Uuwi na rin si Bel sa bahay nila ni Jude matapos niyang makita ang malaking pinsala ng sunog sa kanilang hacienda. Tupok ang maraming puno ng mangga at ang bukod tanging pakinabang na lang ay tuluyan ng alisin sa pagkakabaon nito sa lupa upang gawing uling o kaya ay panggatong panluto. Ang mga ponds kung saan naroon ang mga alimango at mga sugpo ay umaalingasaw ang baho dulot ng mga patay na lamang-tubig na basta na lang nagsilutang dahil nga patay na. Sinubukan ulit kausapin ni Bel ang papa niya ngunit ayaw daw nito ng kausap at gusto lamang mag isa kaya walang nagawa si Bel kung hindi ang umuwi na lamang muli. Ang sabi ng kanyang mama ay napilitan talaga na ibigay na ng kanyang papa ang mga pera ng mga taong nakisosyo sa hacienda para matapos na ang isyu sa mga ito. Hindi raw kasi tum

