Chapter 2

1563 Words
“Bakit narito ka sa bukid? Hindi ba dapat magpapa-enroll ka sa university kung saan ka magka-college?” tanong ng matalik na kaibigan ni Bel na si Analyn. Anak ito ng isa sa mga trabahador sa kanilang lupain kaya naman dito na rin ito nagtatrabaho kasama ng mga magulang at iba pa. “Hindi ko tinuloy, bes. Naisip ko na baka kasi hindi ko kayanin. Baka mamaya ay bumagsak lang ako kaya hindi na lang. Dito na lang din ako kasama mo at ng iba pa. Ayaw mo ba akong makasamang magtanim at umani? Magpala ng mga dumi ng hayop o kaya ay kumuha ng gatas sa baka at mga kalabaw?” nakangiting sagot at mga tanong ni Bel sa kaibigan. “Kuh! Sinungaling na babae,” sabay irap ni Analyn sa narinig na sagot ng kaibigan na anak ng kanilang mga amo. “Narinig ni Berta ang dahilan kaya ka narito sa halip na nasa university ay dahil hindi ka pinayagan ng Papa mo. Akala mo siguro hindi ko malalaman ano? Sa lakas nga raw ng boses ng papa mo ay baka hanggang sa bundok tralala ay umabot ang sigaw niya,” dagdag pa ni Analyn na ang berta na tinutukoy ay ang isa sa mga kasambahay nina Bel na halos kaedad lang nilang dalawa. Isang buntong-hininga ang ginawa ni Bel at saka nagtuloy sa pag-alis ng mga damo sa malawan na taniman nila ng palay. “Tama naman siguro si Papa. Huwag na lang akong mag-aral kasi totoo naman na mahina ang utak ko. At saka ano ba ang gusto kong kunin na kurso? Agricultural naman pero narito na rin ako sa bukid. Kaya hindi na nga siguro talaga kailangan pang mag-aral pa,” sagot ni Bel sa matalik na kaibigan. “Hala! Anong pinagsasabi mo? Hindi ba nalalaman ni Señor Ben na kapag nakapag aral ka ng agricutural ay mas lalawak ang kaalaman mo at mas mapapaunlad ang hacienda niyo? At saka, ganun na lang na yon? Susuko ka na lang ba sa mga pangarap mo, Bel? Tanggap mo na talagang makakasama ka na lang namin dito bilang trabahador sa halip na siyang amo namin?” patuloy na giit ni Analyn. “Bes, ang desisyon ni Papa ay hindi kailanman mababali. Hindi dapat kontrahin dahil alam niya naman ang tama at mali. Hindi naman magtatagumpay sa buhay si Papa kung hindi siya matalino,” pagbibigay katwiran pa ni Bel sa kanyang Papa. “Bes, bakit ba ang bait-bait mo? Kung hindi mo lang kamukha si Señor Ben ay iisipin ko talaga na ampon ka lang dahil lagi ka na lang napapagalitan, napaparusahan at ngayon naman ay hindi ka na pag-aaralin dahil sa hindi ka lang kasing talino ng mga kapatid mo. Bakit hindi mo ipaglaban ang pagiging Lozan mo? Bakit hindi mo igiit na gusto mong mag-aral sa halip na sumang ayon kahit labag sa kalooban mo,” ani pa ni Analyn na naaawa sa sitwasyon ng matalik na kaibigan. “Bes, magulang ko pa rin siya. Maliban doon ay nasa loob pa rin ako ng pamamahay niya kaya wala akong karapatan na sumagot lalo na ang lumaban. Baka magpakamatay na lang ako sa oras sumagot o lumaban ako sa pamilya ko lalo na sa mga magulang ko,” paliwanag pa ni Bel sa kaibigan na mas naiinis pa sa sitwasyon niya kaysa sa kanya. Sinamahan na lang ni Analyn na magtanggal ng mga ligaw na damo ang matalik na kaibigan dahil kahit anong sabihin niya ay hindi naman ito makikinig. Napalingon ang lahat ng mga nagtatrabaho sa bukid ng may marinig na halinghing ng kabayo sa hindi kalayuan sa kanila. Maging si Bel ay napalingon kung saan nagmula ang ingay ng hayop. “Sino yan?” tanong ni Analyn na tumayo na sa pagkakayuko sa palayan. Isang kulay itim na kabayo ang tumigil sa malawak na bukirin nina Bel sakay ang isang lalaki na naka cowboy na suot mula sa sapataos hanggang sa sumbrero nito. Napatayo na rin si Bel habang nagpupunas ng kanyang pawis habang ang bagong dating na lalaki ay makisig na bumaba mula sa kanyang kabayo. “Hindi ko siya kilala, Analyn. Baka galing sa ibang hacienda at naligaw,” sagot ni Bel. Ang lalaki ay nakatindig paharap sa mga nagtatrabaho sa bukid na para bang may hinahanap. “Magandang araw sa inyong lahat. May hinahanap lang kasi ako at may nakapagsabi na dito ko matatagpuan sa bukid ng mga lozano,” paglahad ng lalaki sa baritonong boses. Nagkatinginan sina Bel at Analyn ngunit maya-maya ay si Bel na ang lumapit sa lalaking bagong dating. “Magandang araw din naman sayo, Ginoo. Ano ba ang inyong hinahanap para matulungan ka namin?” magalang na tanong ni Bel. Umarko ang kilay ng lalaki habang nakatitig na sa mukha ni Bel na isa sa mga lozano. Nakatitig din naman ang dalaga sa hindi inaasahang bisita na may makapal na mga kilay, may matangos na ilong, pangahan ang mukha at nagtataglay ng magagandang mga mata na tila ba nanghihikayat na lalo pa itong titigan. Maliban sa hindi mapagkakailang gwapong mukha ng lalaking bisita ay matangkad ito at may magandang tindig at malaking katawan. “Hindi ano kung hindi sino?” sagot pa ng lalaki. “Kung ganun ay sino? Anong pangalan ng hinanap mo?” magalang pa rin na tanong ni Bel sa kabila ng tahasang pagtaas at pagbaba ng tingin sa kanyang katawan ng estrangherong lalaki. “Hinahanap ko ang isa sa mga anak ni Señor Ben Lozano. Ang kanyang pangalawang anak na babae na ang pangalan ay Love Bel Lozano.” Saglit na natigilan si Bel pagkarinig sa kanyang buong pangalan. At iniisip niya kung kilala ba niya ang lalaki para hanapin siya nito na sinadya pa siya sa bukid. Muling nagpunas ng pawis si Bel gamit ang braso na nababalutan ng long sleeve. “Kung ganoon ay ano kailangan mo sa akin?” nagtatakang tanong na ni Bel sa lalaki. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki at sa muling pagkakataon ay pinagmasdan niya ang kabuuan ng dalagang kaharap. “Inuulit ko, anong kailangan mo sa akin? Ako si Love Bel Lozano at ang pangalawang anak na babae ni Señor Ben Lozano,” pagpapakilala ni Bel sa kanyang sarili. Lumakad ang lalaki at tumigil sa harap ni Bel na ilang pulgada na lang ang layo at saka pa ipinatong sa magkabilang balikat niya ang mga kamay ng estrangherong lalaki. “Kung ganoon ay ikaw pala si Love Bel o mas kilala sa tawag na Bel?” anang lalaki na halos isang pulgada na lang ang layo sa mukha ni Bel. Nakatingala ang dalaga sa mukha ng estrangherong bisita dahil nga matangkad ito. “Ano bang kailangan mo sa akin at hinahanap mo ako?” tanong pa ulit ni Bel. “Hinahanap talaga kita para gawin sayo ito,” at ang sumunod na pangyayari ay hindi inaasahan ng dalagan na estatwa na lang sa pagkakatayo. Matapos magsalita ng estranghero ay walang paalam nitong hinalikan ang mga labi ni Bel sa harap ng maraming tao. May mga napasinghap lalo na ang matalik na kaibigan ni Bel na si Analyn. Nawala sa sarili si Bel dahil sa pagkabigla lalo pa at unang beses talaga na may lalaking humalik at sa kanya pang mga labi. “Bastos!” asik ni Bel sabay sampal sa kaliwang pisngi ng lalaki na hindi man ininda ang malakas na sampal na tinamo mula sa palad ni Bel. Ngumisi pa ang lalaki at maya-maya pa ay nagtatawa. Inalis nito ang suot na cowboy hat at saka tila maginoo na yumukod sa harap ng dalagang ninakawan na lang basta ng halik sa labi. “Hanggang sa muli, Bel,” paalam pa ng lalaki at saka inilang hakbang lang ang layo ng kanyang itim na kabayo at walang kahirap-hirap na sumampa sa likod nito. Hindi pa rin makapaniwala si Bel sa bilis ng pangyayari na madali siyang na nanakawan ng halik ng isang lalaking sumulpot na lang sa kanyang harapan. “Bago ko pala makalimutan, Bel Lozano. Ako nga pala si Jude. Jude Altamerano,” nakangising pagpapakilala ng lalaki sa kanyang sarili habang mayabang ng nakasakay sa kanyang mamahaling kabayo na kumikinang ang itim na itim na balahibo na tinatamaan ng sinag ng araw. “Nakakasiguro ako na hindi ngayon ang una at huling pagkikita natin, Bel. Ngunit sa ngayon ay magpapaalam na muna ako,” wika pa ng lalaki na hindi na estranghero dahil Jude Altamerano pala ang pangalan nito. Waring nagpakitang gilas pa sa galing ng pagpapatakbo ng kabayo si Jude bago ito tuluyang na lumisan palayo. “Siya pala si Jude Altamerano? Ang panganay na anak ng mga Altamerano. At totoo pala ang sabi nila na napaka gwapo raw,” si Analyn na nasa tabi na ni Bel. “Kung ganun ay hinalikan pala ako ng isang hudas?” sabi ni Bel na panay ang punas sa kanyang mga labi. “At bakit nagpunta siya rito at hinahanap ka at walang pasabi talaga na hinalikan ka, Bel? Anong trip ng panganay ng mga Altamerano sa pagnakaw ng halik sayo?” Napailing na lang si Bel dahil kahit siya ay walang ideya kung bakit siya bigla na lang hinalikan. Pangarap pa naman ni Bel na ang hahalik lang sa kanya ang lalaking mapapangasawa niya ngunit ninakaw na lang basta ang unang halik na niya. At Halik pa ni Judas ang unang naranasan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD