"Nariyan na naman siya," narinig na bulongan ni Bel ng makita na naman siya ng mga empleyado sa loob ng kumpanya ni Jude at palihim siyang nililingon. Araw-araw kasi siyang nagtutungo sa kumpanya para pagdalhan ng pagkain ang kanyang asawa at wala siyang pakialam kahit ilang beses na siyang pinahiya nito. Ilang beses na rin kasing hindi kinakain ni Jude ang dala niyang pagkain dahil may lunch meeting ito sa labas ng kumpanya. Pero hindi naging hadlang iyon kay Bel para araw-araw pa rin na magdala ng pananghalian para sa asawa. "Hindi kaya siya naaawa sa sarili niya?" ani na naman ng isa. "Huwag kang maingay at baka marinig tayo," sagot pa ng isa. Humalikipkip lang si Bel at hinayaan na lamang ang mga bulungan sa paligid kahit wala namang karapatan ang mga ito na siya ay pag-usapan.

