“Nay, nakatulog maganda po yata ang gising niyo at pakanta-kanta pa kayo?” ang tanong ni Barbie ng puntahan ang nanay na nagwawalis ng mga tuyong dahon sa malawak na bakuran ng bahay ni Mayor Jude. “Lagi naman maganda ang gising ko, nak. Pero mas maganda lang talaga dahil narito tayo sa probinsya at narerelax talaga ng mabuti ang aking isip sa sariwang hangin at magandang tanawin,” ang tugon ni Bel at nagpatuloy lang sa paglikha ng malamyos na tunog na para bang may hinehele habang nagwawalis pa rin ng mga tuyong dahon. “Sabagay, nay. Tama naman po talaga kayo. Sobra talagang nakakarelax sa probinsya. At aaminin ko po na ngayon ko nga lang talaga naranasan ang ganitong sobrang relax na relax lang ang katawan ang isip ko. Tamang-tama naman po na kapag sumabak na naman ako sa pag-aaral ay

