Chapter Six

1923 Words
Chapter Six CHLOE HINDI pa man natatapos ang isang araw kong pagtatrabaho sa mansion ng mga Villahermosa ay sandamakmak na ang kapalpakang nagawa ko. Una, yung bigla kong pagbukas sa pinto ng banyo kung saan nandoon si Señorito Zoren. Pangalawa, yung kung anu-anong pinagsasasabi ko sa kanya nang ihatid ko yung juice. Pangatlo, yung kapalpakang nagawa ko sa kanyang banyo. Yung underwear at yung sa shower. Hindi ko naman kasi alam na automatic pala yung mga gamit dito sa bahay na 'to. Flashback . . . . . Nang makalabas siya pagkatapos ng kahihiyang nagawa ko dahil sa pagbuklat ko ng kanyang boxer shorts ay itinuloy ko na ang ginagawa kong paglilinis. Nang matapos kong linisin ang bathtub ay sinunod ko naman ang kanyang shower area. Inuna ko munang punasan ang pintuan nitong gawa sa salamin saka ko isinunod ang floor nito. Pagkatapos ng pagbabrush ko sa sahig ay sinunod ko namang punasan ang wall gamit ang tuyong basahan para matanggal ang mga patak ng tubig. Nang biglang . . . . . "AHHHHHH!" Sigaw ko dahil nabasa ako ng may lumabas na tubig mula sa shower. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon ngunit kalaunan ay napagtanto kong baka napindot ko yung button na kulay silver na nasa tapat din nitong shower dahil bahagyang umilaw iyon ng kulay asul. Dahil malakas ang buga ng tubig ay basa ang aking ulo pati na rin ang aking damit. Kaagad akong lumabas mula sa shower area at pinagpag ko ang aking suot. Nagulat ako sa pagdating ni Señorito Zoren. "Chloe!" Rinig kong sigaw niya saka lumapit sa gawi ko. Mabilis din siyang kumuha ng puting towel saka ipinatong sa balikat ko. Natigilan siyang bahagya saka tumingin sa aking hinaharap. O m g! Bakat pala yung bra ko kaya naman bahagya akong nahiya dahil doon. Kaya naman hinawakan ng dalawa kong kamay ang tuwalyang inilagay niya sa katawan ko. "Ano ba ang nangyari sayo? Nadulas ka ba?" Muling tanong niya nang hindi ako sumagot sa mga una niyang katanungan. "H-hindi po Señorito. Aksidente ko po kasing napindot yung shower at hindi ko naman akalain na ganun pala kalakas ang buga ng tubig," sagot ko habang hawak-hawak ko pa rin ang tuwalya. "Ganun ba? Oh siya sige. Tama na iyan. Bumaba ka na at nang makapagpalit ka na ng damit," utos niya saka siya lumabas ng banyo. Wait! Teka! Saglit! Nag-aalala ba siya sa akin? "Malamang. Kargo ka niya. Inutusan ka niyang maglinis kaya kung may mangyaring masama sa iyo ay siya ang mananagot," sagot naman ng utak ko. Tama nga naman 'yon. Wala naman sigurong malisya. Pero bakit siya nakatitig sa hinaharap ko kanina? Hays! May pagkamanyak talaga siya. Hindi nagtagal ay sumunod na rin ako sa kanyang paglabas. Kaagad naman siyang umupo at hinarap ang kanyang computer. Nagpaalam na rin ako sa kanya ngunit hindi na siya nagsalita. Dali-dali akong bumaba at nagtungo agad sa laundry area. "Oh Chloe, anong nangyari sa 'yo?" Nag-aalalang tanong ni Aling Beth nang makita niya ako. "Okay lang po ako. Nabasa lang po ako kanina doon sa banyo ni Señorito Zoren habang naglilinis po ako. Napindot ko po kasi yung switch ng shower," pagpapaliwanag ko sabay lapag sa laundry basket na hawak-hawak ko. "Hindi ka ba nadulas oh nauntog?" "Hindi naman po. Okay lang po ako," pag-uulit ko. "Oh sige. Magbihis ka na muna sa kwarto mo saka ka bumalik rito," aniya saka ko naman sinunod ang kanyang utos. Bago pa man kami magsimulang magtrabaho kanina ay itinuro na nila sa amin ang aming tutulugan. Wala akong kasama sa kwarto dahil yung dalawang bagong kasabay ko kanina ang magkasama sa isang silid. Pabor naman sa akin iyon para may privacy ako. Hindi naman ganun kalaki ang silid na ito ngunit komportable ako dahil may sarili na ring banyo. Kaagad naman akong nagtanggal ng aking basang damit saka ko isinabit sa hanger. Napatingin naman ako sa aking bogelya at biglang nag-init ang aking mukha nang maalala kong nakatingin kanina si Señorito Zoren sa mga ito. Jusko! Bakit ganoon ang titig niya sa akin? Balak ba niya akong pagnasaan? Huwag naman sana. End of flashback . . . . . BUONG pagtatrabaho ko ay hindi mawala sa isip ko ang matakot. Ngunit kinukumbinsi ko ang sarili ko na baka nagkakamali lang ako. Paano niya ako pagnanasaan eh siya nga yung naglagay ng tuwalya sa balikat ko para matakpan ko yung bumakat na hinaharap ko. Saka hindi naman ako kagandahan. Hindi rin sexy at higit sa lahat, hindi mayaman dahil nga nangangatulong ako. Ganun naman talaga ang mga mayayaman. Bihira lang ang nagkakagusto sa mga mahihirap na kagaya ko. "Hayss! Chloe, ano ba iyang iniisip mo. Sino ka ba naman para magustuhan ng isang mayamang lalaki?" Sambit ko sa aking sarili habang tinatapos ko ang aking mga nilalabhan. Nagkaroon naman ako ng boyfriend noon pero walang nangyari sa amin kaya nananatili pa rin akong virg*n sa edad kong 26. Kailan ko kaya mararanasan? Ayy! ALAS NUWEBE na nang matapos kami sa lahat ng aming mga gawain. Sabay-sabay na rin kaming lahat na mga kasambahay na kumain ng hapunan. Si Aling Beth ang nagluto ng aming ulam na adobong manok kaya naman naparami ako ng kain. May sarili kaming dining area kaya naman komportable kaming kumain. "Magpahinga na kayong lahat. Ah Chloe, Mildred at Marie kahit alas sais na kayo magsimula bukas sa kanya-kanya niyong trabaho. Kung nagugutom kayo ay pwede naman kayong magluto ng pagkain niyo. Kung ano ang laman ng ref ay pagkain nating lahat kaya hindi kayo magugutom rito. Hindi naman madamot at hindi maselan ang ating mga amo. Ang importante lang sa kanila ay nagagampanan natin ng maayos ang ating trabaho," bilin sa amin ni Aling Beth dahil nga kaming tatlo ang baguhan sa mansion. "Sige po, Aling Beth. Wala pong problema," sagot naman ni Ate Marie. Ako kasi ang pinakabata sa aming lahat kaya naman ate ang tawag ko sa kanila. "Ah Chloe, alas syete ng umaga ay ipagtimpla mo ng kape si Sir Zoren. Dalhin mo mismo sa kanyang silid," dagdag ni Aling Beth. "P-po?!" Gulat na sagot ko. Jusko! Makikita ko na naman siya. "Oo. Black coffee lang ang iniinom niya tuwing umaga. Isang kutsaritang kape lang. Huwag mong lalagyan ng asukal," aniya. "S-sige po," tanging sambit ko. Ano pa ngang magagawa ko? Alangan namang humindi ako sa trabaho. Hays! Bahala na. PAGKATAPOS naming kumain ay pumasok na rin ako sa aking kwarto para makapagshower na. Bukas na lang ng umaga ako maliligo para presko. Alas dyes na ng matapos akong mag-ayos ng aking sarili. Nagsuot lang ako ng pajama at padded na sando. Nasanay kasi akong matulog ng nakasando lang dahil mainit sa bahay. Nagtungo muna ako sa kusina para kumuha ng tubig at sakto namang tumatawag sina Inang. Sinagot ko iyon saka ako nagsalin ng tubig sa baso saka umupo muna sandali. "Ehem!" Rinig ko. Laging gulat ko nang bigla kong makita si Señorito Zoren. Kaya naman mabilis akong nagpaalam sa aking ina at pinatay kaagad ang tawag. Bahagya akong kinabahan nang maalala ko ang aking suot. Paktay! Nakasando pa naman ako. Bigla-bigla kasi siyang sumusulpot. Iinom daw ng tubig si Señorito Zoren kaya naman dali-dali akong kumuha ng baso saka ko sinalinan iyon ng malamig na tubig na nasa kanilang pitsel. Nang makita kong huhugasan na niya ang baso ay kaagad naman akong natungo sa gawi niya para kunin iyon. Baka kasi pagalitan ako kapag nakita nilang siya ang naghuhugas. Nakipagpilitan pa ako sa paghuhugas sa isang baso. At laking gulat ko nang bigla siyang tumayo sa likuran ko at hawakan ang aking mga kamay habang hinuhugasan ko ang baso. "Pwede naman pala na tayong dalawa ang maghugas ng isang baso," aniya. At mula sa likod ay naamoy ko ang kanyang hininga. Amoy alak. Teka, lasing ba siya? Kaya ganito siya umasta? "S- señorito," utal na sambit ko. Bukod sa hininga niyang amoy alak pero mabango pa rin naman ay ramdam kong may matigas na tumutusok sa bandang likod ko. Jusko! Sandata ba niya iyon? Hindi ako makagalaw ng mga oras na iyon. Halu-halo ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na hindi ko alam. At hindi ko namalayan na nabanlawan na pala yung baso habang ako ay nakatayo pa rin at hindi mawari kung ano ang aking gagawin. "Good night," bulong niya sa tenga ko bago siya umalis sa kusina. Sa labis na kaba ko ay napainom ako ulit ng isang basong tubig at dali-daling bumalik sa aking silid. Pogi siya at perfect ang kanyang katawan. Kahit sino ay magkakagusto sa kanya pero syempre magpapakadalagang pilipina pa rin ako. Pero kung gugustuhin niya akong ibalibag? Magpapabalibag talaga ako. Charot! Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang init sa aking katawan sa mga oras na iyon nang maramdaman ko ang matigas na bagay na dumampi sa aking likod. Pakiramdam ko ay gusto niyang sakupin ang aking perlas ng silanganan. Isang mandirigmang may dalang sandata ang gustong lumusob sa kaharian. Juice ko po. ALAS DOSE nga ay hindi ko pa rin makuha ang tulog ko dahil iniisip ko yung nangyari sa kusina. Yung kanyang amoy, yung pagdikit ng aming mga kamay, yung boses niya, ahat ng iyon ay naglalaro sa aking utak. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano. Eh kung umuwi na lang kaya ako? Kung uuwi ako, paano kami makakabayad sa mga utang namin? Wala naman akong ibang mapapasukan kung sakali. Hayss! Hindi naman niya siguro ako gagalawin. Baka lasing lang siya kaya nagawa niya aking yakapin sa kusina. Anooo baaaaa Chloe! Para na akong baliw kakaisip. Gusto ba niya ako? Napakaimposible naman yun. Unang araw ko palang dito. Nag-aassume na naman ang babaeng ito. Nang hindi ako makatulog ay nagpatugtog na lamang ako ng kanta at effective nga iyon. NAGISING na lamang ako ng tumunog ang aking alarm. Alas singko na kaya naman nag-unat unat na muna ako bago ako naligo at nag-ayos. Naglagay lang ako ng kaunting kolorete sa mukha para naman hindi ako haggard. "GOOD MORNING po sa inyo," bati ko sa kanilang lahat ng makarating ako sa dirty kitchen. Nadatnan ko silang kumakain at nagkakape. "Good morning, Chloe. Kumain ka na at magkape tapos mamayang alas syete, dalhan mo ng kape si Sir Zoren," ani Aling Beth. Oo nga pala. Shocks! Paano iyon? Paano kung maalala niya yung nangyari kagabi. "O-opo," maikling sagot ko saka ako nagtimpla ng aking kape. Tatlong minuto bago mag-alas syete ay naghanda na ako ng kapeng dadalhin ko sa kwarto ni Señorito. "Sigurado kang walang asukal yan?" Tanong ni Aling Beth. "Opo. Sinunod ko po yung bilin niyo sa akin," tugon ko naman. "O sige, dalhin mo na iyan sa kwarto niya. Gising na iyon ngayon." Tumango naman ako bilang pagsagot saka naman ako nagtungo sa taas. "Magandang umaga po, Don Amorsolo," pagbati ko sa aming amo dahil nadaanan ko siya sa sala habang siya ay nagkakape. "Magandang umaga rin, Chloe. Ang aga mo yata?" Aniya habang nakatingin sa gawi ko. "Opo. Ihahatid ko po itong kape ni Señorito Zoren," wika ko saka ako ngumiti. "Ah ganun ba. O sige," aniya saka bumalik muling humigop ng kape. Ako naman ay nagtungo na sa second floor para maibigay ko na itong kape. Nang makarating ako sa tapat ng kanyang silid ay kumatok muna ako ng tatlong beses. Wala akong narinig na sagot kaya naman ay kumatok ulit ako. Wala pa ring sumasagot kaya naman pinihit ko na ang door knob saka ako dahan-dahang pumasok. Siguro ay nasa CR siya. "Señorito, ito na po yung ka. . . " End of Chapter Six
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD