"TYRON..." nakaawang ang mga labing usal ni Maya. Ngumiti si Tyron kasabay ng pagpatak ng mga luha nito. "Kaya pala," anito. "Ngayon, naiintindihan ko na." "I'm sorry," wika ni Brad. "Huhulaan ko ang sunod mong sasabihin. Hindi mo sinasadya?" Tyron chuckled. "You didn't mean to betray me?" Nakangiting napailing ang binata. "Bakit, Uncle? Bakit sa dami ng babae, ang babaeng mahal ko pa?" Naglakad si Brad palapit sa pamangkin. "Stop right there," maring wika ni Tyron. "Bibilugin mo na naman ang ulo ko. Paiikutin mo na naman ako na parang tanga. Una mo akong pinaniwala na gusto mo para sa akin si Maya, na tutulungan mo ako. Iyon pala, kukunin mo siya sa akin? Ang bait mo namang uncle." "Maniwala ka sa akin, Tyron, hindi ko sinasadya," tugon ni Brad. "Iniwasan ko naman kasi ayaw kitang m

