Tinatanaw ni Bel ang lawak ng lupa na kanya dapat na araruhin para makapagtanim na ng panibago sa malawak na lupa na taniman ng palay habang pinupunusan ang pawis na namuo sa kanyang noo at buong mukha. "Marami pa pero kakayanin," bulong ni Bel sa kanyang sarili habang positibong nag-iisip na kaya niya. Makabagong sasakyan na ang gamit na pang araro ngunit si Bel lang talaga ang dapat na gunagawa dahil maging ang pagtatanim ay kailangan niyang gawin n ginagawa ng manu-mano. Kailangan na magtrabaho ni Bel sa bukid na bukod tanging siya lang at walang tulong ng ibang tao para pagbigyan siya ni Jude sa kanyang kahilingan na paninirahan ng kanyang pamilya sa kanilang bahay kahit may iba ng nagmamay ari pa rito. Dahil marami namang karanasan sa pagbubukid at sanay na sanay sa mga gawaing ma

