MARAHAS na itinulak ni Brad si Lorraine. Muntik na itong mawalan ng balanse at matumba. Gusto niyang makonsensya ngunit gusto rin niyang makita ni Lorraine na buo na ang loob niya at wala na talaga siyang balak na balikan ito. "Stop, Lorraine. Stop before I lose the little respect that's left that I have for you," mariing wika niya. Nagtiim ng bagang si Lorraine. "You're gonna regret this, Brad. I swear, you're gonna regret this," aniya. "Aalis ako, pansamantala. Pero huwag kang pakampante. Dahil pagbalik ko, kukunin ko ang anak ko. At kapag nangyari iyon, ikaw naman ang tatanggalan ko ng karapatan na makasama siya. At kahit lumuha ka pa ng dugo, hinding hindi ako makikinig sa iyo." She walked closer to him. "Tandaan mo iyan." Nanatiling nakataas ang noo ni Brad. "Do what you have to do

