"Ano to?" tanong ni Bel ng mula sa kanyang seryosong paghihiwa ng gulay ay may inilapag na na brown envelope si Jude sa ibabaw ng lamesa. "Tingnan mo at basahin kung anong nilalaman niyan," sagot ni Jude kaya inilapag muna ni Bel ang kutsilyo at saka sinilip ang nilalaman ng brown envelepo. May mga lamang papel ang nasa brown envelope. "Anong nilalaman ng mga papel na ito?" untag muli ni Bel. "Annulment paper yan, Love Bel. Gusto kong pirmahan mo na para mapawalang-bisa ang kasal natin sa lalong madaling panahon," paliwanag ni Jude na nagpatigagal sa katawan at isipan ni Bel. "Huwag kang mag-alala at bibigyan naman kita ng malaking halaga ng pera sa oras na pirmahan mo yan. Malaking halaga ng pera na pwede mong gamitin kasama ng pamilya mo para makapag umpisa kayo ng panibagong buhay,

