“Ma'am, salamat po sa malamig na tubig na dala niyo po,” pagpapasalamat ng isang binatilyo sa malamig na tubig na dala ni Bel. Nagbitbit talaga si Bel ng isang maliit na water jug na may lamang yelo at ilang tinapay para baon niya ngunit ang totoo ay gusto niya talagang ipamigay ang mga tinapay sa mga magsasaka na kanyang makikita kapag umikot siya sa ekta-ektaryang palayan ng asawa. “Walang anuman, Dong. At saka malamig na tubig lang yan. Yelo at tubig ang sangkap. Walang anuman na nakahalo,” nakangiting sagot ni Bel sa binatilyo na para bang nakainom ng pinakamasarap na tubig sa naging reaksyon ng matikman ang malamig na tubig na dala ng asawa ng kanilang amo. “Pasensya na po, Ma'am Bel. Ang totoo po ay ngayon madalang lang makainom ang anak ko ng malamig na tubig dahil wala naman po s

