Chapter Four

1482 Words
Chapter Four CHLOE NAGULANTANG ako nang biglang makalabas si Señorito Zoren mula sa banyo. Pero wait? What is the meaning of this? Ang sarap naman niya. Ayy! Charot. "Chloe! Natututo ka na sa mga ganyang bagay," saway sa akin ng aking brain. Paano ba naman kasi? Tanging tuwalya na puti lamang ang kanyang natatanging saplot. Hindi ko sure ha kung may underwear siya. Basa pa ang kanyang buhok dahil nakikita ko pa ang pagpatak ng tubig mula sa mga hibla nito papunta sa kanyang balikat. Kita ko rin ang mga butil ng tubig sa kanyang matipunong dibdib na hindi pa napupunasan, hanggang sa dumako ang aking tingin sa kanyang tiyan na may anim na pandesal. Napakasarap! Hindi ko naman first time makakita ng ganito pero ito ang unang beses kong makakakita sa personal. Bumalik lamang ako sa aking katinuan nang marinig ko ang pitik ng kanyang daliri malapit sa aking mukha. "Yung laway mo tumutulo na," aniya saka tumawa at tumalikod sa akin. Pagkasabi niya ng iyon ay kaagad ko namang pinunasan ang aking labi at bahagyang nahiya. Wala naman akong laway pero nakakahiya lang dahil nakita niya akong nakatingin sa kanyang katawan. "A-ah, pasensiya na po Señorito. N-nagulat lang po ako sa paglabas niyo," sagot ko naman saka kinuha ang mga kobre kamang tinaggal ko sa kanyang kama at inilagay sa laundry basket. "Sus. Grabe ka makatitig sa katawan ko. Gusto mo bang tikman?" Rinig kong saad niya na nagpatigil sa aking ginagawa. Anong magagawa ko kung ganun yung reaksiyon ko? Eh sa hindi pa ako nakakaranas na maibalibag ng lalaki. Ayy! Ramdam ko na ang pamumula ng aking mukha dahil nag-iinit nga ito kaya naman hindi na ako sumagot at minadaling tapusin ang ginagawa ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang bigla siyang magsalita ulit. "Chloe." Tawag niya sa akin at tumigil ako nang hindi ko siya nililingon. "B-bakit po?" Sagot ko habang ako ay nakatalikod pa rin. "Puwede ba humarap ka kapag kinakausap kita?" Utos niya na kaagad ko namang sinunod. Sa mga oras na ito ay nakasuot na siya ng kulay puting shorts na hanggang taas ng kanyang tuhod at puting polo shirt na may lining na itim sa kanyang sleeve. Sakto lang iyon para humapit sa kanyang malalaking mga braso. Napakalinis niyang tingnan. "Pakilinisan na rin yung banyo ko," aniya sabay ayos sa kanyang itim na relo. "Sige po Señorito. Lilinisin ko po mamaya. Dadalhin ko lang po sa laundry area itong mga kobre kama," agad na sagot ko saka ako tumalikod muli para buksan sana ang pinto. "Ngayon na," mabilis naman niyang sagot. "Ibababa ko pa po san-," "Ang sabi ko ngayon na," sambit niya habang nakahalukipkip na nakatingin sa gawi ko. Hays! Ano ba naman tong lalaking 'to. Napakademanding. Mamaya ko na sana lilinisin pagkaalis niya pero super naman makautos. Kaya ang ginawa ko ay ibinaba ko kaagad ang mga hawak kong basket at inilagay sa gilid ng pinto. "Bakit ka nakasimangot?" Biglang tanong niya. Ikaw ba naman ang utusan ng demanding na 'to. "Ah hehe, hindi naman ho," sagot ko saka ako ngumiti ng pilit. Hindi ko na siya narinig na nagsalita kaya naman ay nagtungo kaagad ako sa kanyang banyo. Wow! Napakalawak ng CR. Parang kasing laki na ng bahay namin. May bathtub na napakalaki, may shower area, may lavatory, at syempre toilet bowl. May kabinet rin na lagayan ng mga toiletries. Basta kumpleto ng gamit ang banyo. Iyon bang pangmayaman talaga. Hindi ko na idedetalye. Malinis at maayos ito kaya tiyak na hindi ako mahihirapang tapusin ang pinagagawa ni Señorito Zoren. Sinimulan ko na ngang magpunas-punas sa lababo dahil may nakikita pa akong mga patak pa ng tubig. Inayos ko na rin ang pagkakasampay ng kanyang bathrobe na kulay puti dahil nakalaylay ang tali nito. Pagkatapos ko sa bandang iyon ay nagtungo naman ako sa kanyang bathtub upang idrain ang ginamit niyang tubig at naramadaman kong biglang namula ang aking mukha nang mapansin ko ang isang piraso ng tela na nakasabit sa gilid nito. Alam kong underwear iyon. Shocks! "Bakit naman kasi hindi marunong maglagay sa laundry basket ang isang yon?" Dahan-dahan kong kinuha iyon. "Anong size kaya nito?" Tanong ng aking isip habang nakatitig doon sa boxer brief na kulay gray. Jusme! Ano ba itong naiisip ko? "Chloe, ang dumi-dumi na ng isip mo," saway ko sa sarili ko. Para na akong tanga na nagsasalita mag-isa, nang biglang. . . . "Gusto mo bang malaman kung anong size niyan?" Nagulantang ako at nabitawan ang hawak kong underwear dahil narinig kong biglang nagsalita si Señorito Zoren mula sa pinto ng kanyang banyo. Nakuuuu! Lagot ka talaga self. Napapikit na lang ako at kinagat ko ang ibabang labi ko habang dahan-dahan kong pinulot ang kanina ay hawak kong boxer brief. Mabilis ko namang inilagay sa laundry basket na nasa gilid din ng bathtub. "Ano Chloe?" Aniya kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko naman ang kanyang pagngisi habang nakasandal sa gilid ng pinto at ang kanyang mga kamay ay nasa bulsa ng kanyang suot na shorts. "Ha-hah?" Iyon lang ang tanging naisagot ko dahil hindi ko alam ang aking sasabihin. "Tinatanong kita kung gusto mong malaman ang size niyan or baka yung tinatakpan niyan ang gusto mong sukatin?" wika niya saka pa siya ngumiti. Yung ngiting nang-aasar. At bigla namang nag-init ang aking mukha dahil sa tanong niyang iyon. Nakakahiya. "Hi-hindi po Señorito. P-pasensiya na po kayo. Ilalagay ko lang naman po sana sa laundry basket," nauutal na sagot ko. "Kaya pala ang tagal mong tinitigan." "H-hah? Hindi po ah," pagtanggi ko. "Sus. Kunwari ka pa. Puwede mo namang icheck kung gusto mo," saad niya saka ngumiti ulit bago siya tumalikod at isinara ang pinto. Bigla naman akong nakahinga nang maluwag nang umalis siya. Nakakabwisit! Anong tingin niya sa akin? Many*k? ZOREN NANG matapos ako sa pagligo ay kinuha ko na kaagad ang aking towel saka inilagay sa aking bewang. Lumabas na rin ako mula sa banyo at medyo nagulat ako na may tao sa aking kwarto. Alam kong si Chloe iyon. Pinagmasdan ko lang siya saglit habang siya ay nag-aayos ng kobre kama. Bigla naman akong nakaramdam ng init nang bigla siyang tumuwad at pinagpag ang kama. Init na hindi ko naman maaaring ilabas sa ngayon. Maganda ang hubog ng kanyang katawan at malalaman rin ang kanyang mga hita dahil bahagya kong nasilayan ang mga iyon ng yumuko siya kaya naman ang suot niyang uniporme ay umangat sa kanyang likuran. May maumbok din siyang pwet na bumagay sa hugis ng kanyang katawan. Ang sexy niya. Naku! Ano ba 'tong mga naiisip ko? Nagiging manyakis na ba ako? Pinagpapantasyahan ko ba ang babaeng ito? Tang- *na ka Zo! "Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?" Tanong ko na bigla niyang ikinagulat kaya naman ay napatingin siya sa gawi ko. Nakatitig lang siya sa akin na animo'y kinakabisado ang hugis ng aking katawan. Medyo ilang segundo rin siyang nakatitig sa akin. Tsskk! Mabuti na lang at may abs ako. Pinagtripan ko nga siya at hindi pinalabas ng aking silid kaya naman pinaglinis ko siya ng banyo ng sa ganoon ay hindi siya umalis agad. Hindi naman madumi ang CR ko pero gusto ko lang may gawin siya. Aayaw pa sana siya ngunit wala na siyang magagawa dahil ako na ang nag-utos sa kanya. Hindi siya maaaring tumanggi. Nakita ko naman ang mukha niyang medyo nakabusangot nang pumasok siya sa CR. Bawal siyang magreklamo. Ako naman ay umupo lang sa aking swivel chair saka nagcheck ng kung anu-ano sa aking laptop. Maaga pa naman at mamayang alas sais pa ako dadaanan ni Cristoff. Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay naririnig kong nagsasalita si Chloe kaya namab nagpasya akong silipin siya roon dahil hindi naman nakasarado ang pinto. Laking gulat ko nang makita kong hawak-hawak niya ang aking boxer brief. Putcha! Hindi ko pala nailagay sa laundry basket. "Anong size kaya ito?" Rinig kong aniya habang nakatitig sa aking underwear. Bahagya akong natawa sa kanyang sinabi kaya naman naisip kong pagtripan siya. "Gusto mo bang malaman kung anong size niyan?" Biglang tanong ko na ikinagulat niya, dahilan para malaglag ang kanyang hawak. Mula sa pinto ay pansin ko ang hiya niya nang dahan-dahan niyang pulutin ang nalaglag na underwear. Hindi ako nakuntento doon kaya naman inasar ko pa lalo. Napalingon siya sa gawi ko at napansin ko ang pamumula ng kanyang mukha. Ang ganda niya lalo. Iba ang dating niya sa akin. Iba ang angkin niyang ganda. Huli. Bakit naman kasi nakatitig sa brief ko? "Sus. Kunwari ka pa. Puwede mo namang icheck kung gusto mo," saad ko saka ngumiti ulit bago ako tumalikod at bumalik sa ginagawa ko. Nakangiti pa rin ako habang nagtitingin-tingin sa social media accounts ko. Ang sarap niyang asarin, at bukod doon, alam kong masarap siya. Ilang minuto lang akong nagcheck ng emails at other messages sa aking computer nang biglang. . . . "AHHHHHHH!" End of Chapter Four
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD