“Wala ka talagang hiya! Boba ka talaga!” at isang malakas na sampal ang dumapo na naman sa mukha ni Bel buhat sa kanyang ama. Hinatid siya ni Jude sa bahay nila at pinaalam sa matandang Lozano ang kanyang ginawang pagtatangkang pagtakas. Kaya naman nanginginig sa galit ang kanyang papa at sa harap ni Jude Altamerano ay ilang ulit siyang pinagbuhatan nito ng kamay. “Akala ko pa naman ay nagtanda ka ng babae ka ngunit heto at mas malalala pa pala ang gagawin mo! Talagang wala kang kahihiyan sa katawan mo kaya hindi mo iniisip ang kahihiyan na sasapitin ng pamilyan to kung natuloy ang pagtakas mo!” galit na galit na naman na sermon ni Señor Ben sa pangalawang panganay na anak na babae. “Pa, ayoko pa hong mag-asawa. Ayoko pa hong magpakasal. Ang bata ko. At marami pa akong pangarap sa buhay

