Chapter Three

1406 Words
Chapter Three ZOREN NATATARANTA na ako dahil humihikbi na si Chloe. Siguro ay natatakot na siya dahil sa kanyang mga nasabi. "Uyy bakit ka naiyak? Baka makita tayo ni Manang Beth at baka kung ano ang isipin niya," saad ko dahil maski ako ay hindi na rin mapalagay ngunit imbes na sagutin niya ako ay umupo siya sa kanyang kinatatayuan at humahagulgol. Mabuti na lamang at nakasara ang pinto ng aking silid. Nakatayo pa rin ako at hindi ko malaman kung paano ko siya mapapatahan. Kasalanan mo 'to Zo. Kung hindi ka lang sana nantrip. "Shet!" Mura ko dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak kung kaya umupo ako sa harap niya saka siya kinausap. "Chloe, uyy tama na. Hindi mo naman kailangang umiyak. Hindi naman kita tatanggalin sa trabaho. Tumahan ka na diyan at baka biglang pumunta si Papa rito." "Gusto mo bang mapalayas tayong dalawa?" Dagdag ko na nakapagpatigil sa kanyang pag-iyak. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang biglang pag-angat ng kanyang ulo dahilan para magkalapit ang aming mga mukha. Tang-*na! Ang ganda niya. "So-sorry po Señorito. Hindi ko po sinasadya yung mga sinabi ko," aniya. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na mas matitigan ang kanyang mala anghel na mukha. Tinitigan ko siya mula sa kanyang mapupungay na mga mata na galing sa pag-iyak, pababa sa kanyang matangos na ilong, hanggang sa kanyang mapupulang labi at sa kanyang dibdib. Ayy! Biro lang yung sa dibdib. Many*k ka na naman Zo. Ako naman ay hindi umimik at inalalayan na lamang siyang tumayo. "Bakit ka ba naiyak? Para kang bata na naagawan ng lollipop eh." Eh kung ibigay ko na lang kaya sa kanya ang aking mahiwagang lollipop. Nak ng tokwa ka Zoren! Biro lang naman. "Baka po kasi bigla niyo akong pauwiin. Paano na lang po ang aking mga magulang? Hindi ko na po sila masusuportahan," aniya habang nagpupunas ng kanyang pisngi. Napakaresponsable naman pala nitong babaeng 'to. "Hays! Sige na. Okay na iyon, pwede ka nang lumabas." Utos ko na kaagad naman niyang sinunod. Habang naglalakad siya palabas ng aking pinto ay hindi ko maiwasang mapatitig sa hubog ng kanyang katawan. Ang liit ng kanyang bewang na parang ang sarap hatakin papalapit sa akin. Putcha! Masamang balak. Dahil kung anu-ano na ang aking naiisip ay napailing na lamang ako at bumalik sa pagkakaupo. Inayos ko lang ang mga dapat ayusin saka ako nagpasyang maligo. Maya-maya pa naman ako aalis at nais ko munang magbabad sa pagligo dahil nag-iinit ang aking katawan. Gusto ko lang magrelease ng init. Oo tama iyon. Magrerelax lang ako sa bathtub. Kung anu- ano na naman ang naiisip niyo. "Ayain ko kaya si Chloe?" Sabi ng kabilang side ng utak ko na kaagad namang kinontra ng kabila. Anak ng teteng! Hindi naman ako manyakis ah. Nagtagal ako sa banyo ng halos isang oras dahil ako ay nakatulog habang nasa bathtub. Naalimpungatan na lamang ako ng tumawag ulit si Cristof. Ano na naman bang kailangan ng gag*ng to? Kaagad ko namang inabot ang aking cellphone na nakalapag sa gilid ng bathtub. "Hey, bro! Ano na?" Bungad niya. "Anong ano na? Ang aga-aga pa. Natutulog yung tao," kunwaring inis na sagot ko. "Maligo ka na. Ang bagal-bagal mo pa namang mag-ayos. Para kang babae." "Seryoso ka ba? Alas singko ka pa naman pupunta diba? Sobrang aga pa. Perwisyo ka ng tulog talaga." "Pasado alas dos na. Kararating lang namin dito sa bahay. Punta ako diyan ng mga alas kwatro para maaga tayong makaalis." "Ano?! Ang aga namang inom yan. Gag* ka talaga kahit kailan. Ayokong mag-inom ng maaga," bwisit kong sagot. "Joke lang. Ito naman ang init agad ng ulo. Tumawag ako kasi hindi kita madadaanan ng alas singko. May pupuntahan pa kasi kami ni misis maya-maya. Baka mga alas sais na kami makabalik. Alam mo naman, uunahin ko 'to kesa hindi makainom," mahabang litanya niya. "HAHAHAHA! Tang-*na ka! Under de saya ka talaga. Inistorbo mo pa yung tulog kong hayop ka. Eh puwede ka namang tumawag na lang mamaya!" "Namo! Pasalamat ka nga inupdate kita. Sige na. Mamayang gabi na lang. Maglulu ka na muna diyan," wika niya saka tumawa ng malakas. "Sige na gag*! Maliligo na ako," sabi ko saka pinatay ang tawag. Yun lang pala ang sasabihin ng hayop na yun. Ang sarap ng tulog ko eh. Hays! Makaligo na nga at nang maibsan na ang init ng aking katawan. CHLOE HINDI ko na alam ang gagawin ko dahil sa mga binitiwan kong salita. Ang tanging nagawa ko na lamang ay humagulgol sapagkat nangangamba akong baka palayasin ako ni Don Amorsolo. "So-sorry po Señorito. Hindi ko po sinasadya yung mga sinabi ko," saad ko habang humihikbi. Natatakot kasi talaga ako at baka tuluyan akong mawalan ng trabaho. Paano na lang ang mga magulang ko? Ang mga kapatid ko? Inalalayan ako ni Señorito Zoren na tumayo habang patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha. "Bakit ka ba naiyak? Para kang bata na naagawan ng lollipop eh," aniya. Hindi ka ba maiiyak kung nakagawa ka na ng dalawang kasalanan unang araw pa lang sa trabaho? Gusto ko na lang magpalamon sa lupa talaga. Hays. Pero pwera biro, napakabango ni Señorito. Parang ang sarap sarap papakin. Ayy! Talandi. Puro kapalpakan na nga ang nagawa ngayong araw, mag-iisip pa ng kung anu-ano. "Hays! Sige na. Okay na iyon, pwede ka nang lumabas." Utos niya kaya naman nagmadali na akong lumabas ng kanyang kwarto. Hindi ko na tuloy alam kung paano ako haharap sa kanya. Grabe yung kahihiyang pinaggagagawa ko. "Oh Chloe, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Manang Beth nang makasalubong ko siya sa hagdan bitbit ang walis at dustpan. Naku! Yun pala yung pinapakuha niya sa akin kanina. Juskoooo! Ang dami ng nangyari sa araw na ito. "A-ayos lang po ako Manang. Pasensiya na po kayo at nalimutan ko nang kunin iyang walis at dustpan. Pinatawag kasi ako ni señorito," sagot ko saka pinunasan ang natitirang luha sa aking pisngi. "Umiyak ka ba?" Aniya at hinawakan ang aking kamay. "Hi-hindi po. Natalsikan lang po kaninang nagpiga ako ng Orange," pagsisinungaling ko dahil nahihiya akong malaman ni Manang Beth yung mga salitang nasabi ko kay Señorito Zoren. "Sigurado ka ba? Magsabi ka lang sa akin kapag may problema ka ha?" "Opo Manang. Salamat po." "Oh siya, simulan na nating maglinis dito sa guest room at isusunod mo na mamaya yung kwarto ni Sir Zoren." Anooooo? Agad? AS IN LINIS AGAD SA KWARTO NIYA? Juskooo. May atraso pa nga ako sa kanya. MAKALIPAS ang mahigit isang oras ay natapos rin ang pag-aayos at paglilinis sa guest room. "Chloe, ikaw na ang magdadala ng mga bagong punda at unan sa kwarto ni Sir Zoren. Palitan mo na rin agad. Dalhin mo na lang sa laundry area yung mga punda at kumot na tatanggalin mo," bilin ni Manang Beth. "P-po? Eh nasa loob pa po si Señorito. Puwede po bang mamaya na lang kapag po umalis siya? N-nahihiya po kasi ako," nag-aalangang sagot ko. Ngumiti lang si Manang Beth at saka sinabing, "Nasa banyo yun ngayon. Nagpapahinga yun sa bathtub niya. Mga isang oras yun doon." "Isang oras po?" "Oo. Nagbababad kasi yun. Iyon yung ginagawa niyang pagrerelax kaya huwag kang mag-aalala, paglabas niya ng banyo ay wala ka na rin doon sa kwarto niya." Natatawang dagdag ni Manang Beth. "Si-sige po. Bibilisan ko na lang po para hindi niya ako maabutan. Nahihiya po kasi talaga ako." Tumango lang siya at saka ngumit bilang pagsang-ayon. Pagkalabas ni Manang Beth ay binitbit ko na rin kaagad ang mga bedsheet at punda ng unan papunta sa kwarto ni Señorito Zoren. Pagkarating ko sa tapat ng kanyang pinto ay kumatok muna ako ng tatlong beses. Nang wala akong marinig na magbubukas sa pinto ay pinihit ko na ang door knob nito. Tama nga si Manang Beth. Nasa CR nga siya. Dahan- dahan akong pumasok sa loob. Baka kasi mamaya ay nakaupo lang siya sa harap ng kanyang computer ngunit paglingon ko sa bandang iyon ay walang tao. Juskooo! Para na akong magnanakaw sa lagay na ito. Nagmadali na akong tanggalin ang mga punda at bed sheet ng kanyang kama para mapalitan na agad bago siya lumabas ng banyo. Makalipas ang dalawampung minutong pagpapalit ng kobre kama ay natapos rin. "Hay salamat. Natapos rin. Makakalabas na ako ng hindi niya ako nakikita," saad ko saka pinagpag nang kaunti ang kama bilang pagtatapos. Nang biglang... "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" End of Chapter Three
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD