CHAPTER 40

1106 Words

NASA bungad pa lang ng gate at kinakabahan na si Brad. Nasa labas ang kotse ng kanyang ina. He recognized it. Sigurado siyang nasa loob na ang ina niyang si Amanda at hinihintay siya. Kinuha niya ang kamay ni Maya dahil damang dama rin niya ang kaba nito. "Hindi ko bibitawan ang kamay mo. Huwag kang mag-alala," wika niya sa dalaga. Parehas silang humigop at bumuga ng hangin bago tuluyang pumasok ng lumang bahay. Naabutan nila sa salas si Amanda. Mukha ngang hinihintay sila nito. Tumayo ito nang makita sila. "Dito na ako dumeretso mula sa airport. Wala naman akong maraming dala, eh," wika ng matanda. "Hindi na ako nag-abala na mag-shopping ng pasalubong para sa inyo. Hindi naman na kayo mga bata na katulad noon na nasasabik sa tsokolate at bagong damit." "It's okay, Mamá," tugon ni Brad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD