Chapter Two
ZOREN
"SO-SORRY po Señorito," aniya habang siya ay nakayuko.
Lahat naman ng mga kasama namin sa sala ay sabay-sabay tumingin sa kanya na may halong pagtataka.
"Ah bakit ka nagsosorry hija?" Sabad ng aking ama.
"Ah wa-wala Pa. May nalaglag lang siya kanina sa kusina at nagkataon naman na papunta ako doon," agad kong sagot habang nakatingin pa rin sa babae dahil tiyak na mahihiya itong bagong kasambahay namin kung sabihin ko ang totoong nangyari.
Maganda ang hubog ng katawan ng babaeng ito at maganda rin ang kanyang kulay. Hindi kaputian at hindi rin maitim. Morena.
"Ah sige sige. Akala ko naman kung ano na ang nangyari. Welcome sa aming bahay Ms. Chloe Diza," nakangiting ani Papa habang nakatingin sa babaeng nakayuko.
"Salamat po Sir," aniya at habang nakatingin sa gawi ni Papa.
Napatitig naman ako sa kanyang mukha at ang masasabi ko lang ay "Wow". Ang lakas ng dating niya sa akin. Simple lang siya ngunit ang ganda niya ay nakakaakit. T*ng- ina! Bakit naman ganito.
Biglang nagtama ang paningin naming dalawa ng isang segundo at kaagad niya rin itong ibinaling dahil siguro siya ay nahihiya.
Yari to sa akin. Tsk.
Sunod namang nagpakilala ang dalawa pang bagong kasambahay ngunit hindi ko matanggal ang tingin ko kay Chloe.
Lilinawin ko lang. Hindi ako many*kis ngunit iba lang talaga ang dating sa akin ni Chloe.
"I believe that's all for today. Pwede na kayong magsimulang magtrabaho. Si Manang Bety na lang ang kausapin niyo kung may gusto pa kayong itanong." Pagtatapos ni Papa sa pag-uusap na naganap.
"Maraming salamat po Don Amorsolo," sabay- sabay nilang sagot.
Saka ko lamang naalis ang tingin ko kay Chloe nang biglang tumawag si Cristof.
"Ano na naman ba ang kailangan mo?" Pabirong tanong ko.
"Tol, daanan kita mamayang alas singko. Maaga na lang tayong pupunta para makauwi kaagad. Alam mo na," sagot niya.
Pagtingin ko sa oras ay mag-aalas dose pa lang kaya marami pa akong oras para magpahinga.
"Anong alam ko na?" Takang tanong ko.
"Curfew," aniya sabay tawa.
"Ah okay. Mabuti yan. Under de saya ka pala sa asawa mo," sagot ko naman saka ako tumawa.
Binigyan siguro siya ng misis niya ng oras para mag-inom. Buti na lang wala pa akong asawa kaya puwede kong gawin lahat.
"Hoy g*go! Hindi ako nagpapa- under no. Sumusunod lang ako para walang away. Palibhasa wala kang asawa!"
"Wala pa. Malay mo naman magkakaroon na," pagbibiro ko.
"Oh siya sige na. Lalabas muna kami ni Misis baka sakaling magbago ang isip niya at payagan akong hanggang magdamag na uminom."
"Mukha mo! Huwag ka na sana payagan," sagot ko sabay patay ng kanyang tawag.
Paglingon ko sa paligid ko ay wala na ang mga kasama ko sa sala.
Luminga- linga pa ako ngunit ni isang tao ay wala na akong makita. Abala na ang lahat sa kani- kanilang gawain kaya naman napagpasyahan kong umakyat na lamang sa aking kwarto upang i- check ang lahat ng puwedeng i- check sa social media at mga emails ko.
Kahit nasa bakasyon ako ay kailangan ko pa rin magcheck dahil baka nagmemessage na sa akin ang aking mga fur parents sa U.S.
Pagkalagpas ko sa unang kwarto sa 2nd floor nitong bahay ay may naririnig naman akong boses na tila may kausap dahil bahagyang nakabukas ang pinto nito.
"Ito ang guest room. Sa kabilang kwarto naman ay ang silid ni Señorito Zoren," saad ng pamilyar na boses at alam kong si Manang Beth iyon kaya dumiretso lang ako ng lakad.
"At araw- araw mong lilinisin ang silid na ito at ang silid ni Señorito Zoren," dagdag na bilin ni Manang Beth sa kanyang kasama.
"Pooooo!?" Malakas na tugon naman ng kausap niya na dahilan upang matigil ako sa paglalakad patungo sa aking silid.
Napataas ang aking kilay nang marinig ko iyon na tila ba sobrang nagulat ang kausap ni Manang Beth sa ibinilin nito.
"Bakit Chloe? Ayaw mo ba?"
Nagulat ako sa sinabing iyon ni Manang Beth. Si Chloe pala ang kausap nito. At teka, bakit ayaw niyang linisin araw- araw ang aking kwarto? Mmmm. Mukhang maganda ang naisip ni Manang Beth.
Napagpasyahan kong sumandal muna sa may pader malapit sa pinto ng guest room at nakikinig sa kanilang usapan.
Mukhang magiging exciting ito ah.
"Hi- hindi naman po sa ganun Aling Beth. N- nahihiya po kasi ako kay Señorito Zoren," malambing na sagot ni Chloe.
Bakit naman siya mahihiya sa akin? Wala pa naman akong ginagawang masama ah. Take note, WALA PA. (Ev*l smile)
"Mabait naman iyon. Mukhang seryoso lang siyang tingnan ngunit palabiro rin iyon. Naku, kilala ko ang batang iyon dahil sa tagal ko na rito," ani Manang Beth.
"Oo nga po eh. Nahihiya at natatakot po ako sa kanya. Parang ang sungit- sungit niya po kasi."
Natawa ako sa sinagot ni Chloe. Paano ba ang histura ng aking mukha? Ganun na ba ako kaserious tingnan?
"Pero kahit mukha siyang masungit, ang pogi po niya," dagdag niya sabay hagikgik.
Nagbigay naman ng ngiti sa aking mga labi ang sinambit niyang iyon.
Bigla na lamang akong napailing habang nakangiti pa rin.
Yari ka na naman Zo!
"Ay shut*ng in* palaka! Se-señorito! Nandiyan po pala kayo," gulat na ani Chloe.
Maski ako ay nagulat din dahil hindi ko napansin na nakalabas na pala siya.
Dahil hindi ko alam ang aking isasagot at dahan- dahan akong humarap sa kanya.
Magkahawak ang kanyang dalawang kamay at siya ay nakayuko na tila ba kinakabahan.
"A- ano pong ginagawa niyo diyan?" Tanong niya habang nakayuko pa rin.
Anak ng Tet*ng naman! Hindi ko tuloy makita ng malapitan ang kanyang mukha.
"Ah wa- wala. Nagmumuni- muni lang ako." Sagot ko.
Nak ng putcha! Bakit ba ako nauutal!
Anyway, hindi ko maman kailangang magpaliwanag kaya naman nakaisip ako ng kalokohan.
"Totoo ba yung narinig ko na napopogian ka sa akin?" Nakangiting tanong ko habang ang dalawa kong kamay ay nasa aking bewang.
"Poooo?!" Gulat na sagot niya kung kaya napatingin siya sa akin.
Put*ng- ina! Mas lalo siyang gumaganda kapag malapitan pero hindi ako magpapaloko sa angkin niyang kagandahan.
"Pa- pa- paano? Ba- Bakit niyo po natanong?"
At iyon na nga, nagkanda- utal- utal na nga siya dahil sa aking tanong. Isang tanong palang iyon pero parang gusto na niyang magpakain sa lupa.
Huli!
"Narinig ko lang naman na nasabi mo kay Manang Beth. So is it true?" Nakangiti kong tanong habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Te- teka lang ho señorito. Ba- bakit ho kayo nakikinig sa usapan ng may usapan?" Aniya na animo'y galit ang histura.
Gusto ko iyan. Yung medyo matapang.
"I didn't mean to listen naman sa pinag- uusapan niyo. Kasalanan ko bang nakabukas ang pinto?"
"Eh di sana po pumasok na kayo sa silid niyo at hindi na nakinig pa sa usapan namin," inis na litanya ni Chloe.
"O bakit ka nagagalit? Baka nakakalimutan mong nandito ka sa bahay namin."
Wala naman akong balak na ipatanggal siya. Gusto ko lang siyang pagtripan.
"So- sorry po Señorito," aniya sa pinakamahinhin niyang boses.
"Bumawi ka na lang sa akin. Ipagtimpla mo ako ng Orange Juice at dalhin mo sa kwarto ko. Ngayon na!"
"O- opo Sir."
CHLOE
LABIS ang kabang naramdaman ko habang kami ay nasa sala. Parang gusto ko nang magpalamon sa lupa pero mabuti na lamang at hindi sinabi ni Sir Zoren ang totoong nangyari.
Juice colored! Ano ba namang nangyayari sa akin.
Wala akong naintindihan sa mga sinabi ni Don Amorsolo dahil naiilang ako kay Sir Zoren. Idagdag mo pa na ilang beses ko siyang nakitang nakatitig sa akin at ako ang kusang bumabaling ng tingin.
Napakalagkit ng kanyang titig. Tila ba gusto niya akong hubaran pero hindi naman kasi siya mukhang manyakis sadyang seryoso lang ang kanyang mukha, pero hindi pa rin ako sigurado doon. Hayss.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay nagsimula na nga kaming magtrabaho.
"Chloe, halika sa taas. Ituturo ko sa 'yo ang mga silid doon," sabi ni Manang Beth.
Kaagad naman akong tumugon sa kanyang sinabi.
Hanggang ngayon ay manghang- mangha pa rin ako sa mansion na ito.
"Manang Beth hindi po ba kayo naliligaw dito sa mansion?" Seryosong tanong ko habang paakyat kami sa hagdan.
"Hindi naman. Noong una medyo nakakalito pa pero ngayon at ilang taon na ako rito, sanay na ako sa pasikot- sikot ng bahay na ito." Agad niyang sagot saka ngumiti.
"Oo nga po eh pero mukhang maliligaw pa po ako rito," sabi ko habang nililibot ng mata ko ang mga litrato at disenyo na nakadikit sa dingding ng bahay.
Nang mabuksan ni Manang Beth ang pinto ng unang kwarto malapit sa hagdan ay kaagad na rin kaming pumasok sa loob nito.
Ang lawak ng silid at talaga namang nakakamangha. Parang mas malaki pa ito kaysa sa buong bahay namin.
Pagpasok sa silid ay bubungad sa inyong mga mata ang napakalaking painting ng sari- saring bulaklak na nakasabit sa dingding. Mayroon din itong napakalaking kama at sa tabi nito ay isang mesa at mayroon din malaking TV na nakasabit sa dingding sa harap ng kama.
Napakalaki rin ng banyo nito. Mayroon itong bathtub, shower room, toilet bowl at salamin.
"Kaninong kwarto po ito Manang Beth?"
"Ito ang guest room. Sa kabilang kwarto naman ay ang silid ni Señorito Zoren," aniya habang pinapagpag ang unan sa kama.
"At araw- araw mong lilinisin ang silid na ito at ang silid ni Señorito Zoren," dagdag niya.
"Poooooo?!"
"Bakit Chloe? Ayaw mo ba?"
Narealize kong para akong nagrereklamo sa sagot ko. Unang araw ko pa lang dito.
Sa dinami- dami ba naman ng kwartong lilinisin ko araw- araw ay kwarto pa ni Sir Zoren. Nakakahiya.
"Hi- hindi naman po sa ganun Aling Beth. N- nahihiya po kasi ako kay Señorito Zoren," nahihiyang tugon ko.
"Mabait naman iyon. Mukhang seryoso lang siyang tingnan ngunit palabiro rin iyon. Naku, kilala ko ang batang iyon dahil sa tagal ko na rito," ani Manang Beth.
"Oo nga po eh. Nahihiya at natatakot po ako sa kanya. Parang ang sungit- sungit niya po kasi."
"Pero kahit mukha siyang masungit, ang pogi po niya," dagdag ko.
Gwapo naman talaga siya. Kahit sinong babae naman ay mapopogian sa kanya. Matipuno ang katawan, may bigote pero nashave tapos ang tangos ng ilong at ang pula ng labi, idagdag mo pa yung kanyang height.
Shutaaaa! Hindi tayo lalandi for today's bidyow. Magtatrabaho ang ipinunta ko rito hindi paglalandi.
"Ikaw talagang bata ka. Pakikuha mo na nga yung walis doon sa baba at nalimutan kong bitbitin," natatawang utos sa akin ni Manang Beth.
Ako naman ay nakangiting lumabas ng kwarto at isinara ko kaagad ang pinto.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko si Sir Zoren na nakasandal sa pader at pangiti- ngiti.
Sa gulat ko ay napamura pa tuloy ako. Sorry po.
Tinanong ko kung anong ginagawa niya roon at ang sagot niya ay nagmumuni- muni lang daw siya.
Sa lahat ng pwede niyang tambayan sa kanilang mansion, bakit dito pa sa pader?
"Totoo ba yung narinig ko na napopogian ka sa akin?" Nakangiting tanong niya habang ang dalawa niyang kamay ay nasa kanyang bewang.
"Poooooo?!" Gulat na sagot ko.
Talagang nakinig siya sa usapan namin ni Manang Beth. May pagkachismoso rin pala itong lalaking 'to.
"Narinig ko lang naman na nasabi mo kay Manang Beth. So is it true?" Nakangiti niyang tanong habang nakatingin sa akin.
Nakakailang.
"Te- teka lang ho señorito. Ba- bakit ho kayo nakikinig sa usapan ng may usapan?"
Medyo pinipigilan ko pa ang sarili kong mainis dahil amo ko siya.
"I didn't mean to listen naman sa pinag- uusapan niyo. Kasalanan ko bang nakabukas ang pinto?"
"Eh di sana po pumasok na kayo sa silid niyo at hindi na nakinig pa sa usapan namin," inis na sagot ko.
Halata naman kasing nang- aasar lang siya eh. Eh ano ngayon kung sinabi kong pogi siya? Ano pa ba ang kailangan niyang marinig?
Hay naku! Unang araw ng trabaho ko, mukhang mapapalayas ako ng maaga.
Halata nga sa boses ko na naiinis na ako kung kaya nang sabihin niyang baka raw nalilimutan kong nandito ako sa pamamahay nila ay kaagad na akong humingi ng tawad.
Mabilis pa naman akong mairita lalo na sa mga lalaki.
"Bumawi ka na lang sa akin. Ipagtimpla mo ako ng Orange Juice at dalhin mo sa kwarto ko. Ngayon na!" Utos niya kaya naman sa taranta ko ay bumaba na ako kaagad.
Juice colored! Galit na ba siya? Palalayasin na kaya niya ako? Paano na kami makakabayad ng utang?
Mangiyak- ngiyak na ako sa kaba dahil baka tuluyan na nga akong palayasin.
"Oh Chloe, ayos ka lang? Anong nangyari sa 'yo?" Nag- aalalang tanong ni Manang Cynthia nang makarating ako sa kusina.
"Ah a-ayos lang ho ako. Inutusan po ako ni Sir Zoren na ipagtimpla ko raw po siya ng Orange Juice." Agad namang sagot ko sabay kuha ng basong babasagin.
"Sigurado ka ba? Bakit parang nakasimangot ka naman hija?"
"Hindi po. Ayos lang po talaga ako," muling sagot ko. Ayaw ko nang malaman nila ang nangyari.
"O siya sige. Sabi mo iyan eh. Siya nga pala, ang gustong juice ni Señorito Zoren ay yung natural. May mga prutas na Orange diyan sa ref, magpiga ka ng tatlong piraso gamit ang fruit juicer at saka huwag mong lalagyan ng asukal. Lagyan mo rin ng limang pirasong maliliit na yelo," bilin ni Manang Cynthia.
"Sige po Manang," magalang kong sagot.
Pwede namang instant juice ang inumin, bakit kailangan magpiga pa ng prutas. Napakaarte naman ng lalaking iyon.
Sinunod ko na nga ang bilin ni Manang Cynthia at pagkatapos ay dinala ko na sa itaas.
Pagkarating ko sa may pinto ng kwarto ni Señorito Zoren ay sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Para akong aatakihin.
"Chloe, magpokus lang sa trabaho. Inhale, exhale."
Para na akong tangang kinakausap ang aking sarili na animo'y sobrang nababaliw na dahil sa kaba.
Habang hawak ng kaliwang kamay ko ang pinatimplang juice ni Sir Zoren ay kumatok naman ako ng tatlong beses sa kanyang pinto.
Sampung segundo na ang nakalilipas mula nang kumatok ako ay hindi pa rin nagbubukas ang pinto kaya naman sinubukan ko ulit.
Ngunit sa pangalawang pagkatok ko ay bumukas na ito at narinig kong nagsalita siya.
"Pasok." Aniya habang papalayo sa pinto.
Teka, bakit hindi pa niya inabot itong lanyang juice? Hays, napakaarte talaga. Akala mo kung sinong pogi. Ay pogi pala talaga.
Nang marinig ko ang salita niyang iyon ay kaagad na akong pumasok sa loob ng kanyang silid at nakita ko siyang naka-upo sa harap ng kanyang computer at nakalagay sa kanyang ulo ang headphones na kulay itim.
Tila napakadami niyang ginagawa eh f*******: naman ang nakaopen sa computer nito.
"Sir, ito na po yung pinatimpla niyong juice," saad ko pagkalapag ko ng baso sa isang mesang malapit sa kinauupuan niya.
Bakit wala siyang sagot?
Hindi niya ba ako naririnig?
Ay Chloe naman, napakab*bo mo. Malamang hindi ma maririnig dahil nakasuot siya ng headphones. Kahit pa siguro magsisisigaw ako sa kanyang silid.
"Sir yung juice po na pinatimpla niyo!" Medyo malakas na sabi ko ngunit wala pa rin siyang kibo.
"Bahala ka na nga. Kung ayaw mong inumin, eh di huwag. Manigas ka sana diyan sa kinauupuan mo. Gwapo ka pa naman kaso nga lang bingi ka at napakaarte mo. Napakasungit mo rin tapos mayabang. Hindi naman ikaw ang magpapasahod sa akin. Hmp," Mahinang litanya ko. Sure naman akong hindi niya ako naririnig eh kahit magsalita ako ng masama.
Sa inis ko dahil hindi naman niya ako pinapansin ay lumabas na ako ng silid.
Bumaba na ulit ako dahil kukuha pa ako ng walis at dustpan dahil naalala kong inutusan din pala ako ni Manang Beth. Nawala lang sa isip ko dahil inuna ko ang utos ni Señorito Zoren na ubod ng arte.
"Chloe, pinatatawag ka ni Señorito Zoren," tarantang ani Manang Cynthia pagkarating ko ng kusina para kunin ang walis at dustpan.
"Po? Kagagaling ko lang po doon sa kwarto niya. Hinatid ko po yung juice na request niya."
"Bakit daw po?" Takang tanong ko.
"Ay hindi ko alam. Tumawag dito sa kitchen at hinahanap ka. Medyo galit ang kanyang boses."
"Ano hoooo??!"
ZOREN
PAGKAPASOK ko sa aking silid ay agad ko nang binuksan ang aking Personal Computer at nagsimulang magcheck ng email and other messages.
Sinuot ko na rin ang aking headphones para makinig ng musika. Mahilig sin kasi ako sa mga kantang OPM.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarinig ako ng katok sa pinto ng aking silid dahil sakto namang natapos ang pinapakinggan kong music.
Tumayo ako kaagad at saka binuksan ang pinto at muling bumalik sa harap ng aking computer at muling isinuot ang aking headphones at binuksan ang f*******: account ko.
Tamang scroll lang pampalipas oras.
Si Chloe pala iyon at dala ang juice na aking pinatimpla.
"Sir, ito na po yung juice na pinatimpla niyo," aniya at mula sa aking peripheral view ay nilapag niya iyon sa mesang malapit din sa akin.
Hindi ako sumagot. Mapagtripan nga ang babaeng ito.
"Sir yung juice po na pinatimpla niyo!" Medyo malakas na sabi niya ngunit wala pa rin akong kibo.
Oo, naririnig ko siya dahil wala namang nakaplay na song sa computer ko. Nakapause ang susunod sana na kanta.
Nagpipigil ako ng tawa dahil alam kong naiinis na siya base pa lamang sa kanyang boses.
"Bahala ka na nga. Kung ayaw mong inumin, eh di huwag. Manigas ka sana diyan sa kinauupuan mo. Gwapo ka pa naman kaso nga lang bingi ka at napakaarte mo. Napakasungit mo rin tapos mayabang. Hindi naman ikaw ang magpapasahod sa akin. Hmp," mahinang saad niya ngunit wala siyang ideya na naririnig ko.
Oo, malinaw pa sa tubig dagat ang pandinig ko.
Grabe naman yung mga sinabi niya. HAHAHAHAHA
Halatang inis na inis na ang babaeng iyon.
Nang mabitawan niya ang mga salitang iyon ay kaagad na siyang lumabas at narinig kong napalakas ang pagsara niya sa pinto ng aking silid.
Unang araw pa lamang ng kanyang paglalagi dito sa aming bahay ay nagsusungit na siya.
Well, sa hindi nakakaalam, medyo may pagkabad boy rin ako. Medyo lang naman.
Makaraan lamang ang ilang minuto ay naisipan kong tumawag sa kusina para sabihan sila na papuntahin si Chloe sa aking silid.
Tama nga ako, bumalik siya sa kusina.
"Salamat manang," pagtatapos ko ng tawag saka ko ibinaba ang telepono.
Habang hinihintay kong bumalik si Chloe ay uminom muna ako sa juice na kanyang tinimpla.
At putcha! Ang tamis. Isang kilong asukal ba ang nilagay niya?
Yari talaga sa akin 'tong babaeng ito.
Ilang minuto lamang mula nang ako ay tumawag sa kusina ay may kumakatok na sa aking pinto.
Oo, alam kong si Chloe iyon.
"Pasok!" Sigaw ko.
At nang marinig kong dahan-dahang niyang binubuksan ang pinto ay inikot ko naman ang aking upuan upang humarap sa kanya.
Pagkapasok niya ay nakayuko siya.
Siguro ay iniisip niya ang rason kung bakit ko siya pinatawag.
"A-ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo señorito?" Aniya sa mahinang boses habang siya ay nakayuko.
Ang bait niya ngayon ah.
"Bakit ang tamis ng timpla mong juice?" Agad kong tanong ngunit sa mababang boses lamang.
"Ano po?" Tanong rin niya.
"Ang sabi ko, bakit napakatamis ng juice?" Ulit ko .
"W-wala naman po akong nilagay na asukal diyan Sir." Sagot niya habang nakatingin sa akin.
"Eh bakit napakatamis?"
Hindi naman big deal sa akin yung juice na iyon. Gusto ko lang siyang makausap dahil mukhang masarap siya, este masarap kawentuhan.
Tsk! Biro lang.
"Baka po dahil tatlong pirasong Orange po ang ginamit ko. Papalitan ko na lang po Sir kung masyado pong matamis sa panlasa mo." Ani Chloe saka nagtungo sa mesa kung saan nakalapag ang baso.
Kinuha niya iyon saka siya tumalikod sa akin.
"Sure kang hindi ka naglagay ng sugar?"
Lumingon siya sa akin kung kaya mas nakita ko ang mukha niya ng malapitan.
Ang ganda pala niya. Bumabagay sa kanya ang morena niyang kutis, matangos na ilong at mapulang labi. Kung susumain ay hindi naman siya katangkaran.
Anyways, magfocus tayo sa pang-aasar.
"Hindi po Sir. Pure juice lang po talaga ng Orange yan." Sagot niya sa akin saka siya muling naglakad.
"Pero ano yung narinig kong sinabi mo kanina na Bahala na ako kung ayaw kong inumin. Manigas sana ako sa kinauupuan ko dahil napakaarte ko at hindi naman ako yung magpapasahod sayo?" Sambit ko na dahilan ng muli niyang pagtigil sa kanyang paglalakad at muling humarap sa akin.
"PO?!" Gulat na aniya.
Ako naman ay nagpipigil na ng tawa dahil alam kong maaalala niya ang kanyang mga sinambit.
"Hindi mo ba maalala?"
"Pa-paano niyo po nalaman?"
Halata sa boses niya na siya ay kinakabahan na para bang gusto na niyang magpalamon sa lupa.
Huli.
Bukod sa wala namang tugtog ang suot kong headphones kanina ay mayroon pa akong CCTV camera sa loob mismo ng aking silid.
Ngumiti lang ako sa tanong niya at hindi siya sinagot.
"S-sir, s-sorry po," aniya saka bigla na namang yumuko.
"P-puwede niyo na po akong tanggalin sa trabaho ko sir. H-hindi ko po sinasadya yung mga sinabi ko. Patawad po."
May sinseridad ang paghingi niya ng sorry dahil mukhang paiyak na siya dahil sa kanyang boses.
Wala namang kaso sa akin yon dahil kasalanan ko naman. Pinagtripan ko siya na kunwari ay hindi ko naririnig ang kanyang mga sinabi.
"S-Sir sorry po," pag-uulit niya ngunit siya ay humihikbi na. Kita ko rin ang pagtaas - baba ng kanyang balikat.
Putcha! Bakit siya umiiyak?
Haynako Zoren. Lagot na.
Nagpanic din ako sa paghikbi niya kaya kaagad akong tumayo at lumapit sa kanya.
Naging bastardo lang ako pero ayaw na ayaw kong nakikita na umiiyak ang isang babae.
End of Chapter Two