Humupa na rin ang pamamaga at pangingitim ng pisngi ni Bel kaya naman nagpunta na siya sa manggahan na sinasabi ng kanyang asawa para makita ang mga malapit ng anihin na mga mangga. “Ma'am Bel, mabuti po at nakapunta kayo. Hayan po ang mga mangga at naghahanda na po kami sa pag ani sa isang araw. Ayos na po ang lahat ng mga kaing na gagamitin at ang mga trak na maghahatid sa bumili ng mga bungang mangga,” masayang salubong kay Bel ng pinagkakatiwalaan ni Jude sa manggahan. Si Mang Gani at ang buong pamilya nito. Sa obserbasyon naman ni Bel ay hitik na hitik talaga sa bunga ang bawat puno ng mga mangga kaya alam niyang alagang-alaga talaga ang manggahan. May mga balot pa nga ng papel na dyaryo ang bawat piraso ng mangga para iwas sa mga mapanirang kulisap o kaya naman ay bukbukin. “Alam

