"KAPAG hindi mo ako tinawagan oras oras na kagaya ng sinabi mo, magtatampo ako. Hindi na kita papansinin pag-uwi mo," ani Maya. Oras na ng pagluwas ni Brad sa Maynila. "Baby, alam mong imposibleng matawagan kita oras-oras. May mga oras na magiging busy ako. Ayaw kitang magtampo, please!" tugon ni Brad. "Syempre, joke lang iyon." Ngumiti si Maya. "Ang ibig kong sabihin 'wag mong kakalimutang tawagan ako kapag hindi ka busy, lalo na sa gabi bago ka matulog." Tumango si Brad. Inalayan niya ng masuyong halik ang labi ng dalaga. "Good luck sa unang araw mo sa klase. Sorry, hindi kita maihahatid. Pagbalik ko na lang, araw-araw kitang ihahatid-sundo." "Sana bumalik ka kaagad," nangilid ang mga luha ni Maya. "Hindi ko iyan maipapangako, pero gagawin ko ang lahat para makabalik agad. I love y

