“Jude,” bantulot na tawag ni Bel sa asawa ng makitang palabas na ito ng front door. Hindi lumingon ang lalaki kaya naman mabilis pa na naglakad si Bel para lang abutan ang asawa. “Jude,” tawag niya na naman at nilapitan ang asawa bago pa ito makasakay ng sasakyan. “Ano ba yon, Bel? Bakit ka ba tawag ng tawag na alam mong paalis na ako nagmamadali na?” nakasimangot na reklamo ni Jude. “Pasensya ka naman. Kasi hatinggabi ka na dumating kaya hindi ko na nasabi,” katwiran ni Bel. “Ano ba kasi ang sasabihin mo? Dalian mo at baka ma-late ako sa pupuntahan ko,” sabay tingin pa ni Jude sa relo na nasa kanyang bisig. “Magpapalam sana ako na uuwi muna. Birthday kasi ni Papa ngayon,’ nakangiting sambit ni Bel sa rason kung bakit nais niyang umuwi. Saglit na nag-isip ng seryoso si Jude. “Sige

