng tubig sa balde. "Lagi raw kasing mainit ang ulo ng Don. Siguro ay dahil hindi pa niya tanggap ang pagkawala ng kanyang asawa. Teka nga, hindi mo ba nabalitaan iyon?" "Hindi po. Hindi naman po kasi ako nagtutungo sa kabilang bayan. Hindi ko po nabalitaan ang mga iyan," tanging sagot ko. "Naku! Tamang-tama. Makakapamasyal ka na sa kabilang nayon kung ikaw ay makuha bilang isa sa mga katulong ng pamilyang iyon. Ayon din kay Insyang, umuwi raw ang anak ng Don. Yung nag-aral sa ibang bansa," "Ganoon po ba? Gusto ko po sana pe-pero paano po si inang at amang?" Malungkot na tugon ko. "Sige. Ganito na lang. Ako ay pupunta sa inyong bahay upang kausapin ang iyong mga magulang. Siguro naman ay papayag sila. Bukod pa sa wala kang pinagkakaabalan dito sa ating nayon, ay nasa tamang edad ka na. Alam mo na ang ginagawa mo," aniya. Natahimik ako sa kanyang sinabi. Tama si Aling Tasing. Nasa tamang edad na ako at malapit nang malaglag sa kalendaryo. Paano ako makakatulong sa mga gastusin sa bahay kung ako ay hindi maghahanap buhay? Papaano ko iaahon sa hirap ang pamilya namin kung nandito lang ako at naglalaba? "Huwag mo nang alalahanin ang inang at amang mo. Narito naman ang mga kapatid mo. Kung balak mo talagang maghanap ng pera ay tutulungan kitang kausapin sila. Tatawagin ko rin si Insyang upang siya ang magpaliwanag sa iyong mga magulang. Pagkatapos na pagkatapos kong maglaba," dugtong niya saka pa ito ngumiti. Ginantihan ko iyon ng isang buntong hininga saka ako pilit na ngumiti. NANG hapon ding iyon ay nagtungo nga sina Aling Tasing at Aling Insyang sa aming bahay upang kausapin si inang at amang. Sana nga ay mapapayag nila ang aking mga magulang. "Aba'y payagan niyo na si Chloe. Hindi niyo naman kailangang mag-alala dahil nga mababait naman ang pamilya Villahermoso. Matagal nang kasambahay doon ang pinsan ko at siya ang nagsabing naghahanap ng bagong katulong ang mga anak ng Don," paliwanag ni Aling Insyang. "Saka kumareng Mercy at kumpadre Ador sa kabilang nayon lang naman iyon. Kung bibigyan siya ng araw ng pahinga ay tiyak na makakauwi siya rito," singit ni Aling Tasing. Nakikinig lamang ako sa kanilang usapan habang ako ay naghuhugas ng mga kaldero sa kusina. Maliit lamang ang aming bahay kung kaya rinig na rinig ko ang kanilang pag-uusap. "Wala naman kaming magagawa kumare kung si Chloe na ang magdedesisyon. Tutal nasa tamang edad naman na siya. Hindi lang namin maiwasan ang mag-alala dahil nga hindi niya kilala ang mga taong pagsisilbihan niya," rinig kong sagot ni amang. May lungkot sa tono ng kanyang boses at ramdam ko ang kanilang pag-aalala. "Naku! Pinapangako ko sa iyo kumpadre. Magiging ligtas siya roon," ani Aling Insyang. "Chloe halika muna rito anak," tawag sa akin ni inang kung kaya nagmadali akong nagpunas ng aking kamay saka pumunta sa kinaroroonan nila. "Bakit po inang?" Tanong ko. "Ano anak? Gusto mo ba talagang mamasukan sa kabilang nayon bilang kasambahay? Kaya mo ba?" Bakas sa mata ng aking ina ang labis na pag-aalala kung kaya nilapitan ko sila saka ako umupo sa gitna nila ni amang. "Inang, amang, kayang-kaya ko po iyon. Huwag na po kayong mag-aalala. Aalagaan ko po ang sarili ko. Saka mainam na iyon para makapag-ipon na po tayo." "Ikaw ang bahala anak. Magsabi ka lang kung inaagrabyado ka nila at babawiin kita roon. Susunduin kita kaagad," wika ni amang kung kay kaagad ko siyang niyakap. "Pangako ko po na mag-iingat po ako. Mag-iipon po ako para may pambayad na po tayo sa mga utang natin. Pangako po na iaahon ko ang buhay natin," sambit ko saka ko hinawakan ang magkabilang kamay ng aking mga magulang. "Kung buhay pa ang iyong kuya ay hindi niya gugustuhing mamasukan ka bilang katulong sapagkat ang tanging nais niya ay magkaroon ka ng magandang buhay," malungkot na sabi ni inang. "Inang, kung may ibang option lang po ako, pero wala po eh. Alam ko kahit papaano ay matutuwa si kuya sa gagawin ko dahil makakatulong na ako sa inyo ng medyo malaki- laki. Hindi na tayo magtitiis sa maliit na kita ko sa paglalabada," sagot ko. "Sige anak. Kumareng Insyang, ikaw na ang bahala kay Chloe. Siguraduhin mo lang na ligtas siya roon upang kami ay hindi mag-alala ng husto," bilin ni inang. "Walang problema kumareng Mercy. Ako na ang magbabalita sa inyo ng lagay niya roon dahil may komunikasyon naman kami ng aking pinsan. At saka may telepono naman si Chloe, hindi ba?" "Meron po Aling Insyang," agad kong sagot. "Ganun naman pala eh. Tatawag na lang siya kay kumareng Insyang kung sakali," sabad naman ni Aling Tasing. "Kailan ba siya luluwas kumare? At nang makapaghanda man lang ako ng kanyang babauning pera," singit ni amang. "Bukas na kumpadre. Ako na ang maghahatid sa kanya roon." "O sige. May pera naman ako riyan. Iyon na ang gamitin mo anak habang hindi ka pa sumasahod," ani amang. "Amang huwag na po. Gastusin niyo na lang po rito. May ipon naman po ako. Iyon na lang po ang gagamitin ko." KINAGABIHAN nga ay naghanda na ako ng aking mga gamit. Interesado ako sa trabahong ito dahil ito na lang ang tanging paraan upang ako ay makatulong sa aking pamilya. Madami pa kaming mga utang na kailangang bayaran at malakilaki pa ang aming kailangan bago pa dumating ang nakatakdang araw upang mabayaran iyon. May natitira na lang kaming dalawang taon upang bayaran ang napakalaking halagang iyon kung kaya pagsisikapan ko ang trabahong aking papasukan. "MAG-IINGAT ka roon anak. Tawagan mo lang si kumareng Insyang kung may oras ka," bilin ni inang. "Opo inang. Kayo rin po. Mag-iingat din po kayo rito. Magpapadala po ako kaagad oras na sumahod ako," sagot ko saka ko siya niyakap. "Sige na po. Aalis na po kami at baka hindi po namin maabutan yung bus," paalam ko. Mangiyak-ngiyak na ako ngunit pinigilan kong lumabas ang aking mga luha. Ayaw kong makita ng mga magulang ko iyon. Kung kaya pasimple ko na lamang na kinagat ang aking ibabang labi sabay kuha sa aking bag na pinaglagyan ko ng aking mga gamit. Kaya kong makipagsapalaran para sa aking pamilya. Lahat ay gagawin ko upang sila ay maiahon sa hirap. HABANG aming binabaybay ang makitid na daan papunta sa Villa Aciga ay nakaramdam ako ng kaba. Paano nga kung hindi ako matanggap? Saan ako maghahanap ng trabaho? O di naman kaya, kapag natanggap ako, paano kung masyadong masungit ang mga anak ng Don? Anong gagawin ko? Diyos ko po. Tulungan niyo po sana ako. Baka matulad ako sa ibang mga nagkakatulong. Huwag naman sana. Lord ibigay niyo na po sa akin ito. "Chloe, okay ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo," tanong sa akin ni Aling Insyang. "Nagdadalawang isip ka ba? Sabihin mo lang. Pwede tayong bumalik," dugtong niya sabay hawak sa aking kamay. "Naku! Hindi po. Medyo kinakabahan lang po ako. Baka kasi sobrang susungit ng mga anak ng Don," sagot ko. "Hindi naman siguro. Ang tagal na ni Beth doon. Kaya lang nagsilayasan ang ibang mga katulong dahil wala na ang asawa ng Don at saka lang naman daw nagsungit ang Don dahil sa pagkawala nito." "Ganoon po ba? Sana nga po ay maging mabait siya ulit kung sakali." "Mabait naman daw talaga iyon. May pagkakataon lang daw na nagbabago ang ugali nito dahilan ng pagtanda na rin. Sisenta na yata iyon. Ewan ko ba." "Basta magpakabait ka lang doon at gawin mo ang kanyang iniuutos. Siguradong magtatagal ka roon," dugtong pa ni Aling Insyang. PAGKALIPAS ng mahaba- habang biyahe ay narating na namin ang Villa Aciga. "Woah! Aling Insyang! Ang ganda nga talaga ng mansion at sobrang laki," sambit ko nang makita ko ang mansion kung saan ako mag-aapply bilang isang katulong. Sobrang nagulat ako sa laki ng Mansion ng mga Villahermoso. Nakakalula. "Nasa labas pa lamang tayo. Ano pa kaya kapag nakapasok na tayo sa loob niyan, hindi ba? Siguradong malulula ka sa laki at lawak nito," nakangiting ani Aling Insyang. "Sandali at tatawagan ko na si Beth para salubungin tayo," dugtong niya sabay kapa ng kanyang cellphone sa loob ng kanyang kulay Brown na shoulder bag. Ilang minuto lang ang lumipas at lumabas nga sa malaki at mataas na gate ang isang babae na sa tingin ko ay kapareho ng edad ni Aling Insyang at nakasuot ito ng ternong pajama at polo na kulay Asul. Ito siguro ang uniporme ng mga katulong. "Pinsan, magandang umaga sa inyo. Siya na ba si Chloe?" Tanong kaagad nito. "Oo. Mabait ito at saka masipag," wika naman ni Aling Insyang. "Magandang araw po sa inyo," bati ko saka ako ngumiti. "Ang ganda-ganda mo naman hija. Ako nga pala si Beth. At ako ang head-maid dito sa mansion. Ikinagagalak kong makilala ka." Totoo ba? Ganito ba talaga kapag mansion? May head-maid? Sabagay, napanood ko nga pala sa TV. Nabobobo ka na naman Chloe. "Iiwan ko na siya sa iyo pinsan. Ikaw na ang bahala sa batang ito. Uuwi na ako dahil walang magbabantay doon sa tindahan ko," singit ni Aling Insyang. "Hindi ka na ba papasok sa loob? Ipapakilala kita kay Don Amorsolo at sa kanyang anak. Yung dalawa kasing anak ng Don ay umuwi sa kanikanilang bahay." "Naku! Huwag na. Marami rin kasi akong aasikasuhin sa bahay. Sige na. Chloe, magpakabait ka rito. Yung mga bilin ko sa iyo ha, lagi mo tatandaan ang mga iyon," sabi niya sabay hawak sa aking kamay. "Opo Aling Insyang. Maraming salamat po. Mag-iingat po kayo," sagot ko naman. "Halika na Chloe. Naghihintay na yung mga kasama mo," aya sa akin ni Aling Beth saka niya ako tinulungan sa aking mga gamit. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa malaking gate ay nalulula na ako sa sobrang lawak ng paligid. Sobrang ganda. Ang daming mga bulaklak. Para siyang isang palasyo. Mas lalo pa nang pumasok na kami sa mismong loob ng bahay. Gosh! Wala akong masabi. Ilan kaya ang mga katulong dito? Hindi naman kaya ng tatlo o apat lang na katulong ang linisin ang buong bahay na ito. Sa sobrang lawak at laki ba naman. Jusko. Ang sarap- sarap tumira rito. Pero infairness sobrang linis. Sobrang kintab pa ng tiles sa sahig. Ang lalaki rin ng mga larawan na nakasabit sa pader. Hindi ko pa matitigan ng husto dahil naiihi na ako. "Ah Aling Beth, nasaan po yung mga magiging kasama ko?" Tanong ko. "Naroon sila sa silid. Doon ko na lang muna sila pinaghintay kanina habang wala ka pa. Halika ka na," aya niya. "Ah pwede po bang maki- ihi muna?" "Sige. Diretsohin mo lang itong papuntang kusina tapos kumaliwa ka. Doon sa pinakadulong banyo ka pumasok. Sumunod ka na lang sa silid ha? Diretsohin mo lang ito mamaya at pumasok ka sa room sa kanan mo. Hihintayin kita doon," bilin niya kung kaya tumango ako bilang sagot. "Akin na iyang bitbit mo. Ako na ang magdadala," dugtong niya. "Ay salamat po Aling Bety." "Sige na. Magbanyo ka na at sumunod ka na lang mamaya." Kaagad naman akong naglakad patungo sa direksiyon na kanyang sinabi. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mamangha sa mga disenyong nasa loob ng mansion. Halatang mamahalin ang mga iyon. Nakakatakot hawakan. "Ilan kaya silang nakatira rito? Nagkikita- kita pa ba ang mga tao rito? Ang lawak kasi. Parang maliligaw ako rito," bulong ko sa sarili ko. Pagpasok ko sa kusina ay namangha na naman ako dahil mas malaki pa ang area na ito kaysa sa aming bahay. "Hay naku Chloe! Bilisan mo na nga!" wika ko. Para na akong tang* na kausap ang aking sarili. Iba nga talaga kapag mayaman. Nabibili ang mga gusto. Balang araw mabibili ko rin lahat ng gusto ko at gusto ng pamilya ko. "Saan na nga ba ako papasok? Unang banyo ba o dulo?" Tanong ko mismo sa sarili ko sabay kamot ng aking sentido. Anu ba naman iyan Chloe. Tsk! Nakalimutan ko na yung sinabi ni Aling Bety dahil sa paggala ng aking mga mata sa loob ng bahay na ito. Bahala na. Wala naman sigurong tao rito. Pinihit ko ang door knob ng unang banyo saka ko itinulak upang mabuksan ng tuluyan ang pinto nito dahil anumang oras ay puputok na ang bulkan. Ng biglang. . . "WHAT THE F*CK! WHO ARE YOU? CAN YOU PLEASE GO OUT AND CLOSE THE DOOR! STUPID!" sigaw ng isang lalaking matangkad. Na- estatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang gulat. Shocks! Nang marealize ng isip ko ang nasaksihan ko ay kaagad akong lumabas at kabadong isinara ang pinto ng banyo. "So- sorry po!" Sigaw ko. Juice colored! Ano ba itong napasok ko? Nagkakasala na po ba ako? Hindi ko naman sinasadya. Dali- dali akong pumasok sa kabilang banyo saka ko pinindot ang door knob upang i-lock iyon. Iihi-ihi kasi nang hindi naglolock ng pinto. Kasalanan ko ba iyon? Buti na lang nakatalikod siya dahil kung hindi ay malamang nakita ko na ang itinatago niyang ahas. Jusko! Hindi nga ahas na nangangagat, baka naman tuklawin ako. Huwag naman sana. Ang lakas nang t***k ng aking puso. Pero sino ba iyon? Miyembro ba siya ng pamilya Villahermoso? And wait, tinawag niya ba akong stupid? Grabe naman siya. Hindi naman ako ganun katanga. Malay ko ba na may umiihi? Diba? Hindi ko naman kasi alam. Hay naku! Pero wait.... O my gosh! Baka siya yung anak ng Don na sinasabi ni Aling Tasing na nag-aral sa ibang bansa? Siya ba iyon? Paano kung siya nga? Gosh! Patay ka Chloe! Paano kung hindi na ako tanggapin dito sa mansion? Saan pa ako maghahanap ng trabaho? Chloe kasi! Hindi man lang kumakatok! ZOREN NAIINIP na ako rito sa bahay at kanina ko pa gustong uminom ng alak. Kanina ko pa gustong lumabas ng bahay kaso nakikiusap sa akin si Papa na huwag daw muna dahil mayroon daw kaming pag-uusapan. Bilang respeto ay sinunod ko na lamang siya at inabala ang aking sarili sa panonood ng telebisyon sa aming sala. Maya-maya nga ay tumunog ang aking cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Hello Christof, what's up?" Tanong ko kaagad pagkasagot ko ng tawag. Si Christof ay kababata ko na naging bestfriend ko na rin noong ako ay nandito pa lamang sa Pilipinas. Anak siya ng pinsan ni Mama kaya naman malapit kami sa isa't- isa. Marami pa akong mga kaibigan dito noong bata pa lamang ako kaso nga lang hindi ko na alam kung nasaan na sila dahil may kanya- kanya naman na kaming buhay. "Hey Zo, how's life?" Balik niyang tanong. "Ahm okay lang naman. Nagrerecover pa rin sa pagkawala ni Mama. Ikaw kamusta?" "Heto ayos naman. Pasensya ka na nga pala bro at hindi ako nakapunta sa libing ni Tita." Hindi siya nakadalo sa libing ni Mama dahil nasa Canada siya nung mga panahong iyon at ngayon ay kararating niya lang ng bansa. "Ano ka ba! Ayos lang yun. Naiintindihan ko naman eh. Dumalo naman si Tita kaya okay lang. Kahit naman malayo ka, ramdam ko ang pakikiramay mo." "Hey, huwag ka na ngang magdrama diyan. Anyway, ano nga pa lang ginagawa mo sa mansion ngayon?" Pag-iiba niya ng usapan. "Wala. Gusto ko na ngang lumabas eh kaso ayaw naman akong payagan ni Papa. Marami daw kaming pag-uusapan. Shot na shot na ako tol," saad ko sabay tawa. "Gag*! Akala ko ba hindi ka na umiinom ng alak?" Takang tanong niya. "Umiinom pa rin naman kaso konti- konti na lang. Mas nakakastress kapag nagpakalasing. Hindi na ako umaabot sa puntong halos hindi na ako makatayo dahil sa kalasingan." "Naku! Good boy na nga ang Zoren. Eh babae ba, ayaw mo na rin?" Pabirong tanong niya at rinig ko pa ang kanyang tawa sa kabilang linya. "Namo! Alam mo namang dahil sa babae, nalulong ako sa alak. Ayoko ng maulit yun. Baka hindi na ako magising kinabukasan." Oo, I was broken hearted before nung nasa abroad pa ako. Well, babalik pa naman ako doon pero gusto ko munang magpahinga dito sa Pilipinas. Nagbreak kami nung last girlfriend ko sa kadahilanang she cheated on me. I never cheated in our relationship sa loob ng apat na taon pero nahuli ko siya. May kahalikan sa sarili niyang apartment. Siya si Hannah, isang Veterinarian din, pure Filipina, maganda at sexy pero hindi naging loyal sa akin. Basta, iyon na yun. Ibahin na lang natin ang usapan. Ayaw ko ng balik- balikan ang nakaraan. "T*nga! Para nga makalimutan mo na ng tuluyan yung Hannah na yun. Ang dami- daming babae sa paligid. Ano G ka ba? Bar na lang tayo mamayang gabi?" Ani Christof. "Alam mo ikaw, pasimuno ka talaga. Mamaya niyan ako ang awayin ng asawa mo dahil sa kalokohan mo." "Hep! Hep! For your information, hindi ko niloloko ang asawa ko. Iinom lang naman tayo sa bar. May alam akong malapit lang sa bahay." "Ano G?" Tanong niya ulit. Dahil gusto ko na ring lumabas ay napapayag ako ni Christof. Nabobored na kasi ako dito sa bahay at gusto ko namang magliwaliw. "Sige na. Daanan na lang kita diyan sa bahay niyo. Mga 7 o' clock," saad ko. "Let's gooooo!" Sigaw pa niya kung kaya nailayo ko sa tenga ko ang aking cellphone. Pagkatapos nga naming mag-usap ni Christof ay saka naman ako tinawag para kumain. "Señorito Zoren, nakahanda na po ang inyong almusal," wika ng isa sa aming mga kasambahay. "Sige manang. Susunod na ako," tanging sagot ko saka pinatay ang TV. Nagtungo ako kaagad sa kusina dahil nagugutom na rin ako dahil hindi rin ako kumain ng maayos kagabi. Alas nuwebe na rin pala ng umaga at hindi pa ako kumakain ng almusal. "Si Papa ba hindi pa kakain?" Tanong ko kay Manang Cyntia, ang aming tagapagluto dito sa mansion. "Susunod na lang daw po siya señorito. May inaasikaso raw po sandali," sagot naman niya. Habang naglalakad ako papuntang kusina ay natanaw ko ang dalawang bagong mukha na kinakausap ng isa pa naming kasambahay. "Manang, sino yung dalawang babaeng dumating?" Tanong ko habang nagsasandok ako ng kanin. "Yung mag-aapply po bilang kasambahay. Hinihintay lang po ni Manang Beth yung isa. Paparating na rin po iyon." "Ibig sabihin ba may hahabol pa?" "Opo señorito. Kapalit po ng mga tatlong umalis." "Ah okay ganun po ba. Sige Manang Cyntia. Iwan mo na ako rito. Ako na ang bahala. Kaya ko naman na," utos ko. Nasanay na rin kasi akong kumain ng mag-isa noong nasa US pa ako kaya hindi naman nila ako kailangang pagsilbihan. Work bahay, work bahay lang ang ginagawa ko noon lalo na noong nakipaghiwalay na ako sa ex- girlfriend ko. Pagkatapos ko ngang kumain ay nagligpit na rin ako ng aking pinagkainan at inilagay sa lababo. "Ay naku señorito, ako na ho iyan." Pagpigil sa akin ni Manang Cynthia nang akmang kukunin ko na ang mga kubyertos na naiwan pa sa mesa. "Ayos lang ho Manang. Maliit na bagay lang po ito. Kaya ko naman." "Naku Señorito, trabaho ko po iyan. Baka ako ay mapagalitan ng inyong ama kapag kayo ay nakita niyang ginagawa ito," aniya sabay kuha sa mga kubyertos. Napangiti na lang ako sa ikinilos ni Manang Cynthia dahil halatang nataranta siya. Ayos lang naman sa akin na gawin ang mga iyon. Maliit man na bagay ngunit makakatulong sa kanila. "Sige po Manang. Salamat po," tanging sagot ko saka ako naglakad patungo sa likod ng mansion upang magpahangin. Paglabas nga ng kusina ay kita agad ang mga halaman, gulay at prutas na nakatanim sa hardin sa likod ng aming bahay kaya naman naglakad- lakad ako patungo sa kinaroroonan ng mga tanim. Ilang taon din akong hindi nakauwi. Ilang taon na rin akong hindi nakakapamasyal sa mga bundok dito sa Siyudad Kalinga. Ilang taon ko ring hindi nasilayan ang ganda ng aming syudad. Nakakamis umakyat ng bundok at maligo sa mga ilog. Kailan kaya ako makakapamundok ulit? Sa susunod na lang siguro. "Señorito may kailangan po ba kayo?" Tanong ni Mang Bensio, ang aming hardinero. "Wala naman ho Mang Bensio. Nagpapahangin lang ako dahil kakatapos ko lang kumain. Masarap kasi lumanghap ng sariwang hangin kapag ganitong nagpapababa ng kinain," nakangiting sagot ko. "Ay opo Señorito lalo na kapag pinagmamasdan ang mga tanim habang sila ay kasalukuyang namumunga," saad naman ni amang Bensio habang siya ay nakangiti. "Sinabi mo pa Mang Bensio. Iba talaga kapag marunong mag-alaga ng mga tanim ang mga tao," sabay pitas ng isang pirasong Ubas. "Naku, hugasan niyo po muna iyan Señorito baka ho sumakit ang tiyan ninyo," pag-aalalang ani Mang Bensio na nakapagpangiti sa akin. "Ayos lang ho iyon. Huwag ho kayong mag- alala," nakangiti ko namang tugon. "Sige po. Maiwan ko po muna kayo rito. Itutuloy ko na po ang ginagawa ko," paalam niya kaya naman tumango na lang ako bilang sagot. Ilang sandali lang ang lumipas pagkatapos kong magpahangin ay napagpasyahan kong bumalik sa kusina at naglakad patungo sa banyo dahil nga ihing-ihi na ako. Nasa kalagitnaan ako ng pag-ihi nang may marinig akong boses ng isang babae na nasa labas at nagulat ako ng maramdaman kong bumukas ang pinto ng banyo. Tang-*na! Hindi pa ako tapos. Umurong tuloy yung ihi ko. Konyat ang abot nito sa akin kapag nagkasakit ako sa bato. Hindi kasi marunong kumatok. Kaya naman sinigawan ko siya kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Siguro yung mga bagong kasambahay iyon. "So- sorry po!" rinig kong sigaw niya. Nang matapos ako sa pag-ihi ay naghugas na ako ng aking kamay saka kaagad na akong lumabas ng banyo. Buti na lang at nakatalikod ako dahil kung hindi ay nakita na niya ang mabangis kong alaga. Tsk. Tumutuka pa naman ito lalo na kung tipo niya ang isang babae. Walang nakakaligtas sa bangis nito. Matagal ko na rin itong hindi nagagamit. Makalabas nga mamayang gabi. "Ay sir nariyan po pala kayo," bungad sa akin ni Manang Bety. Siya lang ang kasambahay namin na tumagal sa aming pamilya at siya lang ang tumatawag sa akin ng sir. Masyado kasing pormal ang señorito at saka hindi na bagay sa akin iyon kaya minsan sinasabihan ko siyang pagsabihan niya yung iba. "Ah Manang, kayo po ba yung pumasok sa banyo?" Tanong ko kahit alam ko namang hindi siya iyon. "Hi-hindi po sir. Kararating ko lang po," sagot niya. "Eh sino yung babaeng nagsasalita kanina rito?" "Ah baka po yung papasok bilang katulong sir. Nakigamit kasi ng banyo. Ano po ba ang ginawa niya?" "Wa-wala naman Manang. Narinig ko lang siyang nagsasalita kanina," sagot ko saka ako naglakad paalis ng kusina. Nadatnan ko naman si Papa at ang aming nga katulong na nasa sala kasama ang dalawa pang babae. Parehas silang morena, maganda ang mukha at may katabaan ang hubog ng kanilang katawan. "Magandang araw po señorito," bati nilang dalawa. Ngumiti naman ako bilang sagot. Nang akmang maglalakad na ako papunta sa hagdan ay nagsalita si Papa. "Hijo, dumito ka na muna sandali. Samahan mo muna akong tanggapin sa pamamahay na ito ang bago nating mga kasambahay. I- welcome mo naman sila," ani papa. Hindi na ako umimik at umupo na lamang ako sa bakanteng upuan na nasa kanyang tabi saka ko kinalikot ang aking cellphone. "Nasaan na si Manang Bety?" Tanong ni Papa. "Nasa kusina po Don Amorsolo. Tinawag po yung isang bagong kasambahay. Nakigamit daw po kasi ng banyo," sagot ni Manang Cyntia. "Don narito na po siya. Pwede na po tayong magsimula," singit naman ni Manang Bety. "Magandang araw po," bati ng isang pamilyar na boses kung kaya ay napatigil ako sa aking ginagawa. Kaagad akong napalingon sa nagsalita ngunit siya ay nakayuko lamang kung kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. "Magandang araw rin sa inyong lahat. Maupo kayo," utos ng aking ama. "Magpakilala na muna kayo," utos naman ni Manang Bety sa mga bagong kasambahay. "Ah a-ako nga po pala si Chloe Diza. Ma-magandang umaga po sa inyo mga sir," pagpapakilala niya. "Ikaw nga iyon," sabad ko kung kaya napatingin silang lahat sa akin. "So-sorry po señorito." End of Chapter One
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD