“Para!” sigaw ni Bel sa sasakyan na parating. Ngunit ng malapit na ito at malinaw niyang makita na isa pa lang kotse at hindi sasakyang pampubliko ay bahagya syang nakaramdam ng panlulumo dahil malamang na hindi naman siya pasasakayin. Iisipin pa na baka isa siyang masamang loob na may mga kasabwat na naghahanap ng mabibiktima dahil ano nga ang ginagawa ng isang babae sa gitna ng kalsada hatinggabi? “Akala ko pa naman ay isa ng jeep? Pero hanggang ala sais lang ng gabi ang biyahe ng jeep at mamaya pang ala singko ng madaling araw ang balik kaya magtiyaga na lang akong maglakad hanggang sa makalayo ako sa hacienda,” buo ang loob na sambit ni Bel at saka na nga nagpatuloy pa sa paglalakad ngunit napansin niyang ang kotse na inakala niyang isang pampasaherong jeep ay tumigil sa hindi kalayu

