“Bakit na naman kaya wala pa si Jude? Nakakatakot pa naman ang panahon. Ang lakas ng kidlat at kulog pati ng ulan,” pag-aalala ni Bel habang nakasilip sa kanyang bintana natatakpan ng makapal na kurtina dahil nga nangngalit ang langit. “Sana kung nasaan man siya ay doon na siya magpalipas ng gabi dahil napakadelikado,” hiling pa ni Bel. Kahit gaano kalupit din sa kanya si Jude ay asawa niya na ito at tungkulin niya na paglingkuran. Naalala niya ang mama niya na kahit pinagmamalupitan din ng kanyang papa ay kailanman hindi nagreklamo dahil nga mag-asawa sila. Araw-araw nasa mga pananim si Bel at siyang nagmamasid kung may mali sa mga pananim sa utos na rin ng kanyang asawa na laging abala sa kung anong inaasikaso sa kumg saan. Kahit pagod sa araw-araw na paglalakad ay kailangan pa rin n

