Chapter Five

1500 Words
Chapter Five ZOREN KAAGAD akong tumayo at nagtungo sa banyo nang marinig ko ang sigaw ni Chloe. Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng CR upang i-check ang kanyang lagay. "CHLOE!" Sigaw ko kaagad pagkapasok ko sa loob at laking gulat ko nang makita kong basa ang kanyang ulo pati na rin ang kanyang suot na asul na uniporme. "Anong nangyari sa 'yo? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Sunud-sunod na tanong ko pagkalapit ko sa kanya. Nakatayo siya at pinapagpag ang pang-itaas na bahagi ng kanyang katawan. Nagmadali rin akong kumuha ng isang puting tuwalya sa kabinet na nasa loob mismo ng aking banyo saka ko inilagay sa balikat niya. Napatigil ako nang mapansin kong bumakat ang suot niyang bra sa basa niyang damit. Putcha naman oh! Bakit ba ako naaakit agad sa babaeng 'to? Upang bumalik ako sa katinuan ay umiling-iling lamang ako. "Ano bang nangyari sayo? Nadulas ka ba?" Muli kong tanong kay Chloe na tahimik lang. "H-Hindi po Señorito. Aksidente ko po kasing napindot yung shower nang magpunas ako ng dingding. Hindi ko naman po akalain na malakas yung lalabas na tubig mula doon," aniya nang hindi tumitingin sa akin habang hawak-hawak niya ang tuwalyang inilagay ko sa kanyang katawan. Napakamot na lang ako sa aking ulo nang marinig ko iyon. Akala ko naman nadulas na siya or kung ano. "Ganun ba. Oh siya sige, tama na yan. Bumaba ka na at nang makapagpalit ka na ng damit," utos ko saka ako lumabas. Kaagad naman siyang sumunod sa akin palabas ng banyo. "M-mauuna na po ako," paalam niya saka kinuha ang laundry basket. Hindi na ako sumagot pa at nagpokus na lang sa ginagawa ko sa aking computer. Pinipilit ko mang magconcentrate sa aking ginagawa ngunit hindi ko magawa dahil si Chloe ang naiisip ko. Oo. Siya nga. Nak ng tokwa naman oh. Unang araw pa lamang niya rito ay ang dami ng nangyari. Mamaya niyan bigla siyang umalis. MAG-AALAS sais na nang tumawag si Cristof at nagsabing malapit na raw siya sa bahay kaya naman nag-ayos na ako ng aking sarili. Kung ano yung damit ko kaninang pagkaligo ko ay siya na ring damit ko paalis ng bahay. Sa malapit lang naman kami pupunta kaya ayos na iyon. Pagkababa ko ay kaagad na akong nagtungo sa labas ng bahay dahil naroon na si Cristof. Tinatamad kasi akong magmaneho ng kotse kaya niya ako sinundo dito. "Aalis ho kayo Señorito?" Tanong ni Mang Bensio na kasalukuyang nagdidilig ng mga bulaklak sa harap ng bahay. "Ay opo. Pakisabi na lang po kay Papa kapag po nagtanong siya kung nasaan ako," sagot ko naman. "Sige ho. Ako na po ang bahala," aniya saka ako lumabas ng gate. Pagkalabas ko ay kaagad naman akong napansin ni Cristof kaya siya ay pumitada nang pagkalakas-lakas. Ang gamit niyang sasakyan ay ang kanyang LandCruiser na kulay itim. Tang- *na talaga tong gagong 'to! "Napakalakas naman ng busina mong hinayupak ka!" Kaagad na litanya ko pagkapasok ko sa kanyang kotse. "Napakasensitive mo naman," aniya saka siya humagalpak ng tawa. "Tara na nga. Bago pa kita masakal!" Pagbabanta ko saka naman niya pinaandar ang kanyang sasakyan. "So, kamusta ka naman bro?" Seryosong tanong niya habang kami ay nasa biyahe. "Okay lang naman. Nakakarecover na sa pagkawala ni Mama," sagot ko naman. "Eh sa paghihiwalay niyo ni Hannah? Okay ka na?" "Oo naman. Anong gusto mo? Tapusin ko ang buhay ko sa ganung klaseng babae? Huwag na. Napakadami pang mga babae diyan." "Abaaaa! Himala. Akala ko ba ayaw mo na ng babae?" Natatawang tanong niya. "I mean I don't care about Hannah anymore. And I know na may ibang babaeng nakalaan sa akin." "Ayuuuun! Siguro namimiss mo na rin ang b*****g?" "Kaya naman ng kamay ko, gago. Kaya okay lang," sagot ko saka ako bahagyang natawa dahil sa sinabi ko. "Sige. Dahil diyan, hahanap tayo ng mabebembang mo," suhestiyon niya. "No, thanks. I would rather do it alone." "Tanga! Iba pa rin yung may pinapasok kang kweba dude. Mas masarap pa rin yun," pilyong aniya kaya sinuntok ko siya nang bahagya sa kanang braso niya. "Bilisan mo na. Napipikon na ako sayo." Makaraan ang fifteen minutes ay nakarating na kami sa isang bar na medyo may kalakihan. Kaagad naman kaming pumasok at agad ding nag-order ng aming inumin. "Bakit naman light lang iyang inorder mo?" Pakialamerong tanong ni Cristof. Umorder lang kasi ako ng isang basong beer. Ayoko nang magpakalasing kaya hindi na ako umiinom ng marami. "Baka kasi malasing ka," saad ko. "Hindi namana ako maglalasing. Ikaw nga ang inaalala ko." "Wow! Concern ka bro? Salamat ha? Pero okay na ako sa isang baso." Pero akala ko lang pala yun. Yung isang baso ay naging lima. Ayaw kasi akong tantanan ng mokong na 'to. Minsan lang daw siyang mag-aya kaya naman pinagbigyan ko na. MAG-AALAS DYES na nang yayain ko na siyang umuwi. Hindi naman kami lasing na lasing kaya naman kaya pa niyang magmaneho ng sasakyan. "Wala ka bang nagustuhan sa mga babae doon sa bar?" Tanong niya habang binabaybay namin ang daan pauwi ng bahay. May mga babae kasing lumalapit sa amin kanina pero wala akong gusto. Wala ako sa mood tumikim ng ibang babae. "Inom ang pinunta ko roon hindi babae." "Sus. Baka naman may iba kang kinahuhumalingang babae kaya ayaw mong tumira ng iba?" Lokong tanong niya. Kaya naman naisip ko si Chloe kanina at biglang nag-init ang aking katawan. P*ta! Kailangan kong irelease ito. NANG makarating kami sa bahay ay kaagad namang nagpaalam si Cristof sa akin saka naman ako pumasok sa loob. "Magandang gabi po, Señorito," bati ng dalawang guard na nakaduty. "Magandang gabi rin po sa inyo," bati ko naman pabalik saka ako nagtuluy-tuloy hanggang makapasok sa loob ng mansion. "Magandang gabi, sir," bati rin sa akin ni Manang Beth nang makasalubong niya ako sa sala. "Magandang gabi rin ho. Bakit hindi pa po kayo natutulog?" Tanong ko. "Patulog na rin ako. May kinuha lang ako sa guest room," aniya kaya naman tumango lang ako at nagpaalam na sa kanya. Ako naman ay dumiretso muna sa kusina dahil nauuhaw ako. Gusto ko ng malamig na tubig. Naiinitan ako dahil sa beer na ininom ko. Pagkapasok ko ng kusina ay may naririnig akong boses ng babae. "Okay lang ako dito Inang. Huwag na po kayong mag-alala. Katatapos lang po ng trabaho ko." Rinig kong aniya at base sa boses niya ay si Chloe iyon. Nagdahan-dahan lamang ako sa paglalakad papalapit sa kusina dahil baka maistorbo siya. Nang makita ko nga siya ay kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa cellphone. Nakaupo siya sa dining chair habang ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa mesa at ang kanyang cellphone ay nakasandal sa baso na nasa kanyang harap. Natigil ako nang bahagya nang makita ko ang kanyang suot na pang-itaas. She is wearing a black sleeveless top na may manipis na strap. Kita ko rin mula sa aking gawi ang kanyang cleavage. Nakatali ang kanyang buhok ngunit may ilang hibla na nakalaylay sa gilid. Mas lalo akong nakaramdam ng init. Hindi ito maaari. "Ehem!" Nagkunwari akong umubo para alam niyang may tao saka naman siya nagulat nang makita niya ako at kaagad na nagpaalam sa kanyang kausap. Bigla siyang napatayo nang makita niya akong naglalakad patungo sa lababo. "A-ano pong ginagawa niyo rito?" Utal na tanong niya. "Iinom ako ng malamig na tubig. Ang init kasi," simpleng sagot ko habang ako ay naghuhugas ng aking mga kamay. Narinig ko naman ang pagkuha niya ng baso mula sa lagayan. Pagkatapos kong magpunas ng kamay ay nakita ko naman siyang kumuha ng pitsel na nasa ref saka niya sinalinan ang basong nilapag niya sa mesa. "O-okay na po yung tubig niyo?" Nauutal pa ring aniya. "Thank you," maikling sagot ko saka ko ininom ang tubig na kanyang isinalin. "Okay ka lang?" Tanong ko saka ko inilagay sa lababo ang baso para hugasan. Nakita ko kasi siyang nakayuko. "Ako na po ang maghuhugas niyan," sambit niya saka agad na lumapit sa akin sa lababo at kinuha ang baso. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nagdikit ang aming mga kamay at tila ba may kuryenteng dumaloy bigla sa aking katawan. Idagdag mo pa ang epekto ng alak. Dahil maliit lang siya ay natanaw ko ang hiwa sa kanyang dibdib. Kahit hindi kalakihan ang kanyang hinaharap ay kita mo ang kanyang cleavage. Shiiit! Zoren! Ano ba iyang iniisip mo? "Ako na, isa lang naman 'to," wika ko saka ko inagaw sa kanya ang baso na kaagad naman niyang kinuha mula sa aking kamay. "Pagagalitan po ako ni Manang Beth kapag kayo po ang naghugas nito," sagot naman niya saka sinabon ang baso. Ang kulit. Kaya ang ginawa ko para asarin siya ay pumwesto ako sa kanyang likuran at hinawakan ko rin ang dalawa niyang kamay. Para na tuloy akong nakayakap sa kanya. Ang bango ng buhok niya. "Puwede naman pala na dalawa tayong maghugas ng isang baso," pilyong sabi ko dahilan para matigil siya sa ginagawa niyang pagsasabon. "S- señorito," tanging saad niya. End of Chapter Five
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD