CHAPTER 3

1123 Words
"UNCLE!" Sinalubong ni Brad ang nag-iisang pamangkin na si Tyron, anak ng kanyang nag-iisa at nakatatandang kapatid na si Harold. Nagyakap sila at nagtapikan ng balikat. Kadarating lang niya sa lugar kung saan siya ipinanganak, sa Zambales. Sa tingin niya, ang kanyang kinalakihan ang pinakamainam na lugar para palakihin si Isabella. Sariwa ang hangin doon at malayo sa polusyon. It's a good thing he is an architect. He can work from home. Siya na ang titira sa lumang bahay ng kanyang yumaong lola. Kailan lang ay nagkasundo ang buong pamilya nila na ipa-renovate iyon. Si Tyron ang unang bisita nila ni Isabella. "Binatang binata ka na," nakangiting wika niya sa pamangkin. "Huhulaan ko. Naka-limang girlfriend ka na, ano?" Muntik nang masamid si Tyron sa sarili niyang laway sa sinabi ng kanyang uncle. "Actually, Uncle, isa pa lang ang naging girlfriend ko. Kaso hiniwalayan ko na kasi ubod ng arte at high maintenance. Hindi ko kinaya," anito. "Pero may nililigawan ako ngayon. Kabaliktaran naman ng ex ko. Maganda na at mabait, ubod pa ng sipag. Ipapakilala ko sa iyo kapag napasagot ko na." "Bilis bilisan mo nang makilala ko kaagad," wika ni Brad. Ngiti lamang ang itinugon ni Tyron. "Nasaan si Isabella, Uncle?" usisa niya. "She's taking a nap," tugon ni Brad. "Do you want to see her?" Kumislap ang mga mata ni Tyron. Sumunod siya sa kanyang uncle sa kwarto nito at sabik na sabik na tinungo ang crib ng pinsan. "Ang cute mo naman, baby Isabella. Nagmana ka sa akin," pabirong wika niya. Pagkatapos ay muling siyang nagbaling kay Brad. "What happened to Ate Lorraine, Uncle? She still doesn't show up on TV. I thought you would end up together. Don't you have any plan to win her back?" Brad sighed and shook his head. "I'm done with her. Wala na akong pakialam kung ano na ang ginagawa niya. Sa ngayon, kontento na ako sa anak ko. I'll just focus on Isabella and her future." "I just can't believe it, Uncle. You used to be madly in love with her," wika ni Tyron. "Sabihin na lang natin na nagising din ako sa wakas," tugon ni Brad. Sumulyap si Tyron kay Isabella. "Pero, kakayanin mo bang alagaan nang mag-isa si Isabella?" "Iyon na nga ang problema," tugon ni Brad. "Maybe you can help me find a nanny for her. Baka may kakilala kang mapagkakatiwalaan." He sighed. "Kung nandito lang sana si Mommy, pwede niya akong maalalayan." "Eh, kailan ba ang uwi ni Mamita? Masyado na yata siyang nawiwili sa Canada," ani Tyron. "Alam mo namang buong buhay niya, puro lang siya trabaho. Mag-isa niya kaming itinaguyod ni Kuya. Kaya ngayon ang gusto namin ni Kuya ay mag-enjoy siya sa pag-ta-travel. Hindi pa siya nagsasabi kung kailan niya balak umuwi. Kaya in the meantime, I need to find a nanny for Isabella. Mas matanda, mas okay, para may alam talaga sa pag-aalaga sa bata." "Sure, Uncle. I'll help you. Magtatanong din ako sa mga kakilala ko," tugon ni Tyron. "Thank you, Tyron. Tell your Dad to visit me kapag hindi na siya busy. Sabihin mong nagtatampo ako dahil hindi niya ako sinalubong nang dumating ako." Tyron chuckled and nodded. Pagkatapos ng kanilang maikling pag-uusap ay nagpaalam na si Tyron na uuwi. Dumaan lang siya rito galing sa kanyang twelve hours shift sa trabaho. Isa siyang registered nurse. Saktong paglabas niya ng gate ay nakita niya si Maya. Nakatingin ito sa lumang bahay at mukhang nagtataka. "Hi, Maya!" bati niya sa dalaga. Ngumiti siya, at lumitaw ang malalim na biloy sa kanyang kanang pisngi. Ngumiti si Maya pabalik. "May titira na ba riyan?" usisa nito. "Oo. Umuwi kasi si Uncle Brad, kapatid ni Dad. Kasama niya ang baby kong pamangkin na si Isabella," tugon niya. Tumango si Maya. "Actually, naghahanap siya ng yaya para kay Isabella," dugtong pa ni Tyron. Kumunot ang noo ni Maya. "Bakit, nasaan ang asawa niya?" nagtatakang tanong nito. Napakamot sa batok si Tyron. "Actually, wala siyang asawa. Technically, isa siyang single dad." Na-amaze si Maya. Hindi na bago sa kanya ang makarinig ng single mom, ngunit bihira lang siyang makarinig ng single dad. "Baka naman pwede ka," wika ni Tyron. Umiling ang dalaga. "May ipon na kasi ako para sa next semester," tugon nito. "Sayang. Maganda sana kung ikaw ang mag-aalaga kay Isabella. Anytime, pwede kitang bisitahin dito. Tapos makakapag-practice ka pa sa pag-aalaga ng baby. Para kapag nagpakasal na tayo at nagkaanak, ready ka na." Nagtaas baba ang kilay nito. Umikot ang mata ni Maya. "Maya, kailan mo ba ako sasagutin?" hirit pa ng binata. "Hay naku, Tyron, nagsisimula ka na naman!" naiiritang wika ng dalaga. "Uuwi na nga ako." "Tyron!" Paalis na sana si Maya ngunit napalingon din siya nang marinig ang boses ng tumatawag sa pangalan ni Tyron. Lumabas mula sa bukana ng lumang bahay ang isang lalaking matangkad at may matipunong katawan. Tumakbo ito papalapit sa kanilang dalawa. "Nakalimutan mo ang susi ng motor mo," nakangiting wika ni Brad sa pamangkin habang inaabot dito ang susi. "Ang bata mo pa, ulyanin ka na." Natawa si Tyron. "Muntik ko na ngang makalimutan na may motor ako, Uncle. Nakita ko na naman kasi si Maya," kinikilig nitong wika. Hindi iyon narinig ni Maya dahil halos matulala siya habang nakatitig sa gwapong mukha ng lalaking nasa harapan niya ngayon. Ang ganda ng ngiti nito. "Hi!" nakangiting bati sa kanya ni Brad. Nag-init naman ang mga pisngi niya, at bigla siyang nahiya. Napansin yata ng lalaki ang pagtitig niya rito. "Si Maya nga po pala, Uncle, ang aking future girlfriend," wika ni Tyron. Binigyan ito ni Maya ng masamang tingin na ikinatawa ni Brad. "I'm Brad, Tyron's uncle." Iniabot nito ang kamay sa dalaga. Mabilis naman iyong kinuha ni Maya. "Hello po!" tugon ng dalaga. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig at pamamanhid ng kamay sa kaba. "Ikaw pala iyong nililigawan ng pamangkin ko. Huwag mo nang pahirapan masyado si Tyron. Mabait na bata iyan. Siguradong hindi ka bibigyan ng sakit sa ulo," wika ni Brad. "Masakit na nga po ang ulo ko sa kanya ngayon pa lang," tugon ni Maya. Brad chuckled. "Ang cute ng future girlfriend mo, Tyron, ha!" aniya. Nairita si Maya sa sinabi nito dahil ayaw niya talagang natutukso kay Tyron, ngunit mas nangibabaw ang kilig niya sa sinabi nitong cute siya. "I'm sorry, hindi ako pwedeng magtagal dito," wika ni Brad pagkaraan. Nilingon nito ang bahay. "I need to go back to Isabella." Nagbaling ito sa dalaga. "See you around, Maya!" He smiled for one last time. Then, he ran and waved goodbye. Maya could only feel her heartbeat racing like a horse habang sinusundan ng tingin si Brad hanggang sa makapasok ito ng bahay. Crush niya na yata ang tiyuhin ng kanyang pinakamasugid na manliligaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD