“Ngayon alam mo na ang bunga ng katigasan ng ulo mo?” tanong ni Jude kay Bel na tahimik lang at halos hindi na magsalita. Wala namang masamang nangyari sa mama niya maliban nga sa nahirapan itong huminga ng gabing nahuli siya sa tangkang pagtakas. Samantalang ang kalagayan ni Analyn ay nababalitaan niya na lamang kina Berta at Tintin. “May nalalaman ka pa kasing pagtakas? Alam mong sakop ng lugar na ito ang lahat ng mga tao ng papa mo habang ang kasunod na bayan ay sa pamilya ko. Kaya wala kang takas Love Bel Lozano,” sermon pa ni Jude habang inaayod ang kulay puting damit. Ngayon ang araw ng kasal nina Bel at Jude dahil napagpasyahan nga ng binata na huwag ng hintayin pa ang isang magarbong kasal sa simbahan para wala ng takas ang dalagang ang pangarap lang ay makawala sa kanyang pami

