CHAPTER 4

1475 Words
"MAYA!" Tyron snapped his fingers right in front of Maya's eyes. Tulala ito at nakaawang ang mga labi habang nakatingin pa rin sa lumang bahay. Bumalik naman sa ulirat si Maya sa ginawang iyon ni Tyron. "Are you okay?" usisa ng binata sa kanya. Gusto niyang magbuntong hininga. Brad just took her breath away. It was the first time na maramdaman niya iyon. "Syempre, okay lang ako," tugon niya. Halos mautal pa siya, pero kinaya niya naman, dahil bawal magpahalata. "Ilang taon na ba si Uncle Brad mo?" "Forty-one, I guess," mabilis na tugon ni Tyron. "Hindi siya mukhang forty-one, ha." Lumabi ang dalaga. "Mukha lang siyang nasa thirties." "Nasa genes iyan, Maya. Nasa lahi. Si Dad nga forty-five na, mukha ring nasa thirties pa rin." "Sa bagay," pagsang-ayon niya. Totoo naman kasi. Ang nakatatandang kapatid ni Brad na si Harold ay napakagwapo at napakakisig pa ring tingnan. Minsan lang ito makita ni Maya. Isa itong doktor at nagtratrabaho sa ibang bayan. Tumikhim si Tyron. "Gwapo ba ang uncle ko?" Napatingin si Maya sa binata. Magmumukha kaya siyang interesado sa uncle nito kapag sinabi niyang oo? Mas pinili niyang hindi tumugon. Better play safe than be sorry. "Gwapo, 'di ba? Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit ganito ako kapogi." Tumaas ang dalawang kilay nito, habang tumaas naman ang sulok ng labi ni Maya na wari ay nais na magprotesta. Biglang natahimik si Tyron nang mapatitig ito sa labi ng dalaga. "Sana pala hinayaan na lang kitang tulala kanina. Pagkakataon ko na sanang halikan ka." He bit his lower lip. Kaagad namang umasim ang reaksyon sa mukha ni Maya sa winika ng binata. "Yuck, Tyron!" aniya sabay tulak sa dibdib nito. "Diyan ka na nga. Uuwi na ako." Mabilis itong naglakad palayo. Hinabol naman siya ni Tyron at nahawakan ang kanyang braso. "Sumakay ka na sa motor ko. Ihahatid na kita." "No, thanks!" tugon ni Maya. "Dalawang kanto lang naman ang bahay namin mula rito. Huwag ka nang mag-abala." "Please, I insist!" "I insist din, Tyron. Ayaw ko. Mamaya makita pa ako ni Tiya Helen, eh, lalo na ni Tiyo Edward. Kalbuhin pa ako." "Ilang taon ka na ba para kalbuhin ka pa para lang sa pagsakay sa motor ko? Ihahatid lang naman kita. Nagmamagandang-loob lang ako." Matagal na nagtagisan ang kanilang paningin hanggang sa magbuga ng hangin si Maya. "Okay, sige," aniya. "Ngayon lang, ha?" Ewan niya rin ba, at bakit siya pumayag. Malakas naman ang resisting powers niya kay Tyron. Ngunit sa unang pagkakataon ay hindi iyon gumana. "Yes!" tuwang-tuwang bulalas ni Tyron. Dali-dali itong bumalik at sumampa sa motor. Excited nitong pinaandar iyon. "Halika na." Bagsak ang mga balikat na umangkas si Maya sa motor. "Kumapit ka," nasasabik na wika ni Tyron. Pagkakataon na niya upang maranasan ang yakap ng dalaga. "In your dreams, Tyron," masungit na tugon ni Maya. "Matibay pa naman ang backbone ko. Kaya ko pang umupo sa umaandar na motor nang hindi yumayakap sa driver. Maliban diyan, hindi ka naman siguro mabilis mag-drive para matakot ako." "Kapit lang naman ang sabi ko. Hindi naman yakap. Hmp! Ang sungit mo talaga." Dismayadong umismid ang binata. Tumaas lang ang kilay ni Maya sa tinuran nito. Umandar na ang motor at tinahak nito ang daan pauwi sa bahay nina Maya. "Oy, Tyron, lampas na tayo sa amin," natatarantang wika ni Maya makaraang dumerederetso lang ang motor ni Tyron. "Ha? Lampas na ba?" pa-inosenteng tugon ni Tyron. "Sorry." He giggled and chuckled softly after. Kinabahan si Maya. "Hoy, Tyron, saan mo ako dadalhin?" "Relax, Maya. Hindi naman kita sasaktan. Sasamahan mo lang akong kumain." "Kumain?" salubong ang kilay na wika ni Maya. "Oo, kakain tayo. Ihahatid naman talaga sana kita, kaso nagbago ang isip ko. Minsan ka lang aangkas sa motor ko, at pakiramdam ko hindi na ito masusundan." "Talagang hindi na masusundan, kaya ihinto mo na ito. Bababa na ako." "Sa sinabi mong iyan, lalong hindi kita ibababa." "Tyron, sisigaw ako at sasabihin kong kinidnap mo ako." Tyron laughed. "Sige, sumigaw ka. Hindi kita pipigilan." Napahalukipkip si Maya sa inis. Bakit nga ba siya sisigaw? Hindi naman siya mamamatay kapag sinamahan niyang kumain si Tyron nang isang beses. Sisiguraduhin niya na lamang na hinding hindi na talaga iyon mauulit pa. Inihinto ni Tyron ang kanyang motor sa tabi ng nakahilirang tindahan ng street foods. "I know you like street foods," nakangiting wika ni Tyron habang nagtataas-baba ang mga kilay. Umikot ang mata ni Maya. Okay, she likes street foods, but she doesn't like to be with Tyron. Naiirita siya. "Kapag ako talaga pinagalitan pag-uwi ko, hindi kita mapapatawad, Tyron." "Masyado ka namang nerbyosa. Wala naman tayong masamang ginagawa," chill na tugon ng binata. Iniabot nito ang garapon ng stick sa dalaga. "Tusok all you can, Maya." Hindi mapigilang mapangiti ng dalaga. Minsan talaga hindi niya alam kung maiinis siya o matatawa kay Tyron. Kumuha siya ng isang stick at nagsimula nang kumain. "Pag-isipan mo iyong trabaho na inaalok ko sa iyo, ha?" wika ni Tyron habang patuloy pa rin silang kumakain. "Hindi barat magpasahod si Uncle Brad. He is the most generous person I know. Trust me." "Sinabi ko naman sa iyo, Tyron, may trabaho na ako at may sapat na akong ipon para sa susunod na taon. Maghanap ka na lang ng iba." Tyron stared at her. "Bakit naman ako maghahanap ng iba? Ikaw lang ang gusto ko, Maya." And there, nakalusot na naman ang pick-up line ng mokong. Ibinato ni Maya ang stick na hawak sa binata. Napa-aray si Tyron nang tumama iyon sa lantad na balat nito sa braso. "Wala ka na talagang ibang alam kundi saktan ako, Maya!" pabirong wika nito. "Buti nga binato lang kita. Kapag ako naasar sa iyo nang sobra, isasaksak ko iyan sa tagiliran mo." "Ang bayolente mo naman!" natatawang wika ni Tyron. "Kapag mag-asawa na tayo, siguradong magliliparan ang mga gamit kapag mag-aaway tayo. Kawawa siguro ako kasi lagi mo akong bubugbugin kahit maliit lang ang kasalanan ko. Pero okay lang iyon, handa akong magpaka-martyr para sa iyo." Kinindatan niya ang dalaga. Literal na tumayo ang mga balahibo ni Maya sa ginawa ni Tyron. "Alam mo, Tyron, maglalakad na lang ako pauwi. Diyan ka na." Pagkawika ay mabilis nga siyang naglakad palayo. Kulang na lang ay tumakbo siya. Sumakay si Tyron sa kanyang motor at sinabayan ang dalaga. "Oy, Maya, sorry na! Asar-talo ka naman, eh. Alam mo namang binibiro lang kita." "Pwes, itigil mo na ang kakabiro mo sa akin, dahil hindi ako natutuwa." "Ayaw mo na ng biro? Bakit, gusto mo ba tutuhanan na?" Napahinto si Maya sa paglalakad. Hinarap niya ang binata. Nakangisi ito sa kanya. "Tyron, kapag hindi ka tumigil, kahit kailan hindi na kita papansinin." Nawala ang ngiti sa labi ni Tyron. Nagbuntong hininga ito. Mukhang nasasaid niya na nga ang pasensya ng dalaga. "Okay," anito. "Titigil na ako, pero huwag kang maglakad pauwi, please. Umangkas ka na ulit. Promise, hindi na tayo lalagpas." "Umuwi ka na, Tyron. Hayaan mo na ako. Kaya kong maglakad pauwi. Salamat sa libre," seryosong tugon ni Maya at saka siya nagpatuloy sa paglalakad. Wala nang nagawa pa si Tyron kundi ang pagmasdan ang dalaga habang naglalakad itong palayo sa kanya. Marahan niya na lamang na pinaandar ang kanyang motor at tahimik na sinundan ito hanggang sa masigurong ligtas itong nakauwi. Hay, Maya, kung hindi lang kita mahal, usal ng kanyang isip. Tatlong taon na siyang nagtitiyagang ligawan si Maya. Kumbaga sa paligsahan, marami siyang katunggali sa puso ng dalaga. Lahat ng mga iyon ay binasted na ni Maya. Marami sa mga iyon ang sumuko na, pero siya ay walang balak kahit paulit-ulit pa siyang i-basted ng dalaga. Baka isang araw ay madaan niya ito sa kakulitan at sa wakas ay sumuko rin sa kanya. Natatawa siya sa isiping iyon. Maya is one of a kind. Malalim ang paghanga niya sa dalaga. Madaling sabihin na nahulog siya sa angking ganda nito. Pero mas bilib siya sa talino, kasipagan, at diskarte nito sa buhay. Iyon ang mga katangiang mas binibigyang pansin niya. Para sa kanya ay sigurado na siyang si Maya na ang babaeng nais niyang dalhin sa harap ng altar balang araw. Umaaasa siyang magbubunga ang lahat ng pagsisikap niya kahit na walang ibang ginawa si Maya kundi itulak siya palayo. Binilisan na niya ang takbo ng kanyang motor upang makauwi na rin. Nasasabik siyang magkwento sa kanyang mommy at daddy tungkol sa kanyang pamangking si Isabella. Baka bukas ay magkasama na sila ng kanyang dad na pumunta sa lumang bahay. How he wishes na sana umuwi na rin ang kanyang mamita para kompleto na kanilang reunion. Maski madalas na hindi sila nagkikita-kita ay super close ng kanilang family tie. He is very grateful with the family God has blessed him. At ang pinakapinananabikan niya ay ang kanyang malakas na pakiramdam na balang araw ay magiging parte ng kanilang pamilya si Maya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD