"Jude, wala talaga akong maalala sa mga sinasabi mo na isa akong kriminal. Ano bang basehan mo para akusahan ako ng isang malaking bintang?" tanong ni Bel ng mahimasmasan sa kung anong sinasabi ng asawa tungkol sa kanya. Muling tinapunan ni Jude ng tingin ang asawa na nag iisip kung paano siya naging kriminal. Maya-maya ay tumayo si Jude sa pagkakaupo at saka lumakad patungo kay Bel. "Paano ako naging kriminal? Sino ang pinatay-" Hindi na naituloy ni Bel ang katanungan ng mahigpit ng sinakal ni Jude ang kanyang leeg. "Huwag ka ng magmaang-maangan pa dahil kahit anong gawin mong pagtanggi at pagpapanggap na walang alam ay hindi ako maniniwalang hindi mo alam." Gigil na sambit ni Jude habang humihigpit ang pagkakasakal sa asawa na hindi na makahinga. Panay na ang hampas ni Bel sa kamay

