Malayo pa lang sa malaking bakal na gate ng hacienda ay hindi na maipaliwanag ni Bel ang malungkot na pakiramdam. Para bang maging ang paligid at ang hangin ay nakikisimpatya sa kung anong masamang nangyayari sa hacienda Lozano. “Nasaan sila?” tanong agad ni Bel ng makita si Berta na palagi naman na unang nasalubong kapag dumarating siya. “Bel, mabuti nakauwi ka. Grabe mga pangyayari sa hacienda ngayon. Sunod-sunod ang mga masamang pangyayari na para bang sinasadya. Kaya hayan at malungkot ang lahat. Ang mga tauhan ay tahimik at pagod gaya ni Señor Ben na ilang araw ng hindi lumalabas sa opisina niya,” pahayag ni Berta. “Ano? Pero kumakain naman ba si Papa?” pag-alalang tanong ni Bel sa nalaman. “Pinipilit ni Señora pero nagagalit pa si Señor. Hindi na nga malaman ni mama at mga kapat

