Pasado alas dies na ng hatinggabi ng tuluyang maging tahimik ang buong mansyon ngga Lozano dahil lumisan na ang pamilya Altamerano. Gustuhin man ni Bel na puntahan agad si Analyn sa labas ng bahay ay hindi niya alam kung paano siya pupuslit lalo pa at gising pa ang iba. “Matulog na tayong lahat at masyado ng malalalim ang gabi. Bukas na rin kayo magligpit at hindi naman tatakbo ang mga maruruming gamit,” utos ng tatay ni Bel sa kanila at maging sa mga kasambahay na hatinggabi na ay panay pa ring linis kung saang sulok ng bahay. Nabuhayan ang loob ni Bel ng marinig ang utos ng ama at muli syang napatingin sa mga kamay sa wall clock na nagsasabi ng oras. “Matulog ka na anak para lalo kang gumanda sa araw ng kasal mo,” sabay yakap at halik ng mama ni Bel sa kanya. “Opo, ma. Matulog na ri

