Chapter 3

1565 Words
“Mahina nga ang utak mo ay nagdadala ka pa ng kahihiyang babae ka!” at isang malakas na sampal ang sumalubong sa kaliwang muka ni Bel na halos ikaalog ng utak niya. Muntik na rin siyang mabuwal sa sahig kung lamang siya nakakapit sa pader ng kanilang bahay. “Wala ka na ba talagang kahihiyan?!” sigaw na naman ni Señor Ben at saka pa nakaduro ang kanang hintuturo sa dalagang anak na hawak ang nasaktan bahagi ng mukha. “Pa, ano po ba ang sinasabi niyo? Ano po ba ang nagawa kong mali para magalit po kayo ng ganito sa akin?” ang umiiyak na tanong ni Bel dahil maghapon siya sa pagtatrabaho sa bukid at pagod na pagod na ngunit sa halip na makapagpahinga na ay isang malakas na sampal pa ang sinalubong ng kanyang ama sa pag uwi niya sa bahay. “At maang-maangan ka pa talaga? Hindi mo na naman alam ang pagkamamali mo? Saan ka ba magmana at ganyan na nga kahina ang kukute mo!” sabay duldulo pa ni Señor Ben sa sentido ni Bel. “Ay may kakatihan ka pa palanga itinatago! Ganyan ka ba naming pinalaki ng mama mo? Ang makipaghalikan sa lalaki na nakikita ng lahat sa gitna ng tirik na araw?!” asik pa ng Papa ni Bel kaya naman nanlaki ang mga mata niya at nanuyo ang lalamunan dahil nalaman pala ng papa niya na may isang lalaking dumating kanina sa bukid at bigla na lang siyang hinalikan. “Ano? Akala mo siguro ay hindi ko malalaman ang kalokohan mo? Pati ba naman sa bukid na pag-aari ko ay wala kang patawad at nagdadala ka ng kamalasan? Ni hindi ko pa kilala ang lalaking nobyo mo at hindi ko nakitang umakyat man lang ng ligaw sa pamamahay na ito ay nagpapahalik ka ng babae ka!” nangggalaliting sermon ni Señor Ben sa kanyang pangalawang anak na dalaga. “Pa, maniwala ka hindi ko siya nobyo. At ngayon ko lang din siya nakita. Kaya nga nabigla rin ako ng bigla na lang niya akong halikan,” sa wakas ay nagawa ng mangatwiran ni Bel. “Ano na namang kasinungalingan ang pinagsasabi mong babae ka? Huling huli ka na ay talagang itatanggi mo pa?” sabay tapon sa mukha ni Bel ng isang larawan. Larawan niya at ni Jude at akto na hinalikan siya nito. “Ate, huwag ka ng magsinungaling pa kay Papa. Aminin mo na may relasyon talaga kayo ng panganay ng mga Altamerano,” sabi ni Beth kasama rin si Berry na nasa isang sulok at nanunuod at nakikinig kung paano sermunan ng kanilang Papa ang kanilang pangalawang nakatatandang kapatid. “Bakit naman ako magsisinungaling? Hindi ko talaga kilala ang lalaking yan. Kanina ko lang talaga siya nakita at nakilala dahil nagpakilala na siya bilang Jude Altamerano,” paliwanag pa ni Bel dahil hindi niya naman kilala ang hudas na nagnakaw ng una niyang halik. “Ate, bakit hindi mo itanong sa sarili mo na kung bakit nagsisinungaling ka pa? Hinalikan ka nga sa nakikita ng maraming mga tao tapos igigiit mo na hindi mo kilala ang panganay ng mga Altamerano? At saka nakausap na namin si Madeline. Siya mismo ang nagsabi na kayo talaga ng kuya Jude niya,” giit din ng bundong kapatid ni Bel. “Madeline? Sinong Madeline? Wala akong kilalang Madeline. At hindi ko talaga nobyo ang Jude na yon. Hindi ko alam kung anong intensyon nila kung bakit nila ako ginagawan ng kwento pero hindi ko talaga sila mga kilala,” pagmamatigas ni Bel. Kilala naman ni Bel ang pamilya Altamerano ngunit kailanman ay hindi niya nakilala ng personal sinuman sa pamilya. Ang mga kaibigan ni Bel ay mga anak na nagtatrabaho sa bukid nila gaya nga ni Analyn na kanyang matalik na kaibigan. “Stop it, Love Bel! Huwag ka ng magsinungaling! Umamin ka na dahil bukong-buko ka ng babae ka! Ang lakas talaga ng loob mong mag nobyo sa bata mong edad na wala ka pang napapatunayan. Pag-aaral mo nga lang ay hindi mo pa maayos ayos pero inuna mo pa talaga ang makipag nobyo? Talagang sinasagad mo ang galit kong bata ka! Kaya magpupunta ako sa mga Altamerano at idedemanda ko ang Jude Altamerano na yan kapag hindi ka pinakasalan!” Nanlaki ang mga mata ni Bel sa narinig na pahayag ng kanyang ama. “Pa, ano pong sinasabi niyo? Bakit niyo naman po ako ipapakasal sa lalaking yon? Maniwala po kayo na hindi ko pa talaga siya kilala at mas lalong hindi ko po siya nobyo. Kaya hindi po ako magpapakasal sa kanya,” matapang na giit ni Bel sa katotohanan. “Talagang matigas ang ulo mong babae ka?! At gusto mo talagan ipahiya na lang ang pamilyang to matapos kang makipaghalikan sa isang lalaki sa harap pa naman ng mga patay gutom na taong trabahador ko ay sasabihin mong wala kayong relasyon at hindi ka magpapakasal? Tonta ka talaga! Isa ka talagang malaking kahihiyan sa pamilyang to!” galit na galit na sigaw ni Señor Ben at saka hinugot sa kanyang baywang ang suot na sinturon at walang awang pinaghahampas sa pagod na katawan ng pangalawang anak na babae na walang nagawa kung hindi gawing pananggalang na lamang ang dalawang braso para matago ang katawan sa bagsik ng haplit ng sinturon. Hindi talaga tinigilan ni Señor Ben sa walang habas na paghampas kay Bel gamit ang hawak na sinturon dahil sa sobrang galit. “Wala ka talagang utak! Wala ka talagang kahihiyan sa katawan mo! Kung alam ko lang na ibibilad mo kaming pamilya mo sa kahihiyan ay sana nuon pa man ay pinabayaan ka na lang namin!” dinig na naman sa buong malaking kabahayan ang galit na galit na boses ni Señor Ben. Sina Beth at Berry ay waring nasisiyahan pang panuorin kung paanong saktan ng kanilang ama ang kanilang ate Bel. Ang mga kasambahay na naaawa sa mabait na dalagang amo ay wala naman din magawa para pigilan ang Señor sa ginagawa nitong pananakit dahil sila naman ang pagbabalingan nito at siguradong oramismo ay palalayasin sila. “Tama na! Tama na Ben!” sigaw ng Mama ni Bel na naibagsak pa ang mga dala-dala nito ng tumakbo para pigilan ang pananakit ng asawa sa pangalawang anak nila. Niyakap ni Señora Lara si Bel at isinangga ang katawan para protektahan ang anak na puro latay na ang balat. “Umalis ka diyan, Lara! Hayaan mo akong turuan ng leksyon ang walang kahihiyan na babaeng yan!” at pilit na inaalis ni Señor Ben ang katawan ng asawa na nakayakap sa pangalawang anak na hinahaplit ng sinturon. “Sumusobra ka na! Sobra na ang pagpaparusa mo sa anak ko na anak mo rin! Hindi makatao ang ginagawa mo kahit pa anong naging kasalanan sayo ni Bel!” pagtatanggol ng mama ni Bel sa kanya. “Kaya lumalaki ang ulo ng babaeng yan ay dahil lagi mong kinakampihan! Alam mo ba kung anong ginawa niyan para ipagtanggol mo pa? Nakipaghalikan lang yan sa isang lalaki sa harap ng mga hampas lupang mga trabahador at ngayon ay igigiit niyang hindi niya raw kilala at nobyo kahit nakipaghalikan siya? Napakalaking kahihiyan!” asik ni Señor Ben na ibinato pa ng malakas sa sahig ang kanyang hawak na sinturon. “Kausapin at pagsabihan mo ang babaeng yan, Lara! Dahil talagang mapapatay ko na ang anak mong yan sa mga kahihiyan nyang dinadala sa bahay na ito! Mahina na nga ang utak ay may gana pang makipag landian sa harap pa ng mga alipin ng kanin! Kahiya hiya! Ano na lang ang maipipintas sa atin ng mga patay gutom na yan?! Kahiya hiya ka talaga Love Bel! Isa ka talagang malaking kahihiyang babae ka!” dumadagundong na sabi pa ni Señor Ben sa anak na yakap ng mahigpit ng kanyang asawa. Nanggagalaiting malalaking hakbang ang ginawa na lang ni Señor Ben dahil kapag hindi pa siya umalis ay baka kung ano pang magawa niya sa anak. “Bel, anak, dadalhin kita sa ospital, ha. Kailangan mong magamot, anak,” lumuluhang sabi ni Señora Lara sa anak na nanghihina na. “Ma, hindi po ba kayo nag iisip? Dadalhin niyo si Ate sa ospital? At anong sasabihin niyo na ginulpi siya ni Papa kaya marami siyang sugat?” kontra na ni Beth ng marinig ang sinabi ng mama nila. “Kasalanan mo naman kasi ate Bel. Kung umamin ka na lang kasing boyfriend mo ang panganay ng mga Alatamerano ay hindi ka na aabot sa ganyan. Nagsinungaling ka pa kasi.” Paninisi pa ni Berry sa halip na maawa sa ate. “Tumigil na kayong dalawa dahil hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon,” sawag ni Señora Lara sa dalawang nakababatang mga anak na babae. “Ma, tama naman si Papa. Kaya nagkakaganyan si Ate ay dahil kinukunsinti niyo. Kinakampihan niyo kahit alam niyo naman na mali siya,” sabay irap pa ni Beth at saka na umalis. Sumunod na rin si Berry sa pangatlong ate. Tumawag na lang ng mga kasambahay si señora Lara para tulungan na buhatin si Bel na madala sa silid nito. “Sino ka Jude Altamerano? Anong dahilan mo para ilagay ako sa ganitong sitwasyon? Bakit ako? Bakit ako na hindi naman talaga kita kilala?” mga tanong sa isip ni Bel habang iniinda rin ang sakit ng katawan. “Bakit mo ako bigla na lang hinalikan?” dagdag tanong pa ni Bel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD