“Umuwi ka pa talaga para magbida-bida na naman?” Mula sa paghahalo ng pansit sa malaking kawali ay napalingon si Bel sa kanyang likod kong saan nakita niya ang dalawang mas nakababatabg mga kapatid na babae. Pinatay na muna ni Bel ang apoy sa kalan dahil luto ba rin naman ang kanyang nilutong pansit na paborito ng kanyang papa. “Anong sinasabi mo, Betty? Talaga namang kapag birthday ni Papa ay ako ang nakatoka magluto ng pansit, hindi ba?” tanong ni Bel kay Betty na siyang nagsalita. “Kahit hindi ikaw ang magluto ng pansit ay kakain naman si Papa. Anong palagay mo sa sarili mo? Masarap magluto?” sabay tawa pa ni Betty ng may halong pang iinsulto na sinabayan na ni Berry. “Inuuto lang siya ng mga kasambahay nagpapauto naman. Ate Bel, natural lang na sasabihin nila na masarap ka maglut

